HINDI pa tapos ang fashion show ni Coleen sa Calla ay nag-text na si Franco na naroon na ito para sunduin siya. Hinayaan niya itong maghintay. Nasa dressing room siya at binibihisan para sa huling damit na irarampa niya. Hindi na siya nag-reply kay Franco. Alam naman nito kung ano'ng oras siya matatapos.
Pagkatapos ng make-up session ay lumabas na siya. Patungo na siya sa back stage nang mamataan niya si Natalie na kausap ng isa sa kapwa niya model na babae. Nakasuot ito ng black off shoulder dress at may sukbit na itim ding shoulder bag. Bumalik na ang magandang hubog ng katawan nito matapos manganak. Mukhang babalik na ito sa pagmomodelo kaya siguro ito naroon.
Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na makatrabaho si Natalie dahil noong panahong nagsisimula ito sa career nito ay paalis na siya papuntang Singapore. Pero nababasa niya sa mga update ng Calla na namayagpag ang career nito noong wala na siya. At ngayong babalik na ito sa Calla ay nasabik siya na makatrabaho ito. Wala siyang balak makipagkompitensiya rito. Itinuturing niyang challenge na makasama ito sa iisang talent company.
Habang hinihintay na matapos ang ibang modelo ay hinawakan muna niya ang kanyang cellphone. May missed calls siya mula kay Franco. Mayroon din itong isang mensahe. Binasa niya ang mensahe nito.
"I'll wait for you." sabi nito.
Hindi na niya ito sinagot. Pagkuwan ay umakyat na siya sa stage nang tawagin siya ng manager niya. Inaasahan niya na makikita niya si Franco sa audience area sa gilid ng entablado kung saan ito madalas pumupuwesto. Subalit hindi niya ito nakita. Baka nasa labas lang ito.
Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagrampa ay bumalik sa dressing room si Coleen at nagbihis. Nagsuot lang siya ng puting blouse at black skinny jeans. Kakain lang naman sila ni Franco bago uuwi kaya hindi na siya nag-ayos nang husto. Binura na niya ang kanyang make up at tanging lip stick ang natira.
Mamaya ay tumunog ang kanyang cellphone. Nang malamang si Franco ang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot.
"Where are you?" tanong nito sa kabilang linya.
"Nandito pa ako sa dressing room. Nasaan ka ba?" dagot niya.
"Nandito ako sa lobby. Matagal ka pa ba?"
"Nagliligpit lang ako ng gamit. Hintayin mo na lang ako riyan."
"Okay." Pinutol na nito ang linya.
Paalis na sana siya nang sabihin ng manager niya na kunin muna niya ang kanyang tseke sa accounting office. Bayad iyon ng mga naunang project niya. Binitbit na niya ang kanyang paper bag na naglalaman ng sandals at hinubad niyang damit.
Dumeretso muna siya sa opisina at kinuha ang tseke niya. Umaasa siya na mabilis lang ang proseso kaya hindi na niya inabisohan si Franco na dadaan siya sa opisina. May kausap pa ang accounting staff sa telepono kaya hinintay muna niya itong matapos. Pagkuwan ay pinapirma siya nito sa logbook.
Nang makuha ang tseke ay nagpaalam na siya rito. Paglabas niya ay tahimik sa paligid. Hindi katulad kanina na maingay ang mga staff na nakatambay sa pasilyo. Naisip niya na magpaalam muna sa manager niya bago tuluyang umalis.
Inaasahan niya na nasa opisina lang ito kaya dumeretso siya roon. Subalit napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan niya si Franco na kausap si Natalie sa labas ng managers' office. Nakatayo lang ang dalawa at mukhang seryoso ang pinag-uusapan.
Lumapit pa siya at kumubli sa likod ng nakatayong babaeng manikin. Naging malinaw sa pandinig niya ang usapan ng dalawa. Nakataas ang boses ni Natalie.
"It's no sense, Franco. I did my part but I'm still a loser! Ayaw nang bumalik sa akin ni Cedric. He's still in love with Coleen," naghihimutok na sabi ni Natalie.
BINABASA MO ANG
Obsession 2, Claiming Her (Completed)
Ficción GeneralMature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra income that's why he decided to leave fashion world. He has everything, a construction company and other investments. Pero naudlot ang pagrere...