24

33 0 0
                                    

TRAVIS' POV

"Wait, that's Sofia right?" Raf looked so stunned. And so are my teammates in front of me. I followed the direction they're looking at and furrowed my brows.

I see no traces of her. There sure are a lot of college students hanging around but no Sofia.

I again looked at my teammates.

"Saan?" I asked Raf trying to confirm if he really saw her.

"Pfffft" saka ito tumawa ng malakas. Ganun din naman ang ibang teammates ko. Tsk. Hindi magandang biro.

"Wala na. In love na talaga tong si Montero." Umiling na lamang ako. Ako talaga ang hot seat ngayong gabi.

"Kelan ba kasi yung huling date nyo pre?" Umakbay pa si Ashton na agad ko din namang inalis.

Kelan nga ba yung huling lumabas kami ni Sofia? 2 or 3 weeks ago? Sht ang tagal na nga.

"Kung ako sayo, iinvite mo na lang sa game natin." Bram suggested. Yes, the team captain's also here. Kailangan din daw kasi nitong mag-unwind.

"Oo nga. Baka sakaling manalo uli tayo." Pagsang-ayon naman ni Hans.

"Aba talagang dapat manalo tayo. May babae mang inspirasyon o wala. Di ba Travis?" Baling na naman ni Bram sa akin. Napansin ko ang pagkasamid ni Spence at pagtikhim ni Andi. Nung first game kasi ay sa akin ibinunton ang sisi sa pagkatalo. Out of focus kasi lumilipad ang isipan kay Sofia. Buti na lang nakabawi na sa second game.

Natahimik bigla ang grupo.

I heaved a deep sigh. "I won't make the same mistakes again, don't worry." I assured them. I even smiled at my teammates and they did the same thing.


SOFIA'S POV

"HALA!"

Agad kong binalingan ng tingin si Ali dahil sa biglaang pagsigaw nito. Kasalukuyan kasing tambay si Aliyah at Ivan dito sa unit ko. Si Phil naman ay naka out of town trip kaya hindi namin kasama.

"O ano na namang kaartehan yan Aliyah Jade?" Ivan didn't even glance at Ali. Busy pa rin ito sa pag-aayos ng kuko. Sinabi ko naman kasing magpunta na lang kami sa nail salon bukas pero nagpumilit siyang siya na lang daw ang gagawa. Ayaw na daw nitong ma-murder ang kuko katulad nung huling paayos namin.

"W-wala to. May sinend lang si kuya Jino." 

"O e bakit kailangang kabahan?" Singit na naman ni Ivan. Kapansin-pansin din kasi talaga ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ni Ali. Looks like bad news.

"W-wala ano ba kayo. Hehe." Pag-iiwas nito sa usapan. Pinalampas ko na lamang ito at nagtungo na sa kusina para kunin ang ginawa naming mango graham cake. Today's a weekend kaya madami kaming time.

Pagbalik ay nadatnan kong nagchichismisan na ang dalawa. Ibinaba ko na ang pagkain sa center table. 

"Tadaaa! Merienda time." Masayang bati ko sa kanila. Pero pagbaling ay nangunot ang noo ko dahil sa di maipinta na mga pagmumukha nila.

"Anong nangyari sa inyo? Di nyo pa nga natitikman, nakangiwi na kayo dyan."

Itinuon ko na lamang ang pansin sa paglalagay ng tig-isang slice ng graham cake sa platito. Tulad kanina ay di pa rin maipinta ang pagmumukha ng dalawa.

"Ah kailan mo ba balak sagutin yung manliligaw mo, Sof?" Ivan suddenly asked. Bumalik na rin ito sa pwesto niya kanina habang nagkukutkot ng kuko. I raised my brow. Ang random naman nitong kaibigan ko.

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon