Chapter Fifteen

9.2K 241 3
                                    


BIGLANG tumahimik ang isyu tungkol sa paglabas ng larawan ni Coleen at Franco. Tinigilan din siya ng mga haters niya matapos niyang magsalita sa media at inamin ang totoong ugnayan niya kay Franco. Kasunod niyon ay nag-post din siya ng litrato nila ni Cedric sa Instagram na kasama ang nanay niya. Ina-update niya lahat ng bonding nilang dalawa. Iyon ang paraang alam niya para tumahimik ang mga taong walang magawa kundi manira ng reputasyon ng iba.

Pagkatapos ng naunang project ni Coleen sa production company ay tumanggap na ulit siya ng bagong product endorsement. Malapit na ring matapos ang project niya na kasama si Franco. Nagdesisyon siya na tapusin na ang ugnayan niya sa binata. Nakuha na niya ang buong suweldo niya na naunang project kaya meron na siyang pambabayad sa balanse niya sa kotse. Ang tungkol sa construction ng bahay niya, ipapa-rush na niya ito.

Sabado ng gabi pagkatapos ng fashion show niya sa Calla ay tumambay muna siya sa lobby. Inaasahan niya na darating si Cedric bago siya malipasan ng gutom. Kahit papano'y maayos na ang relasyon nila ng binata.

Naiinip na siya dahil halos kalahating oras na siyang nakaupo sa couch. Panay ang sipat niya sa kanyang suot ng relong pambisig. Wala pa naman siyang dalang kotse dahil nasanay na siya na hinahatid-sundo siya ni Cedric.

Nang humilab ang sikmura niya ay tinawagan na niya ang kanyang kasintahan. Walang sumasagod sa kabilang linya. Inulit niya ng tatlong beses. Nang wala pa ring sumasagot ay nagdesisyon na siyang umalis. Traffic pa naman kaya siguradong mahihirapan siyang makasakay ng taxi. Ang guwardiya ng Calla ang nagboluntaryong mag-abang ng taxi. Tumambay lang siya sa lobby.

Sinubukan niya ulit tawagan si Cedric. Sa wakas may sumagot ngunit nawindang siya nang bumungad ang boses ng babae na nakasigaw pero biglang lumiit ang boses nito na tila lumalayo.

"Babe," boses ni Cedric.

"W-where are you?" tanong niya.

"Uh... I'm here in our studio. Babe, sorry, hindi kita masusundo ngayon. May emergency meeting kasi kami ngayon," sabi nito. Ang bilis nitong magsalita.

Naririnig na naman niya ang boses ng babae na papalapit. Kung hindi siya nagkakamali ay si Cedric ang kausap nito. Iniisip niya na baka manager nito o kaya'y co-model. Pumapalatak ito at natitigil naman sa pagsasalita si Cedric.

"Babe, sino ba 'yang maingay riyan?" naiinis nang sabi niya.

"Uh... babe, I'll call you later," sabi nito at biglang naputol ang linya.

Bumuntong-hininga siya. Mamaya'y nilapitan siya ng guwardiya.

"Ma'am, meron na pong taxi," sabi nito.

Tumayo na siya at binitbit ang kanyang paper bag. "Salamat," aniya saka siya lumabas.

Habang lulan siya ng taxi ay naiisip niya si Cedric. Kahit nagkaayos na sila ay hindi nagbabago ang pagkakilala niya sa binata. Nagsisinungaling pa rin ito sa kanya. Ang sabi nito ay wala itong schedule sa modeling sa araw na iyon dahil may exam ito. Hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili. Ayaw niyang maghiwalay sila ni Cedric pero wala siyang tiwala rito. Pakiramdam niya ay may mas malaki pa siyang problema na mararanasan sa piling nito. Minsan din ay pakiramdam niya parang kaibigan na lang ito sa kanya, kaibigang okay kung nariyan, okay rin kung wala. Meaning, hindi tipo ng kaibigan na matatawag na the best.

Umiling siya. Naguguluhan na siya. Nagpahatid na lamang siya sa bahay nila. Doon na siya naghapunan. Tapos nang kumain ang mga kapatid niya at ina kaya mag-isa siyang naghapunan.

Pagkatapos ng hapunan ay sinimulan naman ni Coleen na gawin ang kanyang resignation letter para kay Franco. Subalit habang nagtitipa siya sa kanyang laptop ay bigla na namang sumagi sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Franco noong huli silang nag-usap. Pagkatapos niyon ay hindi na niya ito kinakausap nang personalan kahit magkasama sila sa taping.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon