VI

85 23 15
                                    

*Khalyxx*

"Shh, don't cry anymore. You're super ugly. And it's not normal anymore."

Hindi ko alam 'tong nadarama ko. I feel like there's one person who cares for me. For the first time except HIM.

Flashback

1 year na kami. 15 ako nun at 15 din siya. Ang saya saya lang. Because you love each other. You know to yourselves that you will not leave each other.

Mga pangakong tutuparin niyong magkasama; walang hadlang. Masaya kayong dalawa.

Yung mga pangakong iyon, napako. Maybe we're not mature enough to handle our relationship.

"Kha, I'm tired."

He said to me while holding my hand tightly. He's serious.

"Huh?"

Hindi ko matanggap. Pagod na siya? Parang ang dali naman. Hindi naman ata makatarungan iyon. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon namin. Pero ni minsan, hindi naman ako sumuko ah.

We were in complicated situation that time. Ayaw ng mama niya sa akin. Gusto niya ng ka-lebel ng anak niya. Gusto niya kasing yaman nila.

"You heard me, Kha."

Hindi eh. Hindi tama yung pagkadinig ko, diba? Nagkamali lang ako ng dinig. Hindi nanaman siguro ako nakalinis ng tainga ko.

"N-no, I want you to repeat what you said."

Pinaulit ko sakaniya para maging malinaw lahat para sa akin. Kung tama ba ang pagkakadinig ko sa mga sinabi niya sa akin kani-kanina lamang.

"Kha, I'm tired."

Inulit niya yun ng walang kaemo-emosyon. He's tired? Malinaw na. Malinaw na sa akin lahat. Sa unang pagkakataon, nakayanan kong ipakita yung mga luha kong pumapatak galing sa mga mata ko. Without hesitation. Wala akong pakialam kung magmumukha man akong tanga rito.

"B-but, I'm not yet tired. Hindi ba sabi mo, hangga't may isang hindi bumibitaw patuloy parin nating panghahawakan yung relasyon natin?"

Walang pagaatubilin kong sabi sakaniya. Hawak hawak ko na ang dalawang kamay niya na nasa gilid ng mga baywang niya. Nanginginig siya. Nakatingin lang siya noon sa sahig.

"No, I have changed my mind."

Sinabi niya ng may awtoridad sa mga boses niya. Alam kong seryoso siya. At kung ganyan ang aura niya, alam kong hindi na niya babawiin ang mga katagang kanina pa niya sinasabi sa akin.

"Kha, I'm tired. I'm breaking up with you."

Tuloy tuloy ng pumatak ang mga luha ko. Hindi ko ito mapipigilan, ang daing ko sa sarili ko.

Nung araw na iyon, may napagtanto ako. Yun ang kauna-unahang pagkakataong naramdaman kong wala akong karamay.

I was lost then. I'm like a child who's crying because my lollipop drops into the ground.

Hindi pala talaga mapipigilan ang paglabas ng luha, ano? Hindi pala talaga madidiktahan ang emosyon.

Kung malungkot ka, malungkot ka. Kung masaya ka, masaya ka. Kung walang wala ka, walang wala ka talaga.

Hindi ko na siya nakita noon pa man, dahil inilayo siya ng Mom niya sa akin. Wala akong nagawa noon, hindi ko siya naipaglaban.

Mahirap kasing ipaglaban yung mga taong alam mo na sa sarili mo na ayaw na nilang manatili ka pa sa buhay nila.

Parang sa sapatos, patuloy mo itong sinusuot, dahil eto sa tingin mo ang pinakamaganda at babagay sayo sa lahat ng sapatos. Pero ano nalang ang magagawa mo? It's not for you, hindi ito kasya sayo, hindi ito PARA SAYO. Hindi ko parin tanggap, mahal ko parin siya. Kailangan ko kaya ulit siya makikita? Ano na kayang nabago sakaniya? May girlfriend na ba siya? Makikita ba ulit ng mga tao sa paligid ko yung mga ngiting laging namumutawi sa mga labi ko nung kasama ko siya?

-

Nagwave yung lalaking nakabangga ko kanina, hindi ko inaasahang magwewave siya. Kasi naman no, ang sungit sungit niya. Hindi mo naman talaga aakalaing may ganun din palang side yun. Sabagay, I don't know him anyway.

Nasaan na ba kasi si Trixe? Nagtatampo ba talaga yun sa akin? Baka tinataguan lang ako nun. Babalik nalang ako ng room ko. Nakakapagod maghanap ah.

"Best!"

Ay, anak ng! Ano ba naman 'yan. Shocks.

"Best! Galit ka ba sa akin? Nagtampo ka? May ginawa ba akong kasalanan?"

"Hindi no! May narinig kasi akong nagsisigawan sa gate kanina best. Eh sinundan ko! Ikaw talaga!" Sinapak niya ako. Grabe, nakailang sapak na siya sa akin ngayong araw na ito?

"And?"

Pang-aasar ko nanaman sakaniya. Ang sarap talagang asarin ng kaibigan ko. Parang napagtakluban ng mga problema sa mundo. Priceless.

"Tapos tapos! Oh my! I am so kinikilig! Nandun yung transferee! He's so damn hot!"

Oo, marunong yan mag-mura. Nagta-trashtokan pa nga kami niyan eh.

"Then?"

Ang sarap niyang pikunin. Parang pusa.

"Best naman eh! Siyempre tumili ako, ano pa ba?"

Sabi ko na nga ba eh. Kilalang kilala ko talaga yang kaibigan ko. Yan pa ba? Hindi titili kapag may nakitang hot? Himala 'pag ganun.

"Tapos?"

"Tapos ayun, nawala siya kaagad. Hindi ko na nakita eh. Natakot sa mga babae na ang chaka."

Hahahaha. Kawawa den yung hot na guy 'daw' Sinugod ng mga mukhang clown na babae rito sa campus namin.

"Sabi ko nga." pang-aasar kong muli.

"Nakakaasar ka best."

Nag-walk out siya. Wala naman kasi akong pakialam sakaniya. Hindi ako mahilig sa hot. Tsk.

JUST FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon