LINGGO ng umaga pagkatapos magsimba ni Coleen kasama ang kanyang ina ay nag-grocery na siya. Mabuti na lang wala siyang schedule sa taping ng movie na kinabibilangan niya. Kapag ganoong Linggo ay wala rin siyang schedule sa Calla. May panahon siyang ipasyal ang nanay niya. Kahit hindi makapagsalita ang nanay niya ay nababasa niya sa mga mata nito ang tuwa.
Bago sila umuwi ay tumambay sila sa Manila Bay. Tulak-tulak niya ang kanyang ina habang nakasakay ito sa wheel chair nito. Iniharap niya ito sa malawak na karagatan. Mahangin sa bahaging iyon at hindi masyadong mainit.
"May good news ako sa 'yo, 'Nay. Masisimulan na ang paggawa sa bahay ko. Hindi magtatagal ay lilipad na tayo roon. Napakasuwerte ko ngayong taon. Ang daming blessings na dumating sa akin. Pinagbukas ko na rin ng savings account ang mga kapatid ko para sa future nila," sabi niya sa kanyang ina, habang nakatayo siya sa likuran nito.
Umungol lang ang nanay niya pero alam niya masaya ito. Lumipat siya sa harapan nito saka siya umuklo. Matamang tumitig ito sa kanya. Marahang hinaplos niya ang makinis niyang pisngi. Hindi niya napigil ang kanyang pagluha nang bigla niyang ma-miss ang sandaling nakakausap pa niya ang kanyang ina.
Pinahid nito ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. "Hmmm..." umungol ito.
Alam niya ang ibig nitong sabihin. "Nalulungkot ako, 'Nay. Parang hindi pa rin ako masaya sa buhay meron ako. Hindi ko alam kung ano ang totoong magpapasaya sa akin. Ang totoo, hindi na ako masaya sa pakikipagrelasyon ko kay Cedric. Nakakasakal. Pero hindi ko siya kayang i-give up," emosyonal na pahayag niya.
Hinagod nito ang kanyang likod. Hindi siya nakatiis, yumakap siya sa kanyang ina. Nami-miss niya ang mga payo nito sa kanya. Mga salitang nagpapalakas ng loob niya.
Nang mahimasmasan ay nagdesisyon si Coleen na umuwi na silang mag-ina. Masakit na rin kasi sa balat ang sikat ng araw.
Kinagabihan pagkatapos ng hapunan ay tumambay sa lobby si Coleen habang nanonood ng telebisyon. Hindi siya interesado sa mga commercial pero nang biglang mag-air ang commercial ng isang sikat na masculine perfume ay napako ang paningin niya sa paligid. Medyo matagal na ang commercial pero patuloy pa ring pinapalabas. At ang guy model ay walang iba kundi si Franco. Ang senaryo ay nagsa-shower ito na topless. Pagkatapos ay nag-spray ito ng perfume, nagsuot ng black suite. Sumakay ito ng kotse at nagtungo sa isang party. Lahat kuno na mga babaeng nadadanana nito ay napapasinghot at sumusunod ang tingin. May magandang model na babaeng lumapit kay Franco at inalok ito ng wine.
Kahit saang anggulo tingnan ay guwapo at seductive si Franco. Walang babaeng aakitin nito na hindi bibigay. Kagaya niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang alisin sa kukoti niya ang hindi dapat. Mamaya'y may bumusinang sasakyan sa labas. Si Gabriel ang nag-abalang lumabas para alamin kung sino ang bisita nila.
Naka-focus siya sa drama na pinapanood niya. Mamaya ay bumalik si Gabriel kasama na si Cedric. Awtomatikong napako ang tingin niya sa kanyang kasintahan. May dala itong bouquet ng bulaklak. Hindi rin pala siya nito kayang tiisin.
Iniwan na ito ni Gabriel sa kanya. Umupo sa katapat niyang sofa si Cedric. Pagkuwan ay inilapag nito ang bulaklak sa ibabaw ng center table.
"Let's talk, babe. Hindi ko na kayang patagalin 'to," samo nito.
Pinahinaan niya ang volume ng telebisyon saka naibaling ang tingin sa binata. Panahon na para usigin niya ito tungkol sa mga napag-usapan nila ni Lara.
"Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtitiwala sa 'yo, Cedric. Naglilihim ka sa akin, nagsisinungaling. Paano mo mapapatunayang mahal mo ako?" may hinanakit na sabi niya.
"I'm sorry if made mistake," anito.
"You always made mistake, Cedric. Nag-usap kami ni Lara at inamin niya na nagkaroon kayo ng sexual relationship. Sa palagay mo ba maniniwala ako na noon lang iyon nangyayari?"
BINABASA MO ANG
Obsession 2, Claiming Her (Completed)
General FictionMature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra income that's why he decided to leave fashion world. He has everything, a construction company and other investments. Pero naudlot ang pagrere...