12

43 1 0
                                    

TRAVIS' POV

"Hmm, masarap nga dito." Sof exclaimed. I'm glad nagustuhan nya yung favorite food ko.

"Syempre kaya nga naging favorite ko e." I told her. She's obviously enjoying the food. Napansin ko ring madami ang napapalingon sa direksyon namin.

Sinadya ko kasi talagang dito dalhin si Sofia. I wanted to lowkey flex her as the person I'm currently dating. Hindi man official, at least diba?

I really wanted to tell her I wanted to date her officially pero mga tsong, hindi pala ganun kadali! Baka kasi masabihan akong masyadong mabilis, maback to square one pa.

"Next time I'll bring my friends here. Masarap pala talaga." I smiled at her. She's just so genuine and that's one of the things I like about Sofia.

"Okay ka na? O gusto mo pang mag-order?" I asked her. Parang kulang pa kasi dito ang inorder ko. Umiling naman ang babae.

"Sure? Take-out?" Pangungulit ko pa. Sof chuckled. "Ang kulit. Okay na ko. Tara na. Magddrive pa ako pauwi." Wika ng babae.

Malapit lang ang AU sa university namin kaya iniwan ko na ang sasakyan ko sa Prime U at nakisakay kay Sof. Gusto ko nga kasi siyang makasama. Minsan lang e, pagbigyan.

"You want me to drive you home?" I asked. Umiling naman ito agad.

"Di na. Makaabala pa ako e. Saan pala yung sasakyan mo?"

I told her I left my car in Prime U. Mukhang nagliwanag naman ang mukha niya.

"Really? Does that mean dadaan pa tayo don?" She asked me. Cute.

I nodded. Basically, I'll drive back to Prime U to get my car. Tapos ihahatid ko siya sa kanila.

"Pwede bang next time kahit sa loob ng buildings, i-tour mo rin ako? Lagi na kong napapadpad dito sa field nyo e."

Hindi ko naman akalain na magugustahan nya pala dito sa Prime U. Katatapos lang naming libutin ang school grounds at ngayon ay nakaupo na kami sa isa sa mga benches. I decided to bring her here dahil closed naman ang buildings.

"Sure, no prob." I smiled. Itinuon ko na rin ang atensyon sa field. Hindi naman na nagsalita si Sofia, nagmamasid lang din ito sa paligid.

"Did you have fun with me?" I opened up. She immediately answered me with multiple nods.

"Of course. Thank you." I'm glad she enjoyed my presence. Akala ko kanina ituturn down na niya ang offer ko. I was there during the friendship game to support Wade. At kung sinisuwerte ka nga naman, I even saw Sofia. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagsulyap-sulyap ni Damian sa direksyon niya. And that's what made me jealous.

Is it jealousy in the first place? Hindi ko alam.

I really wanted to tell Sof how I feel pero ang hirap, men. Nakakabading!

"Ang ganda dito sa campus nyo no? Felt like home." Maya-maya pa'y wika nito.

"Yea, felt like home." Pagsang-ayon ko naman. "Pero kulang pa rin."

Agad namang napatitig sa akin si Sofia. "And that is?"

Hinawi ko ang mga takas na buhok sa mukha ng babae at inipit sa likod ng tenga nya. She really is pretty. And I am damn lucky to have this opportunity with her.

"I said, kulang pa rin." Pag-uulit ko. She just smiled at me. I wonder what she's thinking about me right now.

"Alam mo, my mom told me na if that's for you, kahit ano mang bagyo ang dumating, mapapasayo rin. So siguro it's just a matter of time."

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon