14

33 0 0
                                    

"Sige na Sof." Ivan pleaded. He's been saying the same exact line for 15 minutes now.

"No." Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad palayo.

"Ito naman parang hindi tayo super twins." Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Ivan. I raised my brows.

Ginaya lang nito ang ginawa ko at namewang pa. "O bakit, angal ka sa super twins? Pasalamat ka nga ka-level mo ang beauty ko."

Hindi talaga ako mananalo pag si Ivan ang kabangayan. Plano ko kasing tarayan ang lalaki pero ako na rin ang unang bumigay. Paano ba naman kasi, gusto nyang kausapin ko daw si Travis. Paniguradong di na daw sya mahihirapan sa lalaki dahil sanay na ito sa basics ng modeling.

"Still a no Ives. Di mo ko madadaan sa paganyan-ganyan mo ha." Sumimangot ito. I badly wanted to laugh at him. Jeez! He looks awful!

"Grabe. Yan lang favor ko e." Pagtatampo nito. E sa ayoko talagang kausapin si Travis. Nakakahiya kaya!

Isa pa, magkakilala naman sila ni Ivan, he can just ask Travis personally!

"Iba na lang na favor ang hingin mo, Ivan. Wag lang yan."

"E yan nga ang kailangan ko. Akala ko ba tutulungan mo ko Sof?" I heaved a deep sigh before answering my friend.

"Ivan, ayoko talaga. Ibang favor na lang okay? Wag lang yan. Yung next favor mo hindi ko na talaga hihindian."

Sa pagkahaba-haba ng pilitan ay nakumbinse ko rin ito.

"Sabi mo yan ha. Ita-try ko na nga lang kausapin si Travis kahit mukhang matatambakan lang ang DM request ko."

Naningkit ang mga mata ko. Nagpaparinig e.

"Ikaw naman Sof, nagbabakasakali lang. Akala ko mapipilit pa kita e. Oo na nga, hindi na. Basta tutulungan mo ko ha. Sabi mo hindi mo na hihindian yung favor ko."

Tumango na lamang ako kay Ivan. Inaya ko pa ito sa unit pero tumanggi lang din ang lalaki dahil kailangan pa niyang paghandaan ang activity nila.

According to Ivan, Fashion Show Management is one of his major subjects and their class must organize a fashion show. His team's assigned on the models kaya nirerequire silang magbigay ng list ng prospect models bukas sa professor nila dahil next Friday na ang event ng klase nila.

I'm just browsing my soc med feed trying to find Ivan's prospect male model when I received a text from him.

'Snobber ng fafa mo, di pa rin ako sini-seen!'

Natatawa akong nagtipa ng reply.

Try to be persistent sis.

Wala pang isang minuto ay nagreply na naman ito.

'Gaga, feeling ko mabblock na ako. Tinadtad ko na sya ng dm nakakababa pala ng dignidad to teaaa!'

I can just imagine how Ivan looks right now. Naaawa ako na natatawa. I wanted to help him so bad but not when it comes to Travis. Quota na ko sa kanya lately. Instead, I gave Ivan Travis' number. Wala naman sigurong masama, nagkakilala naman na din sila before.

'+639*********. Text mo na lang. Magpakilala ka ha.'

I bet Ivan's really excited already. Wala nang reply e. Itinuloy ko na lang ang pagbbrowse ng feed. Hindi na rin ako nagulat nang hanggang ngayon ay may natatanggap pa rin akong random notifications at dm requests. They're just basically bugging me on who I am and how I am related to the maroon heartthrob. Remember, Travis' IG story?

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon