TIA: 4

46 2 0
                                    

December 19th

This month is a really busy month for Rancho and Joker. Hindi sila masyadong dumadalaw. Sabi ni Joker since end of the year, nagkakaroon sila ng inventory sa shop. Si Rancho naman went out-of-town for his OJT. With these situations, nahiya naman akong sabihin pa sa kanila ang event today...

I woke up early, good mood din ako. I decided to cook Champorado today, it's a special day for a special me. Super favorite ko talaga ang Champorado.

Since wala akong ingredients, I decided to go to palengke. Hindi na ko choosy since I need to buy fresh food as well, like fish, chicken, veggies and some fruits.

I went to my closet and took my usual OOTD when going out - baggy pants and my ever loving, very useful black hoodie jacket. Buti nalang medyo malamig ngayon at hindi ako mukhang ewan. Besides, 5AM palang naman, wala pang masyadong tao sa kalye.

I went to the nearest wet market. Yes, minsan sa palengeke din naman ako namimili, pag ganitong oras, wala pang masyadong namimili, pero wala padin masyadong bukas na tindahan. So I bought ingredients para sa champorado ko, cocoa powder, malagkit na bigas, sugar, at milk, then bumili din ako ng iba ko pang needs. I am in a good mood and I think something changed in me. Normally, when I go out to buy stuff, nakayuko lang ako and not even making eye-to-eye contact sa mga tindera o sales lady, hate ko din ang palengke since napakadaming tao dito. Pero today's different, siguro dahil birthday ko o dahil nagmature na ko, o baka dahil din sa 2 mokong - na currently namimiss ko - na 'yun, o siguro all of the above. Anyhow, masaya ako sa changes, it's scary but exciting at the same time. ^^

Nakangiti akong umuwi at nagluto ng champorado. At 9AM, kumakain ako mag-isa nang may mag doorbell.

"Oh, mang Dario. Good morning po." Bati ko.

"Nak, sabi ni nanay Eva mo, birthday mo daw? Ito at ibinili kita nang mainit na pandesal at ipinabibigay nya itong regalo." Nakangiting sabi nya.

"Naku, maraming salamat po."

"Hala at umkyat ka na uli, si Eva at nasa loob lamang, masakit ang tuhod eh. Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka."

"Salamat po uli. Pahinga po kayo, masarap kasi medyo malamig ang panahon." Sabi ko saka sya naglakad papasok.

ALING EVA'S POV

"Nay, naibigay ko na ang regalo kay Tia. 'Yung dalaga ay gumaganda ah?" Sabi ni Dario

"Aba 'tay, napansin ko din iyan. Aba't blooming talaga." Sagot ko naman.

"Baka may manunuyo na?" Tanong nya.

Napaisip ako, wala akong alam na kakilala ng batang iyan dito... Ni hindi mo nga makikita sa labas ng gate nya iyan. Parang wala naman akong naisip na kakausapin nya dahil din sa phobia nya.

"Pero 'tay? Hindi naman nalabas ang batang ire? Paanong may manunuyo?" Nagtataka kong sabi.

"Sabagay... Pero baka naman hindi lang natin nakikita."

"Baka nga..." Pero iniisip ko padin ang sinabi ni Dario.

Hindi ko gustong makialam kay Tia, pero nag-aalala ako. Naalala ko din ang payo sa 'kin ng kaibigan kong si Lita na may phobia daw ang bata dahil sa nangyare sa kanya noong maliit pa... Hindi mapakali ang isip ko.

"Lynn iha, ikaw ba ay napapansin mo si Ate Tia mo na may kakilala dine sa 'tin?" Tanong ko sa pamangkin ko, siya kasi ang madalas dito sa bahay e, lalo noong umalis kami ni Dario papuntang America.

"Tyang? Wala naman po, hindi madalas bumaba 'yang si Ate." Sabi nya na medyo nagtataka. "Bakit po?" dagdag pa nya.

"Abay, wala naman. Napansin lang namin ng 'tyong mo na may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw. Napansin ko lamang ire noong pag-uwi namin galing sa America."

TIA: This Is Awkward ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon