20

18.3K 443 21
                                    


NAKATAYO si Angelo sa mataas na bahaging iyon ng lupain niya. Dapithapon na halos. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Tinatanaw niya ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo. Ang mga bundok at dagat na nakapaligid dito.

"Talaga palang maganda ang lugar na ito, Angelo. Hindi ako magsasawang panoorin kahit sa araw-araw."

Biglang lumingon ang binata sa pinanggalingan ng tinig na kilalang-kilala niya, Parang binabayo ang dibdib niya.

"Wilna!"

"Hi," nakangiting bati ng dalaga na lumakad patungo sa tabi ng lalaki.

"Ano ang ginagawa mo rito? Papaano kang nakarating dito?" sunod-sunod nitong tanong.

Nagkibit ng balikat ang dalaga. Naupo sa mga damo malapit sa kinatatayuan ni Angelo.

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang tanawing ito, Angelo," mahinang sagot niya na pinagsawa ang mga mata sa paligid.

"Sino ang kasama mo?" pormal na tanong ni Angelo.

"Si Anthony"

"Nasaan siya?"

"On his way back to Greenhills."

"Hindi ko ito naiintindihan. Bakit iniwan ka niya? Sino ang maghahatid sa iyo pauwi?"

"Sa villa ako matutulog."

"Ano'ng pinagsasabi mo, Wilna?" pagalit na tanong ng binata na hinawakan sa magkabilang balikat si Wilna at itinayo.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ay dito ako matutulog," tipid na ngumiti ang dalaga.

"Hindi. Kung iniwan ka ni Anthony ay ihahatid kita sa Greenhills ngayon. Hindi ka maaaring matulog dito!"

Hindi ito pinansin ng dalaga. Lumakad palayo at inikot ng tingin ang buong paligid. Puro nagtatayugang damo ang napagmasdan niya. Parang sila lang dalawa sa mundo.

"If two lovers would make love today in this place, no one will ever know. Maliban sa mga ibon at kuliglig," mahinang wika niya.

"What the hell are you talking about? Halika, ipapasyal kita sa may kabilang bahagi ng villa. Malapit nang humapon at malamig na dito. Pagkatapos ay iuuwi na kita."

Subalit hindi kumikilos ang dalaga. Humarap siya kay Angelo. "Do you think we could spend our honeymoon here?"

"Hindi!" matigas na tanggi ng binata. Pagkatapos ay nagbaba ng tinig mula sa pagkabiglang iyon. "Ang ibig kong sabihin, bakit hindi. Kung dito gusto ni Anthony."

Tinitigan ni Wilna ang lalaki. Bakas ang pait sa mga mata nito. Lumapit siya rito. Tumingala.

"Will you kiss me, Angelo?" she whispered in a soft and husky voice.

"Ano ang sinasabi mo?" pinigilan ni Angelo ang dalawang kamay ng dalaga na nagtangkang ikawit sa leeg nito.

"Take me in your arms and kiss me, Angelo, please..."

Kumawala ang pagpipigil ng binata at mahigpit siyang niyakap. Halos mapatid ang paghinga niya sa pagkakayakap na iyon. Pagkatapos ay siniil siya ng halik. Masidhi. And she was lost!

Makalipas ang ilang sandali ay huminto sa paghalik si Angelo pero hindi iniwan ang mga labi niya.

"Don't play games with me, sweetheart," bulong ng binata habang marahan at banayad na hinahalikan nito ang sulok ng mga labi niya. Tasting the contour of her lips with his tongue. "It will tear me apart."

Marahan siyang kumawala. "Who's playing games? Ikaw, 'di ba? Pinaniwala mo akong ikaw si Anthony."

Huminga nang malalim si Angelo. "Sinabi sa iyo ni Anthony?"

"Kinumpirma lang niya ang matagal ko nang hinala," tumitig siya sa mga mata nito. "Noong sabihin mong iniibig mo ako, sino ang nagsasalita? Ikaw bilang si Anthony? O..."

"I love you, Wilna. You are the breath that I take. Noong unang araw pa lang na makita kitang walang malay sa ospital."

"Sinabi sa akin ni Anthony 'yan habang patungo kami rito. May hinala na siyang ganoon ang nararamdaman mo. Kung hindi raw ay bakit ganoon na lang ang pagmamalasakit mo sa akin."

Huminga nang malalim si Angelo. "I really made a fool of myself, hindi ba?"

Hindi pinansin ni Wilna ang sinabi ni Angelo. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Minsan ay itinanong mo sa akin kung paano ko nalamang ikaw ang nasa library gayung hindi gaanong maliwanag. Ikaw ang iniibig ko, Angelo. Ikaw ang isinisigaw ng dibdib ko kahit na takpan ko ang mga mata ko. Sa una'y nalilito ako sa nararamdaman ko nang magkita kami ni Anthony pag-uwi ko sa Greenhills. Salamat sa isang pangyayari kahapon at nagkalakas-loob akong kausapin si Anthony. Wala talaga kaming pag-ibig sa isa't isa. We agree on that."

"And you tortured me, you witch! Sinabi mong dito mo gustong mag-honeymoon kayo ni Anthony," akusa ng binata na muli siyang niyakap.

"I said we. Hindi ko sinabing kami ni Anthony. Bumuo ka agad ng konklusyon," nakangiti niyang sagot.

Humigpit ang pagkakayakap ni Angelo sa kanya na para bang nasa kanya ang buhay at kamatayan nito.

"At ang buong akala ko ay tuluyan ka nang nawala sa akin," hinalikan nito ang noo niya. "Ano na nga iyong sinasabi mong pangyayari kahapon?"

"Oh, Angelo, must you keep on talking? Gusto kong tuparin mo ang ipinangako mo sa akin noong huli tayong nandito," aniya na hinila ang binata paupo sa damuhan.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong nito sa nangingislap na mga mata.

"I love you..." ang mahinang isinagot ng dalaga.

Then he was kissing her. Pagkatapos ay marahan siya nitong inilatag sa tila carpet na mga damo. Pagkatapos ay tumayo ang binata at nag-alis ng sariling kasuotan.

Buong paghangang pinagmasdan ni Wilna si Angelo sa ginagawa nito. Gusto niyang mamangha sa kabuuan nito. The human body is really a living miracle. Hindi katakatakang ito ang paboritong iguhit ng mga dakilang pintor at iukit ng mga iskultor.

Dahan-dahan, bumaba ang mga mata niya upang suyurin ng tingin ang lahat ng parte ng katawan ni Angelo. Ang matitipunong dibdib... the ribs... his thighs.. the hardness of his knees. Ang kabuuan ng body frame nito. She was entranced and fascinated.

"I want you, darling," bulong ng binata na bumaba sa tabi niya. "I have to make you mine now or I'll go crazy," humahaplos sa mukha ng dalaga ang hininga nito.

At kung malamig ang kapaligiran nang dapithapong iyon ay hindi nararamdaman ng dalawang pinaglalagablab ng apoy ng pag-ibig ang mga katawan.

They made love with heated passion and feverish desire... at twilight. And it was as right as breathing. As right as rainfall and sunshine. Kasingganda ng tanawin sa kanilang paligid. Kasingganda ng mga bulaklak na ligaw paligid nila.

At si Wilna ay tulad sa isang magandang bulaklak. Namumukadkad sa pagsikat ng araw. Tulad din siya ng isang madilim na yungib na hindi pa kailanman napapasok ng sinuman at naghihintay ng pagtaas ng tubig sa dagat upang magmadaling hampasin ng alon papasok at muling bumalik sa dalampasigan.

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon