VIII

71 19 12
                                    

*Khalyxx*

3rd day ng klase, late kami ni Trice. Paano ba naman kasi, ang gaga nahumaling sa hot kuno na transferee. Ang daming alam netong kaibigan ko, oo. Nagmadali kami dahil 5 minutes late na kami.

"Good morning ma'am, sorry we're late." pagbati ni Trice, dapat lang siya anh bumati no. It's her fault anyway! Nakatingin lang ako sa sahig, nakakahiya. Scholar pa man din ako tapos late late pa. Hay.

"And you? What's your name? Why are you still standing there? Go to your respective seats now!" sigaw ng prof na mataba na babae sa akin, ano ba yun. Hindi ko na nga siya pinapansin eh. Papansin!

"Y-yes ma'am." saad ko nalang, pero nakayuko parin ako. Nakakahiya, nahihiya ako. Alam mo yung feeling na para kang kriminal dahil late ka? Nakatingin kasi lahat sayo!

"Since this is the day that we're complete, please introduce yourselves." as expected, sino ba ang nagpasimula ng intro-introduce na yan ha? Nakakasawa kasi eh. Tutal ayoko ng mga ganyan, eh hindi nalang ako nag-atubiling pansinin lahat ng magpapakilala. Tsk. Tutal napahiya na ako kanina pa.

"Freigh Tim Collantes, Just call me Tim."

"Hi! My name is Hans Cortez."

"H-hans?!"

Bigla kong tinigil ang ginagawa ko, hindi pwedeng mangyari kung anuman ang nangyayari. Hindi ko pa siya kayang harapin. I just can't face again my ex. Tumalikod nga ako, at nakita ko nga siya. Biglang tahimik ang buong klase. Lamunin nalang sana ako ng lupa. Hindi ko pa siya kayang harapin.

"T-trice?" utal na tanong niya sa kaibigan ko.

"Hans! Ikaw na ba yan?! Long time no see!" sabay ngiti nito at tinapik ng kaunti ang braso ni Hans. Hindi alam ng kaibigan ko ang malungkot na pag-iwan sa akin. Nagsinungaling ako sakaniya. Para hindi na siya mag-alala pa.

Flashback

Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi niya sa akin, napagtanto kong hindi ko rin pala kayang ipagpilitan yung sarili ko sakaniya. Useless, sabi ko sa isipan ko.

I need to accept the fact that he could easily forget me, that I am nothing for him.

Napagawi ako sa park, etong parke na ito yung madalas namin na puntahan ni Hans. Ang sabi niya, maganda raw ang place na ito at may sentimental value ito para sakaniya. Yung gabi rin na iyon, nalinaw ang lahat sa akin. Nalinaw na dapat hindi ako umiiyak dahil kahit anong mangyari ay hindi na siya babalik pa. Nalinaw na dapat tanggapin ko ng buong buo ang mga sinabi niya kahit mahirap dahil yun ang nararapat. At nalinaw na hindi ko naman kailangan ng lalaking madaling sumuko at hindi magawang ipaglaban ang mahal niya.

Love is playful. A game. Na kapag tatanga-tanga ka, matatalo ka. If you risk everything, your lost.

11 ng gabi, dumiretso ako sa bahay nina Trice.

"T-trice." umiiyak ko siyang niyakap. Halatang nagising ko siya.

"Bakit ka umiiyak? Pinalayas ka ba sainyo?" concern na tanong niya.

"Hindi, si H-hans. Wala na."

"H-huh? Patay na?" nagtataka namang tanong niya.

"Hindi! Ano ka ba! Aalis na sila ng mom niya." this time padami na ng padami ang mga luhang lumalabas sa mata ko.

"Bakasyon?"

"Iiyak ba ako kapag bakasyon lang?"

"Joke den, ano? Hindi ko gets ah." sabay kamot ulo.

"Iiwan niya ako, may inasikaso lang sa ibang bansa. Pero babalik siya." nag-fake ako ng smile. Hindi ko kayang pati siya madadamay. Itatago ko nalang 'to. Tutal magaling ako diyan.

"Eh, gaga ka pala. Anong iniiyak-iyak mo?" sabay batok sakin, tignan mo ito kanina lang concern tapos nagbago mood? Moody!

"W-wala. Sleep over ang nais ko. Tara." ayoko ngang ipakita sa mga taong mahina ako, diba? Ang sabi ko sa sarili ko. Dibale nalang sa akin lahat ng pasanin. Huwag lang mga mahal ko sa buhay. Ganun ko sila kamahal.

-

(present)

"O-okay lang ako. Ikaw?" ang sagot naman ni Hans kay Trice. Fake smile.

"Hans and Trice get out! Doon kayo mag-usap sa labas! Ayokong inaagaw niyo ang pwesto ko! Labas! Saka lang kayo bumalik kapag tapos na ang klase ko!" sigaw bigla ng terror na prof namin. Nakakatakot siya.

"Okay, since tapos na ang pagpapakilala blah blah blah" nagdidiscuss na kaagad. Ang bilis, hindi pa nga ako nakakaget-over sa mga nangyayari eh.

Pero salamat na rin, dahil kung hindi niya pinalabas yung dalawa baka ako malagot. Hindi ko pa kayang harapin ang mga consequences. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa armchair, iniinda ang sakit. Hay buhay, parang life.

Pero paano na ang mga susunod na araw? Paano ko parin paninindigan na para bang wala talagang nangyaring madramang break-up? Bahala na si batman.

JUST FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon