16

39 1 3
                                    

"Akala ko ba no boys muna? E halos magdadalawang oras na ako dito puro si Yvo na lang ang bukambibig mo."

Hinagisan ko nga ng unan si Ivan. Kasalukuyan kasi itong dumalaw sa unit ko upang magpatulong sa activity nila. I had experiences on the runway naman kaya I hope it helped.

"OA. Si Matty naman, hindi yung tito. Ewan ko sa'yo Ivan. Yun na, tapos na ako magkwento."

"Buti naman at naisipan mo nang tumigil teaaa. Mamaya mainlove na ako kay Yvo puro positive ang sinabi mo."

I'm totally unaware of that. I just diverted the topic. "Kailan uli kayo magmi-meet ng lalaking 'yon? Kailangan pa ba nyang magpractice?"

"Hindi naman. Ayos naman ang posture niya. Kagabi nag-search na din ako tungkol kay Yvo, endorser pala ang tito mo!"

Oh okay. Willing pa naman ako magturo ng basics sa modelling.

"Hindi naman na nakakagulat.---whut?" Naningkit kasi ang mga mata nitong tumitig sa akin.

"Plus one positive thing about Yvo. Umamin ka nga Sofia? Gusto mo na yung lalaking yun no?" Umiwas ako ng tingin.

"HOY TEAAAA SAGOOOOT!"

Oo na nga, aamin na. Ito na.

"Onti." I shyly answered. Crush lang naman e.

"OH MY GOD! TEAAAAA, DYAN NAGSISIMULA YAN, SABI KO NAMAN SAYO MAGPALIGAW KA NAAAAA!"

"Books before boys." I simply told him. Ivan just shrugged and flipped the pages of the magazine he's reading. Humahanap din kasi ito ng inspiration para sa theme ng activity nila.

Maya-maya ay tumunog ang phone niya indicating for a notification.

"Ay sayang naman, di natin mapapanood yung game nila Travis." Ivan caught my attention. May game sila Travis?

Ipinakita nito sakin ang phone screen. Nakanotify pala sya sa update ng mens's basketball team ng Prime U.

"Nuks, fan." I joked. Inabot ko na rin ang phone nito at binasa ang nasa screen.

Friendship Game between Prime U and UW. And it's 4pm on Friday! Ito pala ang sinabi nitong conflict sa schedule ni Travis.

"Nalungkot ka no? Aminiiiiin. Miss mo na?" I rolled my eyes. Ibinalik ko na rin ang phone nito. Oo nga no, ang tagal na ring hindi nagparamdam ng lokong yun.

"Di a. Bakit sana mamimiss?" He just shrugged and continued flipping the magazine's pages.

I simply searched for Travis' name in my soc med accounts. Curious lang. He seems so busy.

He recently posted a picture of himself. With a ball of course.

"HUY ANO YAN?!"

Wtf!!! I just double tapped the screen and that means...

"IVAAAAAAAAAAAN! Bakit ka nanggugulat?!?!"

He raised a brow at me. "Ay ang OA? Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo dyan?"

He's sitting in front of me, holding a magazine on his hands. Pilit nitong sinisilip ang nasa phone ko kahit hindi naman talaga nya makikita.

"Kainis kaaa. Na-heart ko yung pic ni Travis! Baka isipin non iniistalk ko sya?"

"Ay wow. Kasalanan ko pa? E iniistalk mo naman talaga. Where's the lie ateaaa?"

I groaned. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang notification ko. And it was from him! Travis!

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon