X

71 17 9
                                    

(play the video)

*Hans*

Kaya siguro hindi sinabi sakaniya ni Kha, because she's just concern dito kay Trice. She didn't changed. Ganun parin siya. Hindi ko siya nakita kanina. Kasi naman si Trice, ang ingay ingay. Ang kulit kulit pa.

"Kasalanan mo 'to eh." pagsita niya sa akin, this girl's driving me crazy. Kilala ko naman na yan dati, kaso parang lumalala ang pagka-childish niya. Sabagay, many years had passed.

"Anong ako? Ikaw." sabi ko sakaniya.

"Ikaw." pagpupumilit niya parin.

"Ikaw." mabilis na sagot ko. Hahaha, ang sarap niyang asarin.

"Ikaw nga." kumakain siya ng fries. Ang isip bata talaga. Eh si Kha kaya? Ano yung mga nanatiling pag-uugali niya? Ano pa ba ang mga binago niya after I left her? Lahat ba nagbago, pati pagmamahal niya? O ako parin ang nasa puso niya?

"Ako nga." sabi ko. I know you Trice. Very well.

"Oo, ako nga." ang sagot niya. Dahil sa ayaw niyang magpatalo eh, ginaya niya ako. Kahinaan niya talaga yan, simula bata pa namin. Kababata ko si Trice, siya ang dahilan kung bakit ko nakilala si Kha.

Flashback

Nasa tapat kami ng bahay nun, magkapit bahay lang kami. Mayaman sina Trice, siya ang gusto ng mama ko para sa akin. She used to say to me that at the right time I'll marry Trice. Pero ang turing ko lang sakaniya'y hanggang kapatid na babae lang. Yun lang, no more no less.

"Aw." natumba yung bike niya, ang careless niya talaga.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sakaniya.

"W-wala, hehe." tapos tumayo siya sa pagkakatumba niya kasabay ng bisikleta niya.

"Look, your elbow's bleeding." I said, pagkatapos ay paiyak nanaman siya. Ayaw na ayaw niyang nasusugatan siya, ayaw niyang nakakakita ng dugo.

"Okay." Ayan nanaman siya sa pambabara niya. Hindi na talaga siya magbabago. Itong babaeng 'to.

"Come here, let us clean your wound." sincere kong pagsusuyo sakaniya. Hinawakan ko yung elbow niya pero hindi sa mismong may sugat. Pero binawi niya ito.

"Ako nalang. Tanga, kaya ko 'to." ako na nga lang nagmamalasakit eh, ang galing no? Ganyan talaga yan. Ewan ko ba, baka manhater. Tsk.

May kaibigan si Trice non, lagi siyang dumadalo sa bahay nila. Kaya lagi ko siyang nasisilayan. Hindi ko ba alam ang dahilan kung bakit ko nalang laging dinadalaw si Trice sa bahay nila. Maybe because I want to see her playmate, Khalyxx. Crush ko siya. Tapos nung nag-HS na kami, ay niligawan ko siya. Nagtapat ako ng nadarama ko sakaniya.

-

(present)

"Hahahaha." tawa ko. Hindi talaga ako papatalo, ako yata si Hans.

"Letche ka!" sinapak niya ako, sadista rin pala siya. Nakalimutan kong sabihin.

"Tama na, realtalk. You never change." seryosong saad ko.

"Gago, bakit naman ako magbabago?" tanong niya, makamura. Tsk. Kababaeng tao.

"Change is normal." nakayukong saad ko, naalala ko nanaman si Kha. Nagbago ako dahil sakaniya. At naging mas matatag ako para sakaniya.

"Hoy ah, hugot pre!" pang-aasar niya, kahit kailan talaga. Hindi niya kayang magseryoso, pansin niyo?

"Trice, I've changed." seryoso na talaga. Kapag kasi 'di ko pinapakitang seryoso ako, eh baka gaguhin nanaman ako neto. Loka loka to eh.

"Whatdayamin?" pang-aasar nanaman niya. Pft. Di niya bagay.

"Basta. Malalaman at malalaman mo rin yun." nag-fake smile ako atsaka ginulo ang buhok niya. Damn, I miss this girl.

"Kamusta kayo ni Kha?" naging seryoso nanaman mukha ko. Kapag talaga pagdating kay Kha, nalulungkot ako. Di ko kaya na sabihin lahat sakaniya. Lahat ng katotohanan, dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan, at tinrato ng ganun.

"What?" tanong niyang muli. Nagising ang katawang lupa ko, kanina pa pala ako tulala.

"Trice, anong sabi niya sayo?" tanong ko.

"Ano? Di ko gets." Tsk, LG talaga siya.

"Anong sinabi sayo ni Kha, after I left him." tanong ko nang seryosong seryoso, para tumino naman 'tong babaeng to.

"Uhm, sabi niya iiwan mo lang daw siya saglit." sabi niya.

"No Trice." agad kong sagot.

"Anong no no no Trice ka riyan? Magulo ka Hans ha." pambabara niya. Tsk.

"No Trice, hindi ko siya iiwan ng saglit. Because I left her saying goodbye."

"Pakiulit?"

"Narinig mo na ako." sinabi ko na nga tapos papaulit pa niya? Nakakabobo.

"Nope." she said. Habang maruming kumakain ng fries. Ewan ko ba, parang hindi mayaman. Kung makakain, PG.

"Ang sabi ko, iniwan ko siya. Iniwan ko siya, permanently." napanganga siya. Hindi niya ata expected.

"Okay." mabilis niyang sagot, tsk. Hindi nanaman siya naniniwala.

"I am dead serious." Pananakot ko sakaniya, baka maniwala na siya.

"Weh? Eh bakit sabi sa akin ni Kha eh, babalik ka raw?" para siyang isip-bata.

"Maybe because she doesn't like to put you in her situation that time. Kilala mo siya." pagrarason ko.

"Maybe." sagot niya. Nawalan na siguro siya ng gana kaya naman ay tinigil niya na ang pagkain ng fries at inoffer sa akin.

"What's that?" tanong ko.

"Tanga ka? Fries."

"I mean, yung sa gilid ng mouth mo. May dumi. Let me clean it. Come here." here we go again Trice, here we go again. Careless, tsk.

"Ulol! Akin na tissue! May kamay ako!" pasigaw na sabi niya. As expected.

"Okay." sabi ko nalang.

"Che!"

"Che ka rin!" sabay binelatan ko siya.

Paano na kaya 'to? Paano na ang mga susunod na araw? Makikita't makikita ko parin si Kha. Ipapaliwanag ko sakaniya lahat lahat.

JUST FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon