TIA: 10

52 2 0
                                    

MINT'S POV

"Gusto mong mag-CR? Doon oh, sa pinto sa malapit sa kusina." Turo nya sa akin.

'CR? Bakit CR?' Takang isip ko...

Bigla akong tumawa nang malakas. Nagets ko na, mukha siguro akong mage-LBM kanina sa sobrang kaba ko.

"HAHAHA! Tia, I'm sorry." Sabi ko habang hindi mapigilang tumawa.

"Hahahaha." Natawa na din sya kahit medyo may pagtataka sa mga mata nya kung bakit.

"H-hindi ako magsi-CR." Sabi ko habang tumatawa.

"Ah ganun ba?" Sabi nya na medyo namula.

"Oo, sorry namiss interpret mo." Sabi ko. "Nagulat kasi ako sa kakilala mo kanina, kaya parang medyo namutla ako. Pero okay lang ako." Paliwanag ko.

"Haha, kaya pala. Akala ko kung ano na eh." Sabi nya na medyo tumatawa pa rin.

Napatigil ako sandali.

'Parang may kapareho syang tumawa.' Naisip ko.

Inaalala kong maigi kung isa ba sa mga babaeng naka-date ko noon ang kahawig nitong si Tia, pero wala. Since wala din naman ako masyadong naging karelasyon.

"Mas maganda ka kapag nakangiti at tumatawa." Nasabi ko.

Huminto sya sa pagtawa nang narealize nya ang sinabi ko at ngumiti na lang.

"Magtitimpla na ako ng kape." Nasabi nya.

'Paano ko ba tatanggalin yang awkwardness sa katawan nitong babaeng ito?' Naisip ko.

"Maupo ka muna dyan sa sofa." Sabi nya.

Naupo naman ako at tinitingnan sya sa ginagawa nya. Inikot ko din ang mata ko sa apartment nya. Maliit ito per cute, maayos ang mga gamit. May table din sya sa may gilid, para bang mini office nya ito dahil tambak ng magazines, papers at may computer din sya sa mesa. Tumayo ako at pumunta sa book shelves nya, madami ito at organized.

'Ito siguro 'yung mga natapos na nyang basahin.' Naisip ko.

Then lumakad ako para tingnan ang table nya, madaming magazines, papers, sharpies at pens. Nakita ko naman na may isang ID dito sa table nya.

'Tiana Cabrera, born December 19, 1988.' Basa ko sa nakasulat sa company ID nya.

'3 years older ako, she looks younger than her actual age. Ka-edad nya pala si Thalia.' Naisip ko.

"Aah Mint?" Biglang tawag nya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

'Naku, baka nakita nyang ginagalaw ko itong ID nya.'

"Marunong ka bang gumamit ng coffee maker? Hindi ako marunong magoperate eh." Sabi nya habang kumakamot sa ulo, nakakatuwa syang tingnan.

Lumapit naman ako. "Let me see."

After ko na-set up ang coffee maker, tumayo ako sa gilid ng dining table nya at pinanuod lang sya sa ginagawa nya.

"Mint, upo ka muna uli." Sabi nya nang mapansin nyang nakatingin ako.

"I'm fine, kanina pa ako nakaupo sa clinic eh, magstretching muna ako." Then I acted na ini-stretch ang mga braso ko, then naglakad lakad.

"Ah Tia, sino kasama mo dito sa bahay?"

"Ako lang mag-isa dito." Sagot nya.

"Aaah."

Nang matapos ang pagbe-brew, nagsalin sya sa baso at dinala ito sa table sa tapat ng sofa.

TIA: This Is Awkward ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon