XVII

29 4 1
                                    

*Khalyxx*

Naka-upo na siya sa harapan ko. Hindi pa rin ako maka-imik, hindi ko alam ang sasabihin ko. Maging siya hindi niya kayang simulan etong conversation. Akala ko ba handa na ako? Handa na nga ba akong harapin siya?

"Kha. God Kha. I miss you so much." ang paunang salita niya. Please Hans. Huwag ganyan. (huwag kang bibigay Khalyxx, kaya mo 'yan. Hindi ba matatag ka? Hindi ba masaya ka na? Masaya ka na na wala na siya sa buhay mo. Na kaya mong wala ng Hans sa tabi mo. Diba?)

"Sorry Hans. Pero wala na akong nadarama pa para sayo." ang sabi ko sakaniya. Nakayanan ko. Kaya kong sabihin sakaniya, pero may pilit na kumokontra sa parteng puso ko. Tinutusok ito. Sobrang sakit. Kung kaya niyang ipagtabuyan ako. Mas kaya ko.

"Alam ko, alam ko na kapag dumating ako maaaring mawala lahat ng nararamdaman mo para sa akin. Alam kong galit ka parin sa akin. Pero hinding hindi magbabago kung anuman ang pagtingin ko para sayo." habang sinasabi niya yan, lalo akong hindi makapagpigil. Hindi ko mapigilan 'tong sarili ko na hawakan siya at hagkan siya. Hindi ko mapigilan 'tong sarili ko na patawarin nalang siya at maging kami ulit.

Ngunit masakit parin. Lalo na at nandito ka ngayon Hans, mas lalong sumasakit, mas lalong pinipiga yung puso ko. Minahal kita eh, iniwan mo ako.

"Makakahanap ka pa ng mas deserve ka. Alam kong hindi ako yun." ang sabi ko sakaniya. Alam ko sa sarili ko na hinihiling ko parin na sana ako nalang, sana ay hindi siya susuko, sana ay hindi niya ako pagsasawaang suyuin, na sana ay hindi siya kakalawanging pagpasensiyahan ako.

Hindi na madali para sa akin ang magbigay ng tiwala, sinira niya na ito ng minsan. Mahirap na...

"Hindi ako susuko. Kha, please. Give me a second chance." ang pagmamakaawa niya. Hindi ko pa masasagot yan. Naguguluhan ako, hindi ko na kayang masaktan at maiwan pang muli. Kaya ko ba? Na kung sakali man na iwan niyang muli ako, hindi ako iiyak? Na kung sakali mang aalis siya, hindi ako iiyak?

Kaya ko bang isurvive lahat ng mga bagay na nangyari na dati ngayon kung mangyayari man iyon?

"I know that you can't decide yet. I am not forcing you to say yes. Hindi kita minamadali. Kha, please. Bukas ng 7 pm. Please meet me at the park." ang sabi niya. Kaya ko pa bang kausapin siya? Hindi na yata...

"Please Kha. I'll explain everything to you. Kung ayaw mo na, pagbibigyan kita. Just please give me chance to explain everything to you." pagmamakaawa niya. Lahat ng bagay ay may dahilan.

Ano pa bang ipapaliwanag niya? Dahil sa gusto kong malaman lahat ng paliwanag niya, dahil gusto kong marinig lahat ng dahilan niya, yung dahilan ng pag-alis niya, yung pinili niya over me. Yung pinagpalit niya kaysa sa taong mahal niya.

"Sige." yan na lamang ang lumabas sa bibig ko. Pagbibigyan ko siya dahil mahal ko parin siya, pagbibigyan ko siya dahil ayoko siyang mahirapan, dahil alam kong may sapat na rason siya na ipapaliwanag sa akin bukas.

Dahil kahit anong gawin ko, siya at siya parin kahit anong gawin ko.

Naiiyak ako. Hindi ko namalayan, tuluyan ng tumulo ang mga traydor kong luha. Naramdaman ko ang mga yakap na noon ay lagi kong nadarama, na sa tuwing mahina ako eto yung yakap na nakapagpapalakas sa akin at ang dahilan kung bakit ako bumabangon.

Yakap na kapag ginagawa niya ay nararamdaman kong ligtas ako, na minamahal niya ako. Kailanman, ay hindi nagbago yun. I love you Hans.

"I love you Kha. Hindi nagbago yun." pagkasabi niyang yun ay kusa akong ngumiti, ito yung hinihintay ko. Na magkakausap kami at mabibigyang linaw ang lahat ng tanong sa isip ko.

Yung puso ko, ang bilis ng tibok. Kailan ko na muli itong nadama?

JUST FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon