19

26 0 0
                                    

TRAVIS

What the fuck?! Ano na namang kalokohan ang nagawa ko kagabi?

Did Sofia and I really did it? Putangina, sobrang gulat ko kanina nung makita ko siyang nakatayo sa harap ko. Akala ko epekto lang ng hangover pero nung tinanong ni Tyler kung sino siya ay nakumpirma kong totoo ngang nasa harap ko na si Sofia.

Pero ilag ito sa akin. Tangina, kaya ako kinakabahan e. Nagalaw ko ba siya kagabi? Sht sht sht Travis. Anong nagawa mo?! Bakit naiuwi mo dito si Sofia? Idagdag mo pa na suot niya ang jersey shirt ko.

Nang tumalikod ang babae ay agad akong sumunod. Gusto ko lang makumpirma kung totoong may nangyari sa amin. Matapos ang pag-uusap namin nila Dustin ay wala na akong maalala.

"Sofia?" I called her. Bakit ba ilag siya sa akin? Did I really touched her last night?! Fvck!

"M-may nagawa ba akong mali? D-did we...?" Napayakap si Sofia sa sarili. Jeez, bakit feeling ko we did it. Lumaki ang mga mata ko sa realisasyon.

"Oh my god. I'm sorry." Lalapitan ko na sana siya nang sumingit si Tyler.

"Kuyaaaa? Sino siya?"
May problema pa ako kay Sofia, dumagdag pa tong si Tyler. Tinuro pa si Sofia at hinila ang laylayan ng damit ko.

"Ay yung girlpren mo! Susumbong talaga kita kay mommy kuya Twavis, lagot ka."
At nanakot pa talaga? Matapos akong sindakin ni Tyler ay tumakbo na ito paakyat sa 2nd floor. Pagkaalis ng kapatid ko ay binalik ko na ang paningin kay Sofia.

"Uh, magiglamigi mukalf ako" Wika ng babae. Ano daw? Nagsalubong ang kilay ko. What is she saying? Lasing ba siya?

"Ha?"

I noticed how she heaved a deep sigh before uttering a word. Lumayo pa muna ito sa akin.

"Sabi ko maghihilamos muna ako." Whoa, did she just rolled her eyes on me? Feisty talaga.

Bakit ba parang wala lang kay Sofia ang nangyari? Is it ok for her? Daaaamn, bakit ang hirap magtanong?

Nakailang buntong hininga pa muna ako bago nagsalita.

"A-anong ginagawa mo dito? Inuwi ba kita?"

Sofia chuckled. Tangina tama bang tawanan ako? Seryoso akong nagtanong!

"Inuwi mo ako? Are you serious?" The girl even wiggled her brows. 

"What's funny? Can you be serious just for this once?" Inis kong tugon kay Sofia. Nagbago ang ekspresyon ng babae.

"What? Ako na naman ang may kasalanan? Can't you just thank me for helping you out!? Ugh you're unbelievable." Huli na nang mapagtanto kong dumeretso na ito sa loob ng guest room.

"O e bakit ka sumunod?!?!" I just shrugged. Why is she mad? Ano ba talagang nangyari kagabi?

Lumapit ako sa babae at tinitigan ito sa mata."Ang dami kong tanong sayo kaya sana masagot mo isa-isa."

I saw how her eyes blinked twice. Inilihis rin nito ang paningin pero ihinarap ko uli siya sa akin. 

"Mas maniniwala ako sa sasabihin mo kung titignan mo ako sa mata." I told her. I noticed how her eyes got bigger.

"A-ano ba Travis. Uuwi na ako." Tumalikod na agad si Sofia. Nagsimula na rin itong mag-ayos ng gamit. The hell? Ilag talaga sa akin. 

Umupo na lang ako sa kama. "I'm sorry." I started. Walang kibong lumingon ito sa akin. I just watched her next move. Nagtaas ito ng kilay at namewang. Kung hindi lang ako namomroblema ay tatawanan ko talaga ang babae. 

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon