XIX

39 2 0
                                    

*Kha*

Mamayang 7 magkikita kami ni Hans, sobrang saya ko. Nabunutan ako ng
tinik dahil wala na akong iniisip pa. Magiging maayos lahat. Paggising ko kanina lundag ako ng lundag. Hanggang sa may narinig akong tawag mula sa phone ko. Kinuha ko ito.

"calling Tim.."

anong problema neto? Huwag mong sabihin na yayayain nanaman niya ako para may pag-tripan? Nako, quotang quota na ako. Sobra. Pass muna ako.

"Lyxx." paunang salita niya. Nakakapanibago, iba yung boses niya. Feel ko mahina siya, yung hindi pa kumakain at umiinom.

"Oh? Bakit nanaman? Huwag mo na akong aasarin, may date ako mamaya." pang-aasar ko. Para hindi awkward, masaya lang talaga ako ngayon.

"Naistorbo ba kita?" para niyang bata na tanong, may part sa akin na naaawa ako sakaniya. Ano bang problema niya? Hindi naman siya ganito makipag-usap sa akin. Lately, nararamdaman kong malungkot 'to. Hayss

"Hindi naman, hmmm may problema ka ba? Bakit parang ang tamlay mo?" pagtatanong ko. Narinig ko naman ang kaunting paggalaw niya sa kabilang linya. Malakas ang hangin sa kinaroroonan niya, hangin lang ang nadidinig ko. Walang maingay. Kaya naman rinig na rinig ko yung paghinga niya, yung paggalaw niya at ng boses niya. Madaling kong narerecognize kung iiyak ba siya, masaya o anuman.

"Hindi ako umuwi ng bahay kahapon." sabi niya, napanganga ako. Seryoso? Oh tapos? Ano trip niya ngayon?

"Ah, gusto mo makitira rito sa amin?" ang pagtatanong ko, oh diba. Nahihiya pa kasi siya eh, alam ko namang yun ang gusto niyang sabihin. Siguro ay nagkaroon sila ng alitan ng mama niya. Baka lang.

"No." sabi niya tapos ay narinig ko siyang tumawa ng kaunti.

"Ba't mo ako pinagtatawanan? Bye na nga." kainis. Ako na nga 'tong nagmamalasakit eh. Tsk.

"Wait! Lyxx, I need you now." ang saad niya. Pagbibigyan ko nanaman ba siya? Eh paano yung dinner namin ni Hans mamaya?

"Please. Kung hindi ka pupunta rito, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." ang sabi niya, bigla akong kinabahan. Siyempre kaibigan ko na rin 'to, kaibigan niya si Hans ng ilang years na rin eh.

"Papunta na. Saglit lang. Nasaan ka ba?" tanong ko nalang. Mamaya ako pa sisihin kung ano pa mangyari sa mokong na 'to. Hays anong gagawin ko sa lalaking 'to?

"Park. Bye." binabaan niya ako ng cellphone. Walang hiya, ako na nga pinapapunta niya ron 'di niya pa niya kayang maging mabait.

"Nyenye" sabi ko nalang at nagbihis na. Bahala na. Pupunta na ako sa park kung nasaan si Tim. Ano kayang kailangan nun? Nantitrip nanaman siguro. Nakita ko siya sa puno, yung mismong puno kung saan nakita niya akong nakasilong noon. Nakapahinga yung ulo niya sa mga tuhod niya. Matamlay siya.

"T-tim?" tawag ko sakaniya. Lumingon siya ng bahagya at saka binawi rin iyon at tumingin muli sa baba. May problema 'to.

"Kinakausap kita, babatukan kita eh." naiinis na kasi ako. Ako na nga 'tong pumunta rito siya pa 'di mamamansin.

"Isa." Aalis na ako kapag naka-tatlo na ako na bilang. Nakakaasar. 4 o'clock nung tumawag siya sa akin. 4:30 andito na ako. Magsi-7 na, madali lang ang oras. Nako ka Tim. Ang tigas ng ulo mo. Tsk.

"Dalawa!" Nakakainis, nandito na kaya ako. Anong problema neto? Nagsasayang lang naman ata ako ng oras sa pagpunta ko rito. Pinagtitripan nanaman niya ako. Sayang pamasahe ko.

"Tatl--"

"Continue, and I'll kiss you. Go on." nagulat ako sa sinabi niya. This time nandito siya sa harap ko. Seryoso yung mukha niya. Alam ko rin na kaya niyang gawin yung sinabi niya kanina sa akin. Iba ka Tim, iba ka.

"Okay. Paano ba naman kasi kanina pa ako nandito. Eh ngayon mo lang ako napansin! Para akong tanga rito na naghihintay na mapansin m---"

"Why are you shouting then? Do you want me to kiss you? Say it if you want me to, Lyxx. Don't be shy, anyway I also want to do it, especially to you," napanganga ako sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha. May Hans na ako. Hindi ko siya kayang lokohin no. Siyempre kaibigan parin siya ni Hans, kaya nararapat lang na pakisamahan ko rin 'to. Hays, buhay parang life.

