December...
Ambilis ng araw, biruin mo, December na naman. Last year, this is my most hated month. First time ko mag-isa noon, to think na nasa rooftop pa ko nakatira. Syempre I could see all those chirstmas lights, hindi man ako sa magandang subdivision nakatira, nafi-feel ko padin ang saya ng mga taong naglagay ng mga christmas lights sa bintana ng mga bahay nila.
Nakaka-home sick, although wala naman talaga kong bahay... Namimiss ko yung mga bata sa ampunan. Minsan naughty sila, pero madali naman silang sabihan.
"Penny for your thoughts?"
Pinukaw ng boses yung mga nasa isip ko.
"Rancho, dumating ka na pala, hindi ko namalayan..." Sagot ko ng medyo mahina.
"Any problem my lady?" Tanong nya. Napansin nya siguro na gloomy ang mood.
"Wala, namiss ko lang yung mga nakasama ko sa ampunan. Every December, we get to decorate pati magtayo ng Christmas tree." Sabi ko at tumingin sa kanya.
"I know." Sagot nya then itinaas ang dalawang kamay. "Surprise?"
Noon ko lang napansin na may dala syang dalawang malaking paper bag.
"Oh? Ano yan? Hindi ko naman birthday." Sabi ko na medyo natawa. Buti na lang dumating sya, at least, hindi na ko masyadong nagse-senti.
"Hahaha. I know that too. Christmas decorations 'to. Hindi ko naman na need sa bahay, so dinala ko dito. Let's decorate your house." Sabi nya ng may maluwang na ngiti.
Nag-glow yung mukha ko na parang batang inalukan ng candy, sobrang gusto ko yung idea nya.
"Teka. Ako dapat ang incharge sa decorations diba?" I stopped him.
"Galing naman sa bahay 'to, so basically, hindi ko binili." Sabi nya.
"Oh, okay.. At oo nga pala, bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko, normally kasi sabay silang dumadating ni Joker.
"I think mamaya pa yung si Joker, busy ata." Sabi lang nya then pumasok na sa loob ng bahay.
So I, actually we, started decorating. He insist na tulungan ako since hindi ko masyadong abot ang matataas na part. Then I remembered something I had to ask...
"Rancho?" Tawag ko.
"Hmm?" Sagot nya habang nakatungtong sa silya at nag-aagiw.
"I've known you for 8 months now, pero aside from your name at yung about sa mom mo, I realized I don't know much about you."
Tumingin sya sa akin then ngumiti. "I thought you'd never ask." Sabi nya then bumaba sa silya at naupo sa sofa.
"Come here." Aya nya then tinapik ung space sa tabi nya.
"Pero kung ayaw mo naman mag-kwento, okay lang. Ayoko din namang mamilit." Sabi ko habang naglalakad papunta sa sofa.
"No, it's perfectly fine." Sabi nya.
"Hm, 'san ba ko mag-uumpisa... So pinanganak ako at lumaki sa Manila." Panimula nya.
"Rancho, kung iku-kwento mo buong buhay mo, baka kulang pa ang maghapon." Sabi ko nang pabiro.
Tumawa naman sya ng malakas. "I was just messing with you." Tas ginulo nya buhok ko.
"What specifically do you want to know?" Tanong nya.
"Hm, hindi man lahat pero 'yung importanteng part. Like anong work mo? Saka saan ka nakatira? Bukod sa hobbies nyo na sobrang kabisado ko na." Sabi ko
"Oh, I live nearby, sa may Gilmore malapit, so mga isang tricycle away. And work?..." Sabi nya na medyo natigilan. So tumingin ako sa kanya.
"I work as a model noon. Pero now, pinagpapatuloy ko pag-aaral ko. Gusto ko kasing makatapos." Sabi nya, nakangiti padin.
BINABASA MO ANG
TIA: This Is Awkward ONGOING
RomanceThis is not your ordinary love story. A story that'll make you jump off the bandwagon.