PANAY ang sipat ni Coleen kay Franco habang nagmamaneho siya. Tahimik lang na nakaupo sa tabi niya ang binata habang nakapikit. Marahil ay inire-relax nito ang ulo nito. Alas-nuwebe na ng gabi pero traffic pa rin sa pangunahing lansangan. Iniisip niya, sobrang sipag ni Franco at malamang ay buong araw itong nagtrabaho. Nagkasundo sila na sisimulan nito ang construction ng bahay niya sa Lunes. Naibigay na niya rito ang pera na pambili ng materyales.
"Masakit pa ba ang ulo mo?" hindi natimping tanong niya sa binata.
"Medyo," sagot nito.
"Konting tiis na lang, malapit na tayo," aniya.
"It's okay. Huwag kang magmadali."
"May gamot ka ba sa bahay mo? Hindi ka makakatulog kung masakit ang ulo mo," wika niya.
"Hindi ko kailangan ng gamot. Ipapahinga ko lang ito at inuman ng maraming tubig."
"Uminom ka pa kasi ng tequila. Iyon ang nakasama lalo sa pakiramdam mo," sermon niya rito.
"Huwag mo akong pagalitan. Pero salamat sa concern. At least alam ko na may taong nag-aalala sa akin."
Napangiti siya. Noon lang niya napatunayan sa kanyang sarili na komportable siyang kasama si Franco. Wala siyang maipipintas dito.
Pagdating sa bahay ni Franco ay hindi na niya ipinasok ang kotse sa bakuran. Ipinarada lang niya ito sa labas. Inalalayan lang niya ang binata papasok sa kabaahayan. Pagdating sa malawak na lobby ay iginiya niya ito paupo sa couch.
"Sandali, ikukuha kita ng tubig. Puwede ba akong pumasok sa kusina mo?" aniya.
"Sige," sagot nito.
Nagtungo siya sa kusina. Mabuti na lang mayroong water dispenser. Kumuha siya ng warm water. Pinuno niya ang water goblet. Binalikan kaagad niya si Franco at ibinigay rito ang isang basong tubig. Saka siya lumuklok sa tabi nito.
"Dapat may kasama ka rito kahit katulong lang. Pangano kung bigla kang magkasakit?" sabi niya habang iginagala ang paningin sa paligid.
"Mayroon akong on-call na taga-linis at taga-laba. Palagi kasi akong wala rito sa bahay kaya mas okay na 'yong hindi muna ako kukuha ng makakasama. Puwera na lang kung mag-aasawa na ako. Kailangan ko talagang kumuha ng katulong," anito.
"Paano ka makapag-asawa? Wala ka namang girlfriend," nakangising sabi niya.
"Hindi minamadali ang pag-aasawa. Gusto ko ang babaeng pipiliin ko ay pang-habang buhay na."
"Nice. Ah, okay ka na ba?" aniya pagkuwan.
"Bumubuti na rin ang pakiramdam ko," tugon nito.
"Kung gano'n, aalis na ako." Tatayo sana siya ngunit biglang hinawakan ni Franco ang kanang braso niya.
Napako siya sa tabi nito at awtomatikong tumitig siya sa mapupungay nitong mga mata.
"You know, my life is full of loneliness. Having an own business and managing it alone was boring. That's why I chose to work as a freelance model. Hoping that I can find my real happiness in this industry. You're right, I should find the right person to live in with," seryosong pahayag nito.
Napangiti siya. "You're almost perfect, Franco. I think walang babaeng hindi ka magugustuhan," aniya.
"Even you?" usig nito.
Natigilan siya. She has to admit but she was hesitated. She knew if she tell him that she could love him, it will punish his ego and she would fell it too. She tried to avoid his question and ignore it, but his strong hands holding her arm tighter. Parang ayaw siya nitong pakawalan.
BINABASA MO ANG
Obsession 2, Claiming Her (Completed)
Ficción GeneralMature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra income that's why he decided to leave fashion world. He has everything, a construction company and other investments. Pero naudlot ang pagrere...