"Wala akong sinasabi. Assuming neto." ang tanging sinagot ko nalang sakaniya. Baka akalain niya eh rerapin ko siya rito. In his dreams.

"Ow, okay." wth. Anong gagawin ko rito? Aasarin lang naman ata ako nito eh. Nagsasayang lang ako ng oras, sabi ko na nga ba't walang mangyayari rito.

"Aalis na ako, wala kang kwenta. Next time hindi na kita pagbibigyan nagsayang pa ako ng pamasahe. Takte," nakakaasar kasi, kitang nag-effort pa ako para pumunta rito at nagmamadali. Muntik pa nga akong maiyak nung nakita ko ulit 'tong park na ito. Dito ako umiyak nun, nung iniwan ako ni Hans. Hays, memories. Past is past.

"I need you to succeed in my plans,"
imbis na aalis na ako ay humakbang muli ako patalikod atsaka humarap sakaniya. Nakatayo siya at nakapatong ang kamay sa punong andun parin hanggang ngayon. Malungkot ang mukha niya. Nasasaktan siya, 'di ganito si Tim. Hinding hindi. Hindi ko alam kung ano ba ang binabalak niyang gawin, pero parang mali. Mali yung gagawin niya. Mali, sa aura niya palang.

"A-ano? Anong plano yun?" nagtatakang tanong ko sakaniya. Plano para saan?

"Plano para mapasakin ulit si Sundae, at mapasayo si Hans. Simple," ha? Anong pinagsasasabi niya? Eh, umamin sakin si Hans na mahal niya parin ako. At si Sundae? Hindi ba naka-move on na siya 'don? Eh bakit gusto niya pang balikan 'yun. Magulo, lahat ba ng sinabi niya sakin ay hindi totoo? Tama ba ang hinala ko? Hindi parin ako makapagsalita.

"Alam kong alam mo na hindi ko na mahal si Sundae, pero Lyxx. I just saw the two of them yesterday. Dito mismo sa park na ito. Damn Lyxx, masakit dito. Sobrang sakit," hindi totoo lahat ng sinasabi niya. Huwag kang maniwala Lyxx. Niloloko ka lang niyan, miserable lang buhay niyan kaya dinadamay ka niya. Walang magawa sa buhay. Tsk.

"Huwag mo nga akong idamay sa naranasan mong pag-iwan sayo ni Ice cream, este ni Sundae. Mauuna na ako." kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling umalis, ayoko ng marinig lahat ng kasinungalingan niya. Sayang lang talaga oras ko sa pagpunta ko rito.

"Lyxx, I am not forcing you to believe me. But please, just for now trust me. I am not doing this to destroy your relationship with Hans, I am doing this because I know to myself that I am telling you what I've seen yesterday, and that's the truth." matamlay na pagkakasabi niya. Dapat ba akong maniwala sa lahat ng sinasabi niya sakin? Kung maniniwala ba ako, may sapat ba na ebidensiya? Kung hindi man ako maniniwala may sapat ba na dahilan kung bakit dapat ay hindi ko siya paniniwalaan sa mga sinasabi niya? Siya na mismo ang nagsabing nakita niya ang lahat. Pero paano na lamang kung hindi totoo? Kakasabi lang sakin ni Hans na mahal niya ako. Buhay nga naman, oo. Nilapitan ko siya.

"Paano ako maniniwala sayo?" ang tanging tanong ko sakaniya. Ibinaba kong muli ang hawak kong bag. Mag-sisix na, at kung napatunayan niya mang totoo nga ang sinasabi niya, hindi ko alam ang pwede kong magawa.

"You want proof? You don't want to see it, do you?" ang naghahamong sabi ni Tim sa akin. May parte sa akin na ayokong sagutin siya dahil ramdam ko na masasaktan ako kung sakaling totoo man ang sinasabi niya. Pero para mapanatag ang loob ko ay isa lang ang sinagot ko.

"Gusto kong malaman ang katotohanan." saka umupo na rin sa tabi niya at nakita siyang inilabas ang cellphone niya at may kinakalikot sa gallery niya. Ipinakita niya nga sa akin sina Sundae at si Hans. Masaya sila. Sobrang saya. Akala ko sa akin lang ngumiti ng ganun si Hans, may iba pa pala. Akala ko sakin lang siya masaya, may iba pa pala.

"Say something." namulat ako sa pag-iisip ng sabihin 'yan sakin ni Tim. Paano ako makapagsasalita kung nalaman mo sa sarili mo na hanggang ngayon ay nagpapakatanga ka parin sa taong mahal mo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUST FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon