MINT'S POV
''Hay~ namiss ko ang Pinas! Namiss ko yung traffic, pollution at init.'' Sabi ko habang nagda-drive sa may QC area.
Pero totoo, kahit ba madaming mga 'bad stuff' sa Pilipinas, it's much more comfortable to stay here kaysa sa ibang bansa. It's more homey kaysa sa States o Japan o kahit saan mang mayayamang bansa, there's still no place like home.
Ah! Nagtataka siguro kayo kung sino ako, 'no?
I'm Mint. I'm a part-time musician, part-time photographer at part-time dentist. You see, I do all the things I want, tumugtog, magpicture picture at pag may excess time, maging dentist. I also travel a lot, local at international. I believe na life is too short to not to do the things you want and 'Carpe Diem' ang motto ko. At the age of 28, I think I have succeeded in making myself happy and contented. I've been in 24 different countries around the world and 18 different cities sa Pinas.
Kakauwi ko lang ngayon from South Korea, I stayed there for 6 months for medical mission, it was fun and all pero mas masaya mag-medical mission dito sa Pinas, kasi nagkakaintindihan kami.
Today, I went out to look around Quezon City, dati kasi akong taga dito sa New Manila until lumipat kami sa Alabang, namiss ko 'tong lugar na ito especially the park kung saan ako pumupunta everytime na maglalaro ako with my little sister.
Pagdating ko sa park, sinet up ko na ang camera ko.
''This is such a nice place. Daming tao.''
I started taking pictures of the place, sobrang nageenjoy ako sa pagkuha ng mga litrato, may event kasi dito sa may plaza katabi ng park.
"Jeez, New Year's eve pala. How did I forget?!" Natatawang sabi ko sa sarili ko.
So nilabas ko ang phone ko at tinawagan ang PINAKA mahalagang babae ng buhay ko.
[Hello baby?] Sagot nya sa kabilang linya.
"I love you!" Panimula ko. At nadinig ko ang mahinhin nyang tawa sa kabilang linya.
[I love you more Mint, you know that.] Balik nya. [Hindi ka ba uuwi dito bahay?] Tanong pa nya.
"I will, bukas. I guess dito muna ko sa old house natin, namiss ko dito eh." Paliwanag ko.
[It's New Year's eve. Ikaw lang mag-isa dyan?] Halata na sa boses nyang nag-aalala sya.
"I'm okay. Besides, nandito ako sa plaza. May event ata si Mayor, masaya naman. I'll show you the pictures when I get back."
[Nakakatampo ka baby, dyan ka pa dumeretso from the airport. Alam mo naman I missed you so much.]
"Phyllis, alam ko naman na alam mong I love you. Kahit pa hindi ko sabihin o maiparamdam lagi, ikaw lang ang super love ko." Paglalambing ko naman, pambawi lang.
[Sige sige, I know baby. Umuwi ka na agad at mag-iintay kami ni bunso dito sa bahay. I love you more kuya panganay.] Pagtatapos nya then binaba na ang line.
"Mommy~" Nasabi ko nang umiiling iling at natatawa.
After talking to my mom, I started taking photos again, andaming bata kaya't naaliw ako. I like kids, kaya naman ako nag-dentist dahil natutuwa akong magentertain ng matatalino at makukulit na mga bata. I feel like ka-edad ko lang sila minsan. Sabi nga, to look young, you must feel young.
*click click click*
Walang hinto ang pag click ko ng camera ko nang biglang may bumangga sa 'kin na isang babaeng may mahabang buhok. Hindi 'yung buhok nya ang nakaagaw ng attensyon ko kundi ang itsura nya. Naka-loose shirt sya at pajamas, medyo magulo ang buhok nya at naka-yapak! Mukhang kakagising lang nya din.
BINABASA MO ANG
TIA: This Is Awkward ONGOING
RomanceThis is not your ordinary love story. A story that'll make you jump off the bandwagon.