TIA: 9

36 2 0
                                    

TIA'S POV

Halos isang buwan na nang huli kong nakita at nakausap sila Rancho and Joker. Nagaalala ako sa kanila pero hindi ko din naman alam ang dapat kong gawin. I tried to call them both pero laging out of coverage area ang phones nila.

‘Kumusta na kaya sila?’ Naisip ko.

“NAKU!” Biglang nasambit ko. “Baka naman dumating sila nang New Year’s Eve tas ako naman ‘yung wala… Pero I remembered, naiwan kong bukas ang gate ko eh, sa pagkakakilala ko sa kanila, aakyat ‘yun dito at maghihintay. KUNG dumating nga silang dalawa.”

“Hay, kinakausap ko na naman ang sarili ko.” Nang mapansin kong napalakas pala ang iniisip ko.

Dahil kakaisip, hindi ako makafocus sa pinu-proof read ko, ang nangyayare, inuulit ulit ko ang pagbasa sa isang article na wala namang progress dahil di ko rin maintindihan.

“I need air.”

Nagdecide akong mamili today. It’s 2PM at alam kong wala masyadong tao sa labas dahil bukod sa siesta time ng mga may bahay, back to school at back to work na mostly ng mga tao.

Pagkababa ko, nakita ako ni aling Eva, nagwawalis sya sa tapat ng bahay.

“Oh ‘nak, mamimili ka?” Tanong nya.

“Ah opo. May ipasasabay ba kayo?”

“Ah hindi, nakapamili na si Lynn kahapon. May stock pa naman kami dito. Salamat.”

“Okay po, mauna na ko para makauwi din kaagad.” Paalam ko.

“Sige ‘nak, magingat ka.”

Naglakad lamang ako papunta sa Puregold, siguro mga 10 minuto lang naman ang layo nito. Pagdating ko sa supermarket, hinahap ko ang list ng mga kailangan kong bilhin.

‘Shocks, naiwan ko ‘yung list.’ Naisip ko nang hindi ko makita sa bulsa o maliit kong bag ang listahan.

Medyo OC kasi ako, ‘yung bang kailangan na nakalista lahat ng dapat kong bilhin, since ayoko mag-panic buying. Laging dapat organize since wala naman magreremind sa kin ng mga dapat kong gawin. At one more thing, ayoko naman na lagi pa ko lalabas para sa maliliit na bagay lang.

Kahit na naisip kong umuwi uli to get the list, I just decided na wag na lang. Tatagal pa lalo at baka mamya, madami nang tao dito sa store. Ang ginawa ko na lang, iniikot kong isa isa ang aisles para maalala ko ang mga dapat kong bilhin.

‘Ah ito, tama. Kailangan ko ito.’

In fairness, nakatulong din naman ang paglibot ko sa supermarket dahil may mga nakita akong hindi ako aware na kailangan ko pala. Nag-enjoy din naman akong magbasa ng nutritional facts ng mga pag-kain.

Halos kalahating oras na ata akong nagiikot, at matatapos ko na ang mga aisles nang biglang may tumawag sa pangalang ko.

“TIA?!”

Nagulat ako at napalingon. Muntik nang tumalon ang puso ko from sa ribcage nang nakita ko kung sino ang taong nasa likod ko.

“M-mint?” Tawag ko sa kanya.

“Dito ka din pala namimili?” Tanong nya. May hawak syang pushcart na may lamang isang junk food.

“A-ah, oo. Hehe” I tried to laugh pero mukhang inatake na naman ako ng awkwardness.

‘Nakakagulat naman kasi itong taong ito eh.’ Iyan ang naisip kong dahilan ng awkwardness ko.

“Ah, sige sabay na lang tayong mamili.” Pahayag nya pa.

TIA: This Is Awkward ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon