Chapter Twenty-three

8.3K 204 4
                                    

GUSTO pa sanang mag-extend ng isang araw pa ni Coleen sa Tagaytay pero tinawagan na siya ng kanyang manager. Marami na raw siyang naka-line up na project. Obligadong bumiyahe sila ni Franco pabalik ng Maynila. Kahit papano ay nag-enjoy siya sa pag-stay sa farmland ng pamilya ni Franco. Nangako naman siya sa kay Lola Amara na bibisita sila ulit kapag hindi na busy.

Pagbalik niya sa trabaho ay halos wala siyang bakanteng araw dahil sa kaliwa't-kanang schedule niya sa Calla at sa bagong product endorsement. Naging busy rin si Franco sa business nito kaya sa gabi lang sila nagkakasama. Minsan ay pumapalya ito sa pagsundo sa kanya dahil natataon na nasa ibang lugar ito.

Samantalang tuluyan nang natapos ang bagong bahay ni Coleen. Talagang hindi nagpapigil si Franco na sagutin ang ibang gastos lalo na sa interior design na gusto niya. Nakatakda ang blessing ng bago niyang bahay sa susunod na Linggo. Si Franco rin ang nagplano ng munting salo-salo pagkatapos ng blessing. Wala na talaga siyang maihihiling pa. Dahil kay Franco ay naging instant ang pagkamit niya sa kanyang pangarap.

Hindi na nag-imbita ng maraming bisita si Coleen sa blessing ng bahay niya. Ilang malalapit na kaibigan at katrabaho lang ang nakadalo. Inabot hanggang gabi ang party kaya dinamdam ng dalaga ang pagod. Kahit nag-hire ng catering service si Franco ay napagod pa rin siya sa kakalinis at tumulong siya sa pag-aayos ng lobby kung saan dinadaos ang munting salo-salo. Halos wala pa siyang tulog.

Nang magsiuwian ang mga bisita ay saka lamang siya nakakain nang maayos. Ang mga kapatid na niya ang nagligpit ng kalat. Lumuklok siya sa stool chair sa loob ng mini bar counter. Pasta na lang ang kinain niya.

Aliw na aliw siyang pinagmamasdan si Franco habang nagwawalis sa sahig. Saka lamang niya naisip kung kumain na ba ang binata.

"Honey! Iwan mo na 'yan. Kumain ka na ba?" tawag niya sa atensiyon nito.

Huminto naman ito sa pagwawalis at lumapit sa kanya. "Actually hindi pa," nakangiting sabi nito.

Mabuti na lang may naitabi siyang salad at pasta. "Umupo ka rito at kumain," aniya saka hinila ang stool na nasa likod niya.

Umupo naman ang binata sa tabi niya at nilantakan ang ibinigay niyang pagkain. Halatang pagod din ito at puyat dahil halos ito ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan, mula sa catering, at pari na nagsagawa ng maikling seremonya. Ito pa ang bumi ng mga gamit katulad ng mga upuan at mesa.

"Dito ka na matulog mamaya," aniya.

"Okay lang ba? Hindi ba magagalit ang Nanay mo?" nag-aalangang tanong nito habang sumusubo ng pasta.

"Hindi. Naipakilala na kita sa kanya at sa mga kapatid ko. Kailanman ay hindi sila nakikialam sa desisyon ko, maliban na lang kung alam nila na hindi ito makakabuti sa akin."

"I like your family. Next time, magsi-set tayo ng schedule para ma-meet ka naman ng parents ko," sabi nito.

Bigla siyang kinabahan. Hindi pa siya handang makaharap ang parents ni Franco. "Masyado atang maaga para ipakilala mo ako sa parents mo," wika niya.

"Kailan ba dapat? Kapag magkakaapo na sila?" may himig ng biro na sabi nito.

Ngumiti siya. Tama nga naman si Franco. "Sige pero weekend dapat para hindi masagasaan ang schedule ko," aniya pagkuwan.

"Okay, no problem. Aagahan ko lang ang pag-inform sa parents ko. Baka kasi makaisip na naman ang mga iyon na magbakasyon sa ibang lugar."

"Wow! As in, palagi silang nagta-travel?" masiglang untag niya.

"Yap. Ini-enjoy nila ang buhay habang malalakas pa sila. Suhesyon ko rin iyon. Kahit pinipilit ng Daddy ko na magtrabaho, ako na ang pumipigil sa kanya. Pero palagi siyang nariyan sa tuwing kailangan ko ng backup sa construction firm. Ang Mommy ko naman, nag-retired na rin sa pagtatrabaho. Masaya ako dahil nae-enjoy nila ang pamamasyal. Next month ay papasyal naman sila sa Korea," kunwento nito.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon