Malapit na mag-Christmas.
Malamig na ang simoy ng hangin. Kahit yung lamig ay medyo dahil sa maulan nowadays.
Last Christmas, nagcelebrate ako mag-isa but this Christmas will be special. Kasama ko na kasi sila Joker at Rancho. We're planning kung ano dapat naming gawin at iluto.
"I'll make a special carbonara." Suggest ni Rancho
"Ako na bahala sa pastries." Sabi ni Joker
"Okay, so I'll be in charge sa decorations." Masaya kong sabi.
Exciting! Sobrang saya ko kasi namiss ko magdecorate for Christmas. Kasi yun din ang ginagawa namin ng mga bata dati.
Thankful ako sa Diyos na I get to meet these two. Sobrang lungkot ko kaya noong nakaraang Pasko.
Pero naalala ko, wala kaya silang mga pamilya? I never ask about personal stuff. Kasi naman kahit 7 months na kami magkakakilala, di ko din ugali na mag-ungkat ng life. Ayoko din maka-offend.
Pero ako, napilit nila ko na magkwento. So they know my story..
Pero iba ngayon, it's Christmas. Dapat kasama mo magcelebrate ang family mo. So kailangan ko na talaga magtanong...
"Guys, you sure you're okay celebrating with me? Paano 'yung families nyo?" Tanong ko.
"Well, okay lang sa 'kin. My family is in the U.S ako lang naiwan dito. Wala kasi akong balak pumunta dun since I need to manage our little business here." Paliwanag ni Joker sabay tingin kay Rancho.
"Uhm, ako okay lang din. First time ko magse-celebrate ng Christmas without my mom. She passed away last January. Only child ako at I've never met my father." Sabi ni Rancho nang nakangiti.
I dunno, malungkot yung nangyare sa kanya pero he still managed to smile. I didn't argue anymore.
"Let's make it a memorable celebration then. Dapat masaya lang lahat." Ani ko na pinipilit i-shoo away ang bad vibes.
Ayoko talaga ng usapang pamilya. Masyadong sensitive.
Mayroong 1 month pa naman before mag-Christmas. Naisip lang namin magplan bigla habang nagre-relax sa labas ng bahay. May ginawa kasi kaming tent style na tambayan eh, masarap maupo dito after dinner to just chill and or drink coffee.
---
Kinabukasan...
*Ding dong... Ding dong*
Nagulat ako nang may nag-doorbell. Madalas kasi, hapon pa ang dating ng dalawa.
"Ah, baka si aling Eva." Naisip ko. Baka nakabalik na sila from the U.S.
Hindi nga ako nagkamali pagbaba ko sa may gate.
"Ay, welcome back po. Kumusta naman ang bakasyon?" Bati ko.
"Naku hija, napakaganda sa America. Nakakatuwa ang tanawin at malamig din! Nakakaganda ng balat." Masayang kwento nya.
"Parang mas gumanda nga po ang balat nyo." Papuri ko at bahagyang hinawakan ang braso nya.
"Ay naku, salamat. Hahaha! Ah, oo nga pala. Ito'y para sa iyo." Nasambit nya at inabot sa akin ang dalawang paper bags.
"Naku, maraming salamat po sa pag-abala. Ang dami nito." Sabi ko at sinilip ang laman.
Tumawa sya nang marahan.
"Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sayo. Pero noong nakita ko yan, naalala kita." Sabi nya.
"Hehe." Tumawa ako ng kaunti, medyo awkward.
"Ganoon po ba. Salamat po uli." Sabi ko.
"Alam mo hija, maganda ka at mas lalong aangat ang ganda mo kung mag-aayos ka."
BINABASA MO ANG
TIA: This Is Awkward ONGOING
RomanceThis is not your ordinary love story. A story that'll make you jump off the bandwagon.