Chapter Twenty-five

8.2K 244 26
                                    


NAPANATAG ang loob ni Coleen nang matiyak ng doktor na ligtas ang baby niya. Kinagabihan ay hindi niya inaasahan ang biglang pagbisita ni Cedric. Naging malinaw na sa kanya ang lahat kay unti-unti na ring bumabalik ang tiwala niya rito.

"I heard you're pregnant," bungad nito sa malamig na tinig. Umupo ito sa silyang katabi ng kama sa gawing kanan niya.

"It was a mistake. Nagtiwala ako nang husto kay Franco. I'm sorry, Cedric. Hindi ako naniwala sa 'yo," aniya.

"It's happened and we can't blame ourselves. May mali rin ako. Dapat noon pa lang ay hinigpitan ko ang depensa ko para hindi ka mapunta kay Franco. Natakot ako noong nagdesisyon kang piliin siya. Ramdam ko noon pa na may mali. Kaya noong bumalik si Natalie, nagduda na ako. Kasi imposible, maayos ang closure ng relasyon namin. Dapat ay noon pa niya iginiit na ako ang tatay ng anak niya kung talagang sigurado siya. So I thought it was planned and I know there's someone who influenced her to do the plan. Pero noong time na 'yon, hindi ko na inaalala ang sarili ko. Ikaw ang priority ko kaya ginawa ko ang lahat para makakuha ng sapat na impormasyon tungkol sa mga tunay na kalaban. But sadly, you ignored me," kuwento nito.

"It's my fault, Cedric. I don't know what to do. I'm just trapped," emosyonal na pahayag niya.

Ginagap naman ni Cedric ang kanang kamay niya at masuyong hinagkan. "Stop blaming yourself, Coleen. You're just a victim, we're both victims here. I'm sorry, dapat ako ang nag-effort nang husto para hindi tuluyang masira ang relasyon natin. I just realized how much I love you that's why I never give up. I'm still hoping you back and accept me again."

Lalong nagpuyos ang damdamin ni Coleen. Dahil sa nangyayari ay hindi siya makapag-isip nang maayos. Ang gusto lamang niya ay peace of mind at lumayo muna sa realidad.

"I'm sorry, gusto ko munang mapag-isa," tanging wika niya.

"I understand. I'm always here for you, Coleen. Just call me if you want someone to talk to," sabi nito.

Tumango siya. Nang may dumating na nurse ay nagpaalam na sa kanya si Cedric.

Dahil sa posibilidad na susugurin siya ulit ni Franco ay nagdesisyon si Coleen na magbakasyon na muna sa Pangasinan, sa lugar ng Tita Talia niya. Kasama nila ang Nanay niya. Naihabilin niya sa mga kapatid niya na huwag ipagsasabi ng mga ito kung saan siya nagpunta. Gusto niya doon siya manganak para walang makakaalam kahit taga-media.

Sa nagdaang halos pitong buwan, unti-unting nalalagpasan ni Coleen ang kalungkutan at kabiguan. Sa kabila ng pananahimik niya, tuluyang bumalik ang tiwala niya kay Cedric at tinanggap ito sa ikalawang pagkakataon. Madalas siya nitong dinadalaw sa bahay ng tiyahin niya sa Pangasinan. Pero hindi niya maikakaila na malaki ang pinagbago ng feelings niya para kay Cedric. Hindi na rin siya sigurado kung pagmamahal pa iyon. Gayunpamn, gusto pa rin niyang subukan na ibalik ang init ng pagsasama nila. Kaya nang mag-propose ng kasal ang binata ay walang pag-aalinlangang pumayag siya. Nakaplano ang kasal pagkatapos na niyang manganak.

MINSAN lang sumilip sa social media account niya si Franco pero gumimbal sa kanya ang balitang engaged na si Coleen at Cedric. Useless ang pagdala sa kanya ng Mommy niya sa US para sa professional counseling mula sa kaibigan nitong Psychologist. Tumagal din sila ng apat na buwan doon.

Dahil sa magkasunod na pagkawala niya sa sarili at kamuntik na siyang maaksidente ay nagdesisyon ang Mommy niya na dalhin siya sa US. Subalit pagbalik niya ay lalong lumala ang sitwasyon. Simula nang mabasa niya pahayag ni Cedric tungkol sa isinapubliko nitong engagement kay Coleen, tila tubig na lang ang panlasa niya sa alak. He found a temporary relief while he was drunk.

Kaya ayaw niyang huminto sa paglalasing dahil natatakot siya baka hindi na siya sisikatan ng araw. But it make things worse. Tinawagan niya si Ace at pinuntahan naman siya sa kanyang bahay. Niyaya niya itong uminom.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon