22

32 0 0
                                    

Hindi ko na lamang pinansin ang presensya ng lalaki at gumawa na naman ng panibagong wrap.

Halatang gulat din si Ava pero paulit-ulit itong tumikhim kaya naagaw nya ang atensyon ko.

I signaled her my 'what?' look.
Pinandilatan lang ako nito ng mata.
Obviously, Yvo tried opening up a conversation pero pinanindigan ko talagang hindi siya pansinin ngayon.

"Uh Ava, okay lang bang naki-table na ako?" I heard him ask my friend. Ako naman ang sumenyas kay Avaleigh. Ngumiwi ang kaibigan ko.

"Oo?" Alanganin nitong sagot na nagpasingkit pa lalo ng mga mata ko.

"Ava!" I absent-mindedly uttered.

Agad namang nagpapalit-palit ang tingin ni Yvo sa amin ni Avaleigh. I can see him through my peripheral view. Talagang hindi ko muna siya papansinin.

"What? Is your friend mad at me?" Tanong niya kay Ava.

Nagulat pa ako ng padabog na ibinagsak ni Ava ang tong at tinignan kaming dalawa ni Yvo.

"Ako ang naiipit sa inyong dalawa. Pwede ba mag-usap kayo ng matino? Magkatabi lang kayo o."

I just rolled my eyes. Saglit akong sumulyap kay Yvo pero agad ding nagbawi ng tingin.

"What? May ginawa ba akong mali?" I heard Ava choked her food. Agad din naman itong uminom ng tubig at sumenyas na ayos na siya.

"Haynako Yvo. Di ka man lang kasi nagtext sa kaibigan ko. Ayan, nagtatampo." Siguro hiyang-hiya na ako ngayon. Ilaglag ba naman daw ako ni Ava!

"Ha? Ang dami ko kayang texts. Ikaw nga ang hindi nagrereply. Buti at nakita kita sa labas." Natigilan naman ako sa narinig. He sent me a lot of messages? Tumingin ako sa direksyon ng lalaki but he just nodded. His grin is even plastered on his face! Ugh, ang pogi!

"Check mo kaya phone mo." Utos pa nito sa akin. Labag man sa kalooban ay kinuha ko na rin ang phone ko. Dang, 22 messages?!?! Bakit ba kasi nakasilent ang phone ko!

"O ano te, totoo? Ok na? Bati na kayo? Pwede na tayong kumain ng matino?"

I sheepishly looked at the guy beside me and apologized.

"Sorry."

He just smiled and pinched my left cheek. "Kain na. Alam kong magpapalit ka pa. Baka malate ka na sa terror prof mo." He reminded me. I smiled. Natuwa naman ako dun. Tinandaan talaga nya ang schedule ko!

"Bakit ka naman lumayo sa mga kasama mo?" I asked pertaining to Cheska, Serge, Dino, and another unfamiliar girl. Sa tinagal-tagal ko dito sa St. Therese ay ngayon ko lang ata nakita ang mukhang iyon.

"Alam naman na nila na oras mo naman ngayon." He even winked. Tumikhim si Ava samantalang tinawanan lang ako ng lalaki.

Yvo insisted to drive me to my next class but I told him Ava and I still have to change our clothes.

"See you later, kap!"  Wika nito bago paandarin ni Ava ang sasakyan nya. Yvo decided to drive me home instead. This time, hindi ko na sya hinindian.

"Pano ba yan, ang pogi points ngayong araw puro napunta kay Yvo. Ang hina naman pala ng mga taga Prime U." Ava opened up while driving. Naningkit ang mata ko. Nagets ko naman ang ibig nitong sabihin. Syempre, I would always see Yvo around because he's a schoolmate. Samantalang kay Travis, very limited lang ng interaction namin. Sa tingin ko kung mamimili na ako agad, hindi pa sapat yung chance na naibigay ko.

I heaved a deep sigh. I kinda miss the other guy.

Pagkauwi ay humilata na agad ako sa kama. This day has been very tiring. Tomorrow's Thursday and you guys all know what does that mean... free day!!!

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon