TIA: 5

94 2 0
                                    

December 25

As usual, maaga na naman akong nagising.

"Christmas day na pala. Merry Christmas Tia." Bati ko sa sarili ko.

It feels like a normal day, I decided na magbasa na lang. Natapos ko na din naman lahat ng deadline ko for this month, so that means free na ako hanggang katapusan.

*Ring ring ring*

Nagulat ako, after I don't know how many hours, nang nagring ang phone ko.

"Hello?" Sagot ko, hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag dahil alam ko naman kung sino.

[Tia honey, are you okay?] Tanong agad ni Rancho.

"O-of course. Why'd you ask?" Kunwang tanong ko.

[Let us in, nandito kami sa baba, naka-lock ang gate mo eh.]

"Huh? Oh my, sorry. Teka." Sabi ko then pinatay ang cellphone ko at bumaba.

Pagbaba ko, nakita ko naman agad silang dalawa na may malalaking ngiti.

"Sorry ha, medyo busy ako noong mga nakaraan, tinapos ko kasi 'yung deadline ko for this year." Sabi ko habang binubuksan ang gate.

'Busy din ako kakaisip.' Naisip ko pero hindi ko na sinabi.

"Okay lang, we understand." Sabi ni Joker then yumakap.

Alam kong alam nila na may something wrong, pero natuwa naman ako at hindi na sila nagpumilit alamin.

"Huy! Sali din ako!" Sabat ni Rancho at yumakap din at nagtawanan kami.

Then narinig ko bumukas 'yung gate nila aling Eva at lumabas si Lynn.

"Ay ate, lalabas ka ba?" Tanong nya noong napansing nasa may gate ako.

"A-ah hindi naman. Ni-lock ko lang itong gate." Sabi ko then tumalikod. Pero nagulat ako nang wala na sila Rancho and Joker sa likod ko.

'Ambilis naman nilang nakaakyat, wala pang ilang segundo nang tumalikod ako ah.' Pagtataka ko at napakamot ako sa ulo.

Kaya't umakyat na din ako para tignan sila. Then nakita ko na inaantay nila ko sa may tent, naglatag sila at inayos ang mga dala nilang pagkain.

"Andami naman nyang dala nyo, baka hindi natin maubos ang mga 'yan?" Sabi ko, hindi ko napansing andami pala nilang dalang food.

"Hindi naman madaling masira 'yung ibang dinala namin, so pwede mo itabi then kainin mo sa mga susunod na araw." Sabi ni chef Rancho.

Napansin ko nga na mas madaming fresh fruits, fresh veggies at sweets like cake at cookies.

"Ano pang tinitingin mo dyan?" Tanong ni Joker and natawa ng bahagya. "Come here and join us!" Pag-aaya nya.

Then we ate and talk nonstop. Grabe at walang kapaguran ang dalawang ito.
I am happy, sobra. Kahit minsan tinotopak ako ng ka-dramahan ko (dahil ata sa mga nababasa at napapanuod ko) hindi nila ko sinusukuan. Napaka-swerte ko sa kaibigan.

Then I decided, hahanap ako ng tamang timing to introduce these guys kila aling Eva, mang Dario at Lynn. Mas maigi na alam nilang I've got friends kaysa mag-aalala sila.

Natuwa ako sa naisip ko at naging mas masigla na. Today is one of the best Christmases YET.
Yes, I'm becoming hopeful. Nawawala na 'yung takot ko kahit papaano.

**

Lumipas ang ilang araw, balik trabaho muna sila Joker at Rancho. Ako naman, I'm trying to entertain myself, natapos ko na deadlines ko, kaya naman nanunuod at nagbabasa basa na lang ako, ang kaso medyo boring.

TIA: This Is Awkward ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon