8

48 0 0
                                    

SOFIA

Tamad na tamad akong pumasok this week. Wednesday pa lang pero wala na akong gana para sa buong linggo.

"Uy Sofie, para ka namang nalugi dyan." I'm with my classmate Avaleigh. Ava for short. I didn't even know how she managed to drag me here at the university's food hub. Kasalukuyan kaming nasa Zark's dahil trip daw niyang kumain ng burger.

"Alham jmho hba shkanshinha shi Washde" I raised a brow at her. Di ba nito alam ang food etiquette?

"Ava, kalma. Nguya muna, okay?" Pakiusap ko dito. Baka mamaya biglang masamid e pananagutan ko pa. Ava's my classmate on Street Jazz, under Physical Education. Three hours ang alloted sa subject namin ngunit sa 2nd hour pa lang daw makakarating ang instructor. May biglaan daw kasi silang meeting kasama ang Dean ng College of Human Kinetics.

Inubos muna nito ang nginunguya bago muling magsalita.

"As I was saying, Sof. Did you know Wade's looking for you? Omg girl, that's Wade Gordon! Ang swerte mo!" Hayyy, here we go again.

"Bakit daw?" Maikli kong tanong at kumuha ng ilang piraso ng fries at isinubo.

"Nakita nya siguro na nasa gym ka rin kanina. May sasabihin daw e. Lumapit nung sakto namang nasa cr ka. Ikaw ha. Ikaw pala yung kumakalat na chismis." Sagot na naman niya. Kilig na kilig pa. Pang ilang beses ko bang sasabihin at ipapaliwanag na wala akong interes sa Wade nila.

"Hindi ako yun okay? Wag makulit." Pangbabara ko dito. I get that a lot. Lalo na this past week. Na ako daw yung binisita sa stat steps at nililigawan daw ng idol nila. Jusko,  hindi no!

"Masyadong maintriga yang mag bestfriend na yan e. Si Travis din kasi may pinost naman sa IG story nya na babae pero di naman kita yung mukha."

Nasamid ako sa narinig. Did she just mention Travis' name? And what, bestfriend? Si Travis at Wade? Paano?
Naalala ko na naman ang issue sa IG story nito! Sheez!

"O anong nangyari sayo? Bakit parang gulat ka dyan?" Inabutan pa ako ni Ava ng tissue.

"W-wala. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Magbest friend pala sila?" Tanong ko. Tumango-tango naman ito agad at malapad na ngumiti.

"Oo kaya no. Magugulat ka na lang bigla nandito pala si Travis. At ganun din si Wade sa university ng best friend nya. Kung di ko lang alam na straight yang dalawang yan, mapagkakamalan ko silang magjowa." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito. Di tayo sure kung straight talaga. Biro ng utak ko.

But you already kissed Travis, Sofia! Straight siya!
Iwinaksi ko na lamang ang naisip.

"Di naman ba sinabi ni Wade kung tungkol saan yung sasabihin nya dapat?" Hindi ko kasi ito napansin kanina sa gym. May sasabihin pala, bakit hindi na lang ako ang kausapin.

"Hmm, hindi naman. Umalis na rin sya pagkasabi kong nasa cr ka." Tumango-tango na lamang ako at inubos na ang inorder na soda at fries.

"Uh, do you happen to know that guy? Parang kanina pa sya nagmamanman sa atin. Ang creepy!"

Bulong ni Ava. Inilapit pa niya ang mukha para di masyadong marinig.

Pasimple ko itong sinulyapan.

Sya na naman? It was the guy sa stat steps! Yung kumausap sa 'kin na mukhang nerd!

Alanganin naman akong napangiwi paharap kay Ava.

"Uhh, he approached me once. Pero nainis yung kaibigan ko at di na sya pinatapos magsalita. Umalis na din kami kaagad." Pagpapaliwanag ko kay Ava. Panaka-naka pa niyang sinusulyapan ang lalaking nakaupo di kalayuan sa amin. "As far as I can remember, may gusto syang sabihin nun e. Nagkataon naman na yun yung time na nandun si Wade sa College of Statistics." Dugtong ko pa.

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon