KINALAMPAG ni Coleen ang gate nang ayaw siyang sagutin ng lalaki.
"Ano ba! Magsalita ka! Nasaan si Franco? Papasukin mo ako, please!" lumuluha nang pilit niya sa lalaki.
"Sorry, ma'am, habilin po kasi sa akin ng boss ko na huwag magpapasok ng kahit sino sa bahay na ito. Isa pa, mukhang wala po kayo sa tamang lugar," sabi pa ng lalaki na nagpainit sa ulo niya.
Tinadyakan niya ang gate. Talagang magwawala siya kapag hindi nito sinabi kung nasaan si Franco.
"Sabihin mo sa amo mo, magpapakamatay ako rito sa harapan ng bahay niya! Kasalanan niya dahil hindi niya ako hinarap!" nahihibang nang sabi niya.
Nataranta ang lalaki.
"H-Hindi po ako allow magpapasok ng outsider na wala ang permiso ng amo ko. Sino po ba kayo?"
Mukhang walang pakialam sa showbiz ang isang ito at hindi manlang siya namukhaan.
"Pakisabi sa amo mo, hinahanap siya ng bride niya," sabi niya.
Lalong kumunot ang mukha ng lalaki. Naloko na, baka magtawag na ito ng pulis o kaya'y ipadala siya sa mental hospital.
"Ho? Okay lang ba kayo ma'am?" sabi nito.
"Oo naman. Papasukin mo ako. Gusto kong makita si Franco, utang na loob," samo niya.
"Ah, eh..."
"Sino 'yan, Jem?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.
Awtomatikong nabaling ang tingin ni Coleen sa lalaking kalalabas ng bahay. Tanging puting tuwalya ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. In fairness, kahit pumayat si Franco ay maganda pa rin ang hubog ng katawan nito. At mas okay na itong tinagnan kaysa noong nakita niya ito sa ospital. Hindi na ito mukhang bangkay. Bumalik ang kaguwapuhan nito.
Nang makita niya itong buhay ay napawi ang kaba niya at napaiyak siya dahil sa tuwa.
"Hoy, ikaw! Halika rito!" marahas na tawag niya kay Franco.
Lumapit naman ito. Nakamasid lang sa kanila ang alalay nito. Talagang hindi pa binuksan ni Franco ang gate. Seryosong sinusuyod siya nito ng tingin.
"C-Coleen? Ano'ng ginagawa mo rito? It's your wedding day. Tingnan mo ang hitsura mo, naka-gown ka pa. Dapat nasa simbahan ka na. Ano'ng oras ba ang kasal mo?" sabi pa nito.
Sa inis niya'y hinaklit niya ang tuwalyang nakabalot sa ibabang katawan nito. "Hey!" Mabilis naman nitong nabawi at naayos ang tuwalya.
"Buksan mo 'to!" hasik niya. Mahuhubaran talaga niya ito kung hindi siya nito papapasukin.
"Wait, heto na!" Nag-aapurang binuksan naman nito ang gate.
Nang makapasok siya ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Niyakap din siya nito.
"Hey! What's going on? How's your wedding?" nagtatakang tanong ni Franco nang kumalas ito sa kanya.
"Paano ako magpapakasal, nandito ang groom ko?" sagot niya. Inalipin na naman siya ng kanyang emosyon. Hilam na sa luha ang kanyang mga mata.
Maagap namang pinahid nito ang luha sa kanyang pisngi. Nasilayan niya ang malapad na ngiti ng binata.
"Coleen, tell me you're not kidding," hindi makapaniwalang sabi nito.
"No, I'm not. Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko. Hindi rin ako liligaya kung pinilit kong pakasalan si Cedric. Baka lalo ko lang siyang masaktan. Pero ang hindi ko kaya, ay ang patuloy kang masaktan dahil sa akin. I'm sorry kung naging mahina at matigas ang puso ko. Sorry kung pinatagal ko pa ito. Please for give me, Franco. Give me a chance. Hayaan mo akong bumawi," emosyonal na pahayag niya.
BINABASA MO ANG
Obsession 2, Claiming Her (Completed)
Ficción GeneralMature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra income that's why he decided to leave fashion world. He has everything, a construction company and other investments. Pero naudlot ang pagrere...