13

60 0 0
                                    

I even saw him checked his wristwatch.

Impatient eh?

I'm planning to surprise Travis kaya lumapit ako sa likod nito. Ipinantay ko pa ang mukha ko sa may tenga nya. Gugulatin ko lang.

But before I can utter a word, he already faced me kaya I almost kissed his cheek!

Nauna akong nakabawi sa pagkakagulat kaya awkward na umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa tapat nya.

"Konti na lang e, di pa dumikit."

"Ah ganon? Gusto pala chumansing. Sige alis na ko ha." I joked. Tumayo talaga ako pero he held my hand and pulled me back. But instead na sa tapat nya ay ipinaupo nya ako sa tabi nya.

Nakakahiya! Napapansin ko kasing madaming napapalingon at napapatingin sa pwesto namin. Malamang, I'm with a sport celebrity! And he's an outsider!

"Wala ka man lang bang cover up or something?" I asked him. The guy just confidently shrugged.

"Di naman kailangan yun." I playfully smacked his arm.

Balewala lang kay Travis na marami ang pasimpleng kumukuha ng litrato nya. Isn't he alarmed na baka machismis kami? Bakit nga ba kasi nakipagkita ka pa,Sof?

"Wala ka bang class? Bakit pala nandito ka?" I started.

"Simple. I ditched my class." Aba, proud pa talaga sya?

"Seryoso ka? Huy baliw. Bakit naman kasi dinitch mo ang klase nyo? Nagpaalam ka?"

"May tumatakas bang nagpapaalam? Come on, Sof. I just wanted to see you."

I raised my brows.
"Dinamay mo pa ako." Naningkit ang mata ko habang nakahalukipkip.

"Seryoso nga." Hindi ko naman alam ang sasabihin kaya itinuon ko na lang ang paningin sa labas. Sakto namang nahagip ng paningin ko si Yvo kasama ang tatlong teammates nila. Uh-oh!

"A-ano, nasan pala si Wade?" I asked Travis. I'm really trying my best to distract him. Sana hindi ako mapansin nila Yvo. Sana wag, Lord. Please, please, please.

"Hey, is there something wrong?" Buti na lang paglingon ni Travis ay nakaliko na ang grupo nila Yvo. Jeez that was close!

"Ah w-wala." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Lumingon uli ako sa labas ngunit di inaasahang ang mukha naman ng nerd na kumausap sa amin ni Rae at nakamasid samin ni Ava noon ang makikita ko. Nakatingin lang ito sa pwesto namin ni Travis.

Ano na naman ba? May sasabihin na naman ba sya?

"Ano nga uli yung sinasabi mo kanina? At bakit kailangan mo pa akong papuntahin dito?" Hindi ko na pinansin ang nakita at tinanong na lamang si Travis. Maliban sa dahilan na marupok ako ay di ko na alam bakit ako nandito.

"Kasi gusto mo? I just texted you but it's still your choice if you'll meet me or not. And you decided to meet me." Pa-cool na wika ni Travis. Ngiting-ngiti pa itong uminom sa soda na inorder nya.

"Alam mo for a student-athlete, ang dami mong time." Pasimple lang naman itong kumindat. "It's just a matter of priorities, Sof." I rolled my eyes. Errkay.

Napunta ang usapan namin sa family ni Travis. Naalala ko kasi si Tyler. And god knows how much I love kids same age as his youngest brother. Sabi kasi ni Travis ay si Tyler ang bunso. He also have older brothers.

"Sorry uli tungkol don. Magaling talagang mangulikot si Tyler. Pasensya na kung binulabog ka nya."

I chuckled. "Bakit ka nagsosorry? It's totally fine, ano ba."

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon