25

30 1 1
                                    

"Ang tagal mo naman, buti nahanap mo yung cr." Hindi ko alam kung seryoso si Denise sa tanong niya or sadyang hinuhuli lang ako.

"Nagtanong ako sa mga naka-id na mukhang staff dito." Sagot ko na lamang at umupo na sa dating pwesto. Third quarter na at bumaligtad ang laro. Nakahabol ang U-West at lamang na sila ngayon ng 7 points.

I glanced where Travis is now seated. Sana talaga okay na siya.

"Sana sumama ka sa'kin kanina ate. Tinatanong kaya ako ng teammates ni kuya Travis bakit hindi ka daw lumapit. Ayan tuloy, tingin-tingin ka pa rin sa malayo" Mahabang kwento ni Pierre. Kunot-noong nilingon ko ito.

"Nag-usap naman kami ng saglit. Pero teka nga, kilala mo ba ako?"

Alam kong kilala na ako ng ilang teammates ni Travis kaya hindi na bago ang narinig ko kay Pierre. Pero siya, ngayon lang kami nagkakilala!
Pierre smiled at me and continuously nod his head.

"Ikaw pala yung palaging pinagkukwentuhan nila kuya Wade sa unit niya." Nanlaki pa ang mata ko sa narinig. Palaging pinagkukwentuhan?

Is it really me? O baka yung Gwen na yun naman ang tinutukoy ni Pierre.

Bakit ba naisip ko na naman yung bagong babae nya? Hmp!

Umiling-iling na lamang ako. "I think that's not me."

Nagkibit-balikat lamang ito at saka ibinalik na ang atensyon sa laro. Simula na ng 4th quarter at balik na uli sa court si Travis.

"Oh my god, ibinalik nila si Montero!?" I even heard Cheska's comment.

"Oo nga, injured na nga e. At saka akala ko ba sa legs e bakit kamay yung may benda?" Denise asked. Hinayaan ko na lamang silang mag-usap. Ayokong ipahalatang interesado ako.

"Hayaan nyo na. Inspirado e. Kaya ni Travis yan, malayo pa sa bituka." Makahulugang sagot naman ni Wade.

"Sabagay ang dami nilang fans kaya for sure inspired yan." Dagdag pa ni Denise.

Naglakad na si Travis patungong court kaya sinundan ko na lamang ng tingin ang lalaki. Ang dami ring nabigla nang tumayo ito. Tulad ng reaksyon ng mga kasama ko ay hindi rin siguro inaasahan ng crowd na babalik sa laro si Montero.

"Travis Montero for three!" Sigaw ng announcer. Kasisimula pa lang ng 4th quarter, naka three points na siya kaagad. Ngayon lang ako nakapag-focus sa panonood sa lalaki. No doubt, he's really a baller.

"Everybody was expecting for the euro-step but Montero stops and says I'll take threes over twos and here is a kiss for everybody!" Pag-eexplain pang muli ng announcer. And true enough, he's giving flying kisses to the crowd.

"Maniniwala na akong inspired nga si Montero. Injured na nga, nakakapagflying kiss pa." Cheska commented. Umiiling-iling pa ito habang nagsasalita.

"Inspirado nga kasi." Pabirong bulong ng katabi kong si Pierre.

Ibinalik ko ang tingin kay Travis at nakaharap na ito sa pwesto namin. He's still giving flying kisses but this time he's facing the maroon crowd.

Tumakbo na ito upang habulin ang bola. Pierre playfully nudged my arm when Travis stopped near our location and gave out flying kisses.

Sunod-sunod na tilian na naman ang dumagundong sa gymnasium.

Balik na sa laro ang focus ng lalaki at naagaw na naman nya ang bola mula sa kalaban.

"Dapat pala ate Sof palagi kang nandito para ganahan si kuya Travis. 8 points na yung naidagdag nya para sa 4th quarter lang."

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon