TIA: 12

39 2 0
                                    

"Tia, nakausap ka na ba ni Ma'am Maxine, hija?" Tanong ni mang Toring

"Hindi pa po, bakit daw po?" Tanong ko naman

"Darating daw kasi ang anak ng Chairman at magte-training para sa position nya. Kahapon, sabi ng isang kasama ko, gusto daw makilala ng anak ang lahat ng empleyado. Mula sa mga matataas hanggang si pinaka-mababang position." Paliwanag nya.

"Wala naman pong nabanggit si Ms. Max. Kasali po kaya ako dun? Kahit di naman ako sa office naka-base?" Panigurado ko, kasi it'll be the first time na ipapatawag ako kung sakali.

"Ah, hindi ko lang alam. Pero palagay ko kasama ka." Si mang Toring.

"Sige, hihintayin ko na lang po muna ang tawag ni Ms. Max." Sabi ko

"Oh, sige at mauna na ako. Medyo marami pa itong deliveries ko." Paalam nya.

"Mag-ingat po kayo."

Pag-akyat ko sa taas, saka naman ako namroblema sa sinabi ni mang Toring. Una, nasa Makati kasi ang main branch ng company kaya malamang, dun ako magre-report. Second, ngayon na lang ako uli makakabalik doon pagkalipas ng 2 years. Pangatlo, ANAK NG CHAIRMAN?! Kinakabahan ako... Paano kung di nya gusto ng home-based worker?

'Sana naman di nalang ako i-meet.' Mahinang dasal ko.

**

After 3 days mula noong sabihan ako ni mang Toring about sa bagong boss, nakatanggap ako ng tawag kay Ms. Max.

'Ito na! Sana hindi ako kasali.' Naisip ko bago ko sagutin ang phone.

"H-hello Ms. Maxine?" Bati ko.

[Hey Tia, kumusta ka?] Tanong naman nya

"Okay naman po Ma'am." Sabi ko.

Tinanong nya ako about sa status ng work ko at delivery information

[So Tia, napatawag ako para ipaalam sa iyo na may bago tayong boss.] Sabi nya sa wakas.

"Ah, n-nabanggit nga po ni mang Toring." - Tia

[I see. So, gusto nya daw ma-meet ang lahat ng empleyado ng company. From the bosses to the contractuals.] - Ms. Max

"Ganon po ba? A-ah Ma'am, do I have to be there?" - Tia

[You have to dear, ikaw ang pinaka-matagal naming contractual employee eh. Saka may proposal ako sa iyo.] - Ms. Max

"G-ganun po ba? Kailan naman po ba ito?" - Tia

[Pasensya na ha, alam ko naman ang situation mo Tia. This Friday kayo naka-schedule kasama ang lahat ng contractual employees. Don't worry ako ang bahala sa iyo.] - Ms. Max

"S-sige po, this Friday. Magpe-prepare po ako." - Tia

[Gusto mo bang ipasundo kita kay mang Toring?] Offer nya.

"N-naku wag na po, masyadong malayo ang Makati from dito sa tinitiran ko, ayaw ko naman mahirapan pa sya. Okay lang po ako." Sabi ko pero parang mali ata ang desisyon ko.

[Sige dear, excited na ko to see you. Ingat ka.] Paalam nya.

"See you po." Sabi ko then binaba ang line.

No choice talaga. Ang hirap sa loob pero kailangan kong labanan ito, hindi ako mabubuhay ng maayos pag ganito lang ako lagi. Come to think of it, napaka-laking favor na nga ang ginawa nila nang payagan nila akong magtrabaho sa bahay. Hassle for mang Toring na magdeliver at mag-pick up pero ginagawa pa rin nya, kung tutuusin napaka-swerte ko dahil may trabaho ako.

TIA: This Is Awkward ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon