26

29 2 0
                                    

"Candelar"

Yvo or Travis? Sinong una kong kakausapin? Paano ko naman sila kakausapin? At saka saan? Ano namang sasabihin ko? Ughhhh

"Candelar are you listening?"

Kailangan ko na ba talagang mamili? Sino?

"Huy Sofia kanina ka pa tinatawag ni sir Hans."

"H-ha?" Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa sinabi ni Avaleigh.

Inginuso nito ang harapan kung nasaan si sir Hans. Sinundan ko naman ito ng tingin at kapansin-pansin din na nakatingin na sa akin ang mga classmates namin.

Doofenshmirts naman o!
Nakataas na ang isang kilay ni sir!

"Candelar, kindly stand up please." Utos ni sir Hans. Agad naman akong tumayo. Sht naman Sofia, ano na naman kasing pinaggagagawa mo this time?

"Maghahanap sana ako ng volunteer pero ikaw na lang. Kindly proceed here in front, please."

Nakatungo akong tumungo sa harapan. Tahimik lang ang mga kaklase ko habang sinusundan ako ng tingin. Kasalukuyan kasi ang discussion sa physical exercises. Parang mali nga kasi dapat nauna 'tong diniscuss bago ang types of dance. Pero according to sir Hans last meeting, sinadya daw niya iyon para madiagnose kung ano na ang alam namin patungkol sa subject na tinetake namin.

"Ah sir ano pong gagawin ko?"
Maang-maangan kong tanong dito.

"Idedemonstrate mo lang lahat ng sasabihin ko. Okay class, listen. The 1st is 'walking knee to chest'." Pumalakpak pa si sir calling for the attention of the class.

"It can be done walking or standing in place. Para ka lang naglalakad pero kada hakbang kailangan mong itaas ang paa na ginamit mo panglakad."

Our instructor's just looking at me as if telling me to follow what he's saying which I did later on. I have no choice, all eyes are on me!

Mukha tuloy akong puppet ni sir dito sa harap.

Nagpatuloy pa ang instructor namin sa pagpapaliwanag. "This dynamic stretch is a great way to slowly get your body moving while stretching main muscle groups. It is also a great balance exercise."

"Okay class, arms wide please. Follow what Sofia's doing."

Tumayo na ang mga kaklase ko at ginawa na ang sinasabi ni sir.

Akala ko okay na after ng pagdedemonstrate ko pero hindi pa ako hinayaang makaupo ni sir Hans.

"Next is lunges. I believe everybody knows how it is done. Sofia, kindly demonstrate the lunges."

Again, I have no choice but to follow him.

"Class, key points to remember: keep the front knee in line with the toes and try to lower your hips in the middle of your legs. Don’t let the front knee bend in front of the toes as this can cause knee pain."

I am in the middle of the lunge position when my phone rang. I left it on my bag kaya hindi ko ito agad mapatay.

Inikot ni sir ang paningin sa buong klase hanggang tumigil ito sa akin.

Uh-oh, you're dead meat Sof!

"You can now go back to your seat Sofia. And please kindly put your phone to silent mode."

Bumalik na ako sa kinauupuan at agad na nilagay sa silent mode ang sariling telepono. Nangunot ang noo ko pagkakita sa caller id.

Pansamantala ko na munang ipinagwalang bahala ang tumatawag at itinuon na ang buong atensyon sa klase. Hindi ko na mabilang kung ilang exercises pa ang pinaggagagawa namin pero nagpapasalamat ako dahil nairaos namin ang PE class this week.

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon