Chapter Two (Unedited)

13K 292 5
                                    

DAHIL na rin sa impluwensiya ng manager ni Coleen kaya naingganyo siyang subukan naman ang pag-arte. Gusto niyang mag-explore at para na rin sa extra income. Pero hindi naging madali ang pagpasok niya sa bagong trabaho. Inaasahan niya na susuportahan siya ni Cedric pero ang resulta ay naging dahilan ng away nila ang naging desisyon niya.

Kararating lang nito mula Australia at inimbita siyang mag-dinner sa bahay nito sa Marikina. Napapansin niya na wala na ang init sa relasyon nila. Noon ay balewala lang kay Cedric ang mga isyu na nag-uugnay sa relasyon nila pero tila apektado na ito. Pagkatapos ng hapunan ay tumambay sila sa lobby. Wala itong ginawa kundi dumaldal.

"You're doing out of the limit, Coleen. Your decision will make things worst. Lalo ka lang pagpipiyestahan ng mga haters mo sa social media," palatak ni Cedric habang palakad-lakad ito sa harapan niya.

Kampanti siyang nakaupo sa couch. "Nag-usap na tayo tungkol sa gusto kong pagpasok sa showbiz. Akala ko okay lang dahil wala kang sinabing pagtutol," aniya.

"Because I thought you're kidding!"

"Kailangan ko ang showbiz, Cedric. Humihina na ang modeling career ko. May mga offer na project pero hindi na ito kasing lakas dati. It's because of my haters na nakasira sa reputasyon ko."

"And because of me, right?"

Matamang tinitigan niya ang kanyang kasintahan. Hindi niya pinapahalata rito na apektado siya ng mga trending isyu tungkol dito at sa isang aktres na nakasama nito sa Australia. Minsan na niya itong inusig tungkol doon pero ipinilit nito na kaibigan lang nito si Lara Jones, na naging modelo rin at kandidata ng Binibining Pilipinas. Half-Australian-Filipina si Lara at isa ngayon sa tinitingalang actress sa showbiz industry. Inaamin niya na insecure siya sa dalaga.

"Hindi pa namamatay ang isyu tungkol sa inyo ni Lara, Cedric. Hindi ko alam kung ginagawaan ninyo ng paraan para matigil na ang isyu," sabi niya.

"Ang manager na ni Lara ang bahala roon. Nagbigay na rin ako ng pahayag sa social media tungkol sa amin. You don't need to worry about Lara, babe. Since modeling ay naging magkaibigan na kami. Isa pa, may boyfriend na si Lara," paliwanag ni Cedric.

"What about Natalie Adriano? May lumabas na namang isyu na hindi pa pormal na close ang relasyon niyo and Natalie confirmed that she's pregnant. Walang binanggit kung sino ang tatay ng ipinagbubuntis niya," kumpisal niya.

Si Natalie ang long term girlfriend ni Cedric na dati nitong designer. Napansin niya ang balisang reaksiyon ni Cedric.

"Hindi ko alam ang tungkol doon. Six months na kaming walang ugnayan ni Natalie simula noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iyon nga ang dahilan, buntis siya and I know it's not mine," paliwanag ni Cedric.

Hindi na nakipagtalo si Coleen. Tumayo siya at nagsalin ng wine sa kopita. "Sorry, pumirma na ako ng contract sa TV network for three years. Wala pa namang project na nailatag sa akin ang network," sabi niya pagkuwan.

"You're so hardheaded, Coleen," komento nito.

"Wala ka kasing tiwala sa kakayahan ko. I studied bachelor of arts. Forty ko rin ang acting."

"Alam ko pera lang naman ang kailangan mo. Nag-aaral ng medisina ang kapatid mong si Gerald at sinusuportahan mo siya kaya todo kayod ka. I will help you to support your family."

Nainsulto siya sa sinabi ni Cedric. Kailanman ay hindi siya tumanggap ng kahit singkong duling mula rito kahit pa mapilit ito minsan. Regalong materyal na bagay lang ang tinatanggap niya at gastos nito sa mga dinner dates nila. She still have pride to feed her mind.

"Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ko kailangan ng pera mo. Dapat nag-voice out na ako noon pa sa publiko para matigil na ang nagsasabing pera mo ang nagpapaangat sa buhay ko. Tama na. Durog na ang puso ko sa pag-dedma ng tsismis kahit sobrang sakit."

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon