XIII

44 11 1
                                    

*Khalyxx*

Papasok nanaman ako, eto na talaga. Haharapin ko na ang dapat na harapin. Paano ko kaya sisimulan? Magpepretend ba ako na masaya dahil nandiyan na siya? O hindi ko ipapakita sakaniya na apektado ako? Ano kayang gagawin ko?

Plan 1.

"Kha, please. Kausapin mo naman ako oh." pagsusuyo sa akin ni Hans, anong gagawin ko? Pretend Kha, pretend.

"Oh! Hans! You're here? You're back for good? Wow, as in wow!" sabay tapik sa braso niya at sabay labas ng ngiting peke. Good Kha, it'll work.

"Hm, actually yes, and I am up to something. For a girl named Kha." relax Kha lolokohin ka nanaman niyan. Huwag kang maniniwala. Nako, kung alam mo lang Kha, iniwan ka niyan dati diba? Huwag mong hayaan na mangyari ulit yun Kha. Pretend Kha, act as if you're contented enough in your life now and you don't need him.

"Hmmm, good. Okay, I'll go then. I have something to do! Bye." sabay wave ng hands at sabay labas ng napakatamis na ngiti, ngiting panalo...

Plan 2

"Kha, sorry sa lahat. Di ko sinasadya, nandito ako para humingi ng tawad." nakaluhod siya at may dalang roses. Halos mangiyak-ngiyak na siya. No, Kha. Don't let him see that you are weak, just be strong. And everything goes with the flow.

"Okay, stand up. Pinapatawad na kita. Nakakahiya ka. Bye." sabay flip ng hair, at kuha ng bag. Tumalikod sakaniya at naglakad palayo.

Last plan

"Kha, nandito ako para sabihin sayong may mahal na akong iba. Sana ay matanggap mo. I am so sorry." sabi niya habang hawak hawak ang kamay ng babae tapos kaharap ko pa. Hindi pwede Kha, wala siyang karapatang ipakilala sa iyo yung pinalit niya against you, ang kapal ng mukha mo Hans.

"Ang kapal ng pagmumukha mo! Naatim mo pang ipakilala yang mukhang kinaskas sa make-up kit na mukha na girlfriend mo! Ang kakapal ng mukha niyo!" sabay kuha ng buhok ng babae, at pinahiga sa sahig, dinaganan at pinagsasasampal.

(end of plans)

Hindi ko talaga alam gagawin ko kapag nakita ko siya. Hays, bahala na. Papasok  na ako ng gate, ng sinalubong ako ng bestfriend ko. Sino pa ba? Si Trice, malamang.

"Oh, ba't nakabusangot mukha mo? Pangit ka na nga, mas pumangit ka pa." pang-aasar ko sakaniya, paano ba naman kasi hindi ako sanay, siyempre ikaw ba namanlaging salubungin ng may ngiti sa mga labi at super hyper na kaibigan tuwing umaga, and then now? Nakabusangot, nakakapanibago.

"May hindi ka kasi sinasabi sa akin, kaya ganon." sabi niya parin na nakasimangot, parang batang nagtatampo dahil hindi nabilan ng laruan na gusto niya.

"Oh, ano nanaman yan aber?" sabi ko sakaniya ng nakapameywang, ano naman yun?

"Hihintayin ko na maalala mo. Ako na kaibigan mo hindi mo pinagkatiwalaan. Kaya naman kitang damayan. Kha, kaibigan mo ako. Parang kapatid na kita. Kha naman." yung tono niya, galit pero pinipigilan niya. Eto nanaman si Trice, ano bang pinagsasasabi nito?

"Trice, 'di ko alam kung bakit ka nagkakaganyan? Ano bang lihim yang sinasabi mo?" tanong ko. Clueless ako, parang siya lang naman ata ang gumagawa ng conclusion. Hmmmm

"Alalahanin mo, mauuna ako." ang sabi niya at tumakbo na. Trice, trice, ano bang tinutukoy mo? Nawawala nanaman ako sa katinuan, hindi na ako papasok ng umaga. Mamayang tanghali nalang. Eto ako ngayon, sumusunod na lamang sa mga yapak ng aking mga paa. Hinihintay kung saan hihinto, kung hanggang saan ang kayang tahakin, kung hanggang saan ako makakahinto. May nabangga ako, matigas. Poste? Ay, tanga Kha. Sobra mong tanga kahit kailan. Tao pala.

"S-sorry." ang sabi ko ng hindi tumitingin sa nabangga ko. Ayoko munang itaas ang ulo ko, pagod na ako. Gusto ko munang ibaba, upang nang sa ganon ay makapag-isip ako ng mabuti.

"Be careful next time. Why are you here? Isn't it that you have your class? I mean, our class?" Si Tim pala. Hindi ako nakaimik, may problema ako. Sandamakmak na problema. Hays, hindi ko na to kaya. Quotang quota na ako sa mga problema sa buhay ko. Kulang pa ba? Ano pang susunod?

"Hmm, huwag muna ngayon please. Mauna na ako ah." sabi ko ng walang malay. Ayoko munang makipagkulitan diyan, alam ko nanaman na kukukitin nanaman niya ako. Si Tim pa ba? Parang bata, pero sa iba. Daig pa halimaw.

"Lyxx." tawag niya sakin, hindi ko siya pinansin. Wala akong naririnig. Nakalimutan ko rin palang magdala ng extra padding ko. Luh, meron ako ngayon.

"M-mauuna na talaga ako Tim." ang sabi ko. Kailangan ko pala talagang umuwi. Luh, ngayon pala ang buwanan ko. Nakakahiya.

"Lyxx, please. Stay." ang saad niya, nagmamakaawa ba siya? Anong ginagawa niya? Anong ibig niyang sabihin? Kailangan ko na talagang umalis. Ghawd.

"Tim, please. Don't touch my hand, please let me go. I need to go now, immediately. Please." Putik, nararamdaman ko na ang tagos. Shemay! Tim! Bitiwan mo na ako! Busit ka!

"Lyxx, just stand there. Don't move, okay? Listen to me. I'll let you go, but first listen to me." ang sabi niya. Humakbang siya ng kaunti papunta sa akin, at niyakap niya ako. Back hug.

"W-what are you doing?" nagtatakang tanong ko, andaming estudyante, tae ka Tim. Bitiwan mo ako.

"It's your monthly period." sabi niya. Shet, nakakahiya ka Khalyxx.

JUST FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon