NAGISING si Coleen dahil sa pagtunog ng kanyang alarm clock. Bumalikwas siya ng upo at dagling in-off ang alarm. Alas-otso na ng umaga. Inaantok pa siya pero kailangan niyang bumangon dahil may taping pa siya para sa bago niyang product endorsement.
Kahit masakit ang katawan niya ay pinilit niyang bumangon at nagtungo sa banyo. Nawala ang antok niya nang mabasa ng tubig ang hubad niyang katawan. Habang nakapikit ay biglang dumapo sa kukoti niya si Franco. He was a curse that she can't avoid. Guilt always bothering her but it's not her concern anymore. She knows that she couldn't easily fix her problem. The situation was not the issue, it's her, her feelings for Franco.
Para siyang nahulog sa bangin. May mga option na puwede siyang makaakyat ulit pero mas pinili niyang bumitiw hanggang sa tuluyan siyang nahulog. And now she's trapped, she can't find the way out of the situation.
Hindi siya makapaniwala na nagagawa niya ang lahat nang iyon. Akala niya ay pagnanasa lang din ang nararamdaman niya kay Franco, that's why she let him seduced her. Pero nang dahil sa mensahe at litratong pinadala sa kanya ni Franco, na magtatangka itong magpakamatay ay takot na takot siya. Hindii iyon dahil sa posibleng kasalanan niya kapag namatay ito, iyon ay dahil natatakot siyang mawala ito sa buhay niya.
Para itong droga na minsan lang natikman hanggang sa hahanap-hanapin na ng katawan. Pilitin mang iwasan, bumabalik pa rin hanggang sa tuluyan siyang mahibang. She's addicted with his manliness, that was the fact that she couldn't ignore with.
Dumating na siya sa punto na wala na siyang pakialam sa kahihinatnan ng gulonig pinasok niya. Not even wondering about her relationship with Cedric. It's nothing to discuss with, just let the situation guide her in the future.
Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang nagbihis. Naalala niya, wala pa siyang natatanggap na tawag o text mula kay Cedric may dalawang araw na. Ang huling sinabi nito ay may bago itong project na gagawin sa Baguio. Hindi nakaligtas sa kanya ang obvious na pag-iwas sa kanya ng binata. Alam niya may problema ito. Baka magugulat na lang siya, may sasabog na namang kontrobersiya n sa kinasasangkutan nito. But she doesn't care anymore. She only need freedom and peace of mind.
Pagkatapos ng tatlong oras na taping ni Coleen ay umuwi siya at sinundo ang kanyang ina. May schedule kasi ito para sa fallow-up check-up nito. Simula noong inatake ang kanyang ina ng stoke ay pinagkatiwala na niya ito sa doktor ng kilalang ospital sa Taguig. Kasama nila ang Tita Talia niya kaya hindi siya nahihirapang mag-asikaso sa kanyang ina.
Habang inaasikaso ng doktor ang kanyang ina ay iniwan muna niya ito kasama ang tiyahin niya. Lumabas siya para bumili ng meryenda nila. Baka kasi matatagalan sila. Nagsuot siya ng sunglasses at ang kanyang gray scarf hat para hindi siya makilala.
Sa malapit na restaurant siya bumili ng pagkain. Hindi kasi siya nakakain nang maayos sa tanghali kaya biglang humilab ang sikmura niya. Pabalik na siya ng ospital nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya ito mula sa kanyang shoulder bag. Nag-alangan siyang sumagot nang malamang si Franco ang tumatawag. Binalewala niya ito. Ngunit nang muli itong tumawag ay sinagot na niya ito.
"Bakit?" kaagad ay tanong niya.
"Hi, honey? How are you?" sagot ng binata sa masiglang tinig.
"I'm fine. Ano'ng kailangan mo? Nag-resign na ako 'di ba?" aniya. Mahinhin siyang naglakad.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Ang sungit mo naman. May gagawin ka ba mamayang gabi?" anito.
"May fashion show ako sa Calla mamayang gabi," sagot niya.
"Anong oras ang out mo? Susunduin kita. Can we have dinner tonight?"
BINABASA MO ANG
Obsession 2, Claiming Her (Completed)
Ficción GeneralMature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra income that's why he decided to leave fashion world. He has everything, a construction company and other investments. Pero naudlot ang pagrere...