3

72 0 0
                                    

Oh my god? Si Sofia ang girlfriend?

Nililigawan sya?

Ang pogi!

Ang swerte naman ni Sofia!

Ang dami nang bulung-bulungan pero hindi ko na lang sila pinansin.
Tinignan ko ang kabuuan ng kaharap ko.

Hindi ko sya kilala. But he's wearing the university's color so I assume he's a schoolmate. Matangkad ito at maputi. Not my type tho.

"Hey, pwede ba kitang makausap?" Tanong nito sa akin. Awtomatikong napataas naman ang kilay ko.

"Ako? Kilala mo ako?"

I unbelievably asked. Nakaturo pa ako sa sarili. Bakit ako? E di ko naman sya kilala.

He chuckled. "Silly. Kakausapin ba kita kung hindi." I even saw how a smirk was formed on his face.

Narinig ko na naman ang tilian ng mga kababaihan at mga binabae. Nakikinig pala sila sa usapan namin.

Sadyang hininaan ko tuloy ang boses para di na nila kami marinig.

"Sorry, hindi kasi kita kilala kaya nagulat ako na kinausap mo ako."

Mukhang nabigla ito sa sinabi ko. Bakit? Sikat ba sya? E bakit hindi ko sya kilala?

Nakita nyo yung itsura nya? Sinagot na ba?

Oo nga bakit gulat si Wade?

Sinagot na ata ni Sofia!

Baka binasted?

Hala hindi na single si Wade!

"No, it's okay. I'm Wade, Wade Gordon."

He plastered a smile. Wade? He's 'that' Wade? Familiar kasi ang name. Di ko nga lang maalala kung bakit.

"I also play for the university. Uh, basketball."

Nahihiyang dugtong pa nito. I'm not sure if he is, pero kasi pag napapahawak sa batok, nahihiya diba? And oh, varsity player? Anong meron at puro baller ang nami-meet ko lately?

"Sabi na e. Ang tangkad mo kasi."

Natawa naman ito sa sinabi ko. I checked my wristwatch and it's already 5:45! Hala! Pupunta pa ako sa university nila Travis para sa camera ko!

"Uh, may sasabihin ka pa ba? May lakad pa kasi ako e."

Sinabi naman nitong wala na kaya nagpaalam na ako.

Lumakad na ako palayo. Nahagip pa ng mata ko na nasa di kalayuan lang si Rae at gulat na nanonood sa amin. Don't tell me kilala nya rin itong kausap ko?

Di ko na namalayan na sumunod pala sa akin si Wade at ngayon ay sabay na kaming naglalakad.

Narinig ko na naman ang nakakarindi at nakakabinging tilian ng mga studyante. Artista lang???

"Wait up, pupunta ka ba sa QC?"

Takang binalingan ko naman ito ng tingin. How did he know?

"Mind reader ka ba?"

Hindi ko mapigilang tanungin. Again, he chuckled. In fairness, he's also a cutie.

"You're funny. Of course not. Sabi kasi ni Travis ay magkikita kayo. So I assume you're planning to go there."

Napahinto na talaga ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Wade. Sya man din ay huminto.

Magkakilala sila ni Travis? Ganun ba 'yon? Kaya kilala nya ako?

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon