Chapter Six

10K 257 17
                                    


 PAGKATAPOS ng meryenda ay nag-explore si Coleen sa bahay ni Franco. Gagawa pa raw kasi ito ng maikling kasulatan na magpapatunay na naipautang nito sa kanya ang kotse nito. Ang witness ay ang driver nito. Siguresta rin pala ito. Hindi niya ito basta maloloko. Nakarating siya sa swimming room na mayroong Olympic pool. Nasa loob lang iyon ng bahay.

Namangha siya. Ganoon ang pangarap niyang bahay. Mayroong sariling swimming pool sa loob. Ganoon kadalasan ang nakikita niya sa mga bagong design na bahay. Kahit sa ibang bansa, uso na ang ganoon. Pero mukhang malaki ang gagastusin kung magpapalagay rin siya ng swimming pool sa ipapagawa niyang bahay. Pangarap din kasi iyon ng nanay niya.

Lumapit siya sa pool at sinilip ang malinaw na tubig. Naiingganyo siyang maligo. Mamaya'y narinig niyang bumukas ang glass door.

"Do you like to swim?" boses ni Franco.

Pumihit siya paharap dito. "Uh, hindi, tiningnan ko lang ang tubig," nakangiting sagot niya.

Humakbang palapit sa kanya ang binata. Dala na nito ang kaperasong papel. Iyon na marahil ang ginawa nitong kasulatan. Nang makalapit ito sa kanya ay sumilip din ito sa tubig.

"Dito ako nagre-relax kapag sobrang stress na ako sa trabaho. Minsan ipinapasyal ko rin ang mga co-models ko rito at naliligo at konting inuman," kuwento nito.

Iniisip niya kung sinong co-model ang tinutukoy nito. Mga babae ba o lalaki? Iniisip din niya kung ilang babae na ang nadala ni Franco sa bahay nito.

"Nakapunta na rin ba rito si Farlie o si Crystel?" hindi natimping tanong niya.

"Hindi pa ako nagdadala ng babae rito sa bahay ko. Actually, ikaw pa lang," sagot nito. Humarap ito sa kanya.

Awtomatikong sinalubong niya ang malagpit na titig nito. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. Pero naisip din niya na may purpose ang pagpunta niya roon. Kung hindi lang dahil sa kotse ay hindi siya mapapadpad sa bahay nito.

"Well, unexpected lang naman ang pagpunta ko rito," aniya.

"Yeah, but if you don't mind, you can visit here anytime. My door is widely open for you."

Natawa siya. "Ang bilis mo namang magtiwala sa akin. Pero salamat," komento niya. Napansin niya ang malapad na ngiti ng binata.

"Hindi ka naman ibang tao, eh. Of course, hindi ka rin masama. I know a lot about you so, I think we will build a good friendship."

"Friendship," nakangiting ulit niya sa huling sinabi nito.

"Yes, friendship. Alangan namang sabihin ko na lover. Of course, you have a boyfriend," anito.

"And also you have girlfriend too," balik niya.

Matamang tumitig sa kanya ang binata. "Matagal na akong single. Well, even since naman wala akong naging seryosong relasyon. Last year dapat ay ikakasal na ako. But the marriage was just an arranged and I can yes, it's not really serious," kuwento nito.

"So, anong nangyari? Natuloy ba ang kasal?" seryosong usisa niya.

Lumabi ang binata. "Suddenly, no. Seryoso naman 'yong babae noong una. Kaya lang bigla siyang nagbago noong dumating ang pinsan ko. Sinulot niya sa akin ang mapapangasawa ko," natatawang kuwento ng binata.

Hindi niya napigil ang sarili sa pagtawa. "Kawawa ka naman. Napamahal ka na siguro doon sa babae," aniya.

"I like her but not to the point na iniyakan ko ang pagkawala niya sa buhay ko. Masaya na rin ako dahil naging maganda ang relasyon niya sa pinsan ko. Hindi naman ako bayolenteng tao, eh. Pero kung mahal ko talaga ang sinulot sa akin, baka makakapatay ako ng tao," seryosong wika nito.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon