Chapter One

23.5K 358 5
                                    

HINDI na kasing lakas noong una ang career ni Coleen sa modeling industry kaya nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas. Maraming bagong modelo sa Thailand at ibang Asian country na nangingibabaw. Dalawang taon lang siya sa Singapore pero at least nakatulong ang pagmo-modelo niya para makatapos siya ng pag-aaral. She got her profession as interior designer which is one of her first choice. Second choice lang niya ang pagmomodelo.

Naisip niyang bumalik sa Pilipinas baka sakaling sa sarili niyang bansa niya makukuha ang korona bilang supermodel. Medyo natatabunan na kasi ang titulo niya bilang 2015 Asia's to model. Pagkatapos ng pagkapanalo niya ay sunod-sunod ang offer ng mga malalaking modeling agencies ng bansa sa kanya. Ang pinagbigyan niya ay ang Calla modeling na siyang may pinakamalaking offer sa kanya.

At sa kanyang pagbabalik ay mainit pa rin ang pagtanggap ng kompanya sa kanya. Malaki ang binago ng Calla Modeling sa buhay niya. Ito rin ang nagbukas ng oportunidad para makapunta siya sa Singapore at makapag-explore sa ibang bansa. At ito rin ang naging daan para makilala niya si Cedric Santiago, ang pinakasikat na male model sa Asia.

Pero hindi rin inaasahan ng dalaga ang bubungad sa kanya sa kanyang pagbabalik. Samut-saring reaksiyon ng mga tagatangkilik ng industriya ang naririnig niya at nababasa sa social media. Kasehodang nalalaos na siya sa Singapore kaya siya bumalik ng bansa. Pati ang relasyon nila ni Cedric ay apektado na rin. May nagsabing ginagamit lamang niya si Cedric para manatili siyang sikat.

Apektado ang career niya simula noong may nagkalat sa social media na anak siya ng isang prostitute. Dedma lang ang peg niya.

"Haters gonna hate. They just good in judging but they don't understand my situation," taas-noong sabi niya sa reporter na humarang sa kanya sa pasilyo papasok ng Calla studio.

"Totoo po ba na papasukin na rin ninyo ang pag-arte?" tanong ng reporter.

"Uh... for now, pinag-iisipan ko pa. But acting was one of my goals to achieve this year. God willing," nakangiting sagot niya.

"Huling tanong na lang po, Ms. Coleen. Kumusta na po ang relasyon ninyo ni Cedric Santiago? May lumabas po kasing isyu na nagkakalabuan na kayo."

Hindi siya kaagad nakasagot. Wala silang ligtas ni Cedric sa husay ng mga taong nakatutok sa relasyon nila. Simula noong lumabas ang litrato ni Cedric na may kayakap na ibang babae habang nasa Australia ito ay marami na ang bumatikos sa relasyon nila. Iyon ang higit na nakaapekto sa kanila. Ang isyu ring iyon ang gusto niyang tutukan dahil wala pa silang maayos na napag-usapan ni Cedric tungkol sa isyu. Pareho silang busy.

"Uhm, okay naman ang relasyon namin. Sa awa ng Diyos, masaya pa naman kami," sagot lamang niya.

Mabuti na lang dumating ang manager nilang si Clarissa. Hinarang na nito ang mga reporter na gusto siyang kunan ng pahayag. Dumeretso na sila sa dressing room. Nakahinga rin ng maluwag si Coleen. Mainit pa rin ang pagbati sa kanya ng mga dati niyang kasama at bagong modelo ng Calla.

Sa unang araw ng pagbabalik niya sa Calla ay kasama kaagad siya sa launching ng mga bagong design na damit. May offer kaagad siyang project mula sa malalaking fashion companies.

Kinagabihan pagkatapos ng fashion show ay dumeretso si Coleen sa St. Luke's hospital kung saan isinugod ang kanyang ina na nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Hindi puwedeng ma-stroke ulit ang nanay niya. Paralisado na nga ito. Halos kalahati ng income niya sa modeling ay napunta sa pagpapagamot ng nanay niya. Ang iba ay napunta sa pag-aaral ng tatlong nakababata niyang kapatid. Halos walang natitira sa kanya sa tuwing tumatanggap siya ng sahod. Kaya naging mautak siya. Alam niyang hindi permanente ang trabaho niya kaya nag-aral siya hanggang makamit niya ang bachelor's degree in college. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts at Interior Designing sa Singapore. Para kahit mawala man siya sa modeling ay may trabaho siya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon