11

51 0 0
                                    

"Wrap-up na guys. Magkanya-kanyang practice pa rin para perfect ang performance natin sa Wednesday! See you!"

Nagpaalam na rin kami sa mga kagrupo namin. 4 hours din kaming nag-polish ng sayaw. We're so ready for the practical performance.

"Ava, manonood ba kayo ng friendship game mamaya?" I heard a classmate told Ava. Oo nga pala, ngayon ang game ng Yellow Hunters versus Araneo University.

"Wala kaming tickets e. Saan daw ba yung game?"

"Sa AU Coliseum. Sayang kasi may extra pa akong dalawang tix. May biglaang lakad mga pinsan ko. Baka gusto nyong manood."

"Uy Sof, heard that?" tawag ni Avaleigh. Nilingon ko naman ang dalawa.

"Yes, ang lakas ba naman ng usapan nyo e." I answered. Natawa naman ang groupmate namin. Denise? Or Eunice? I'm not really sure of the name.

"So ano, tara? Wala ka naman atang gagawin e."

Inisip ko muna if may plans ako for the afternoon. Nagawa ko naman na yung lab report sa 161, and aside from that, itong practice lang ang appointment ko today.

"Anong oras ba yan? Wala akong dalang pamalit e. Extra shirt lang yung nasa sasakyan." Dala ko kasi ito ngayon para hindi hassle. Ang uncomfortable naman mag-commute ng kagagaling sa practice diba?

Ava and I waited for our classmate's answer. Chineck pa nito ang hawak-hawak na ticket.

"4pm pa naman. You still have plenty of time pero mas ok if nandun na 30 minutes before the game. Or an hour allowance maybe?"

Tumango na lamang ako. Ava squirmed and said yes to Denise. Oo, Denise daw ang name nya. But we decided to part ways muna at magkanya-kanya na lang papunta sa AU Coliseum.

I just wore a yellow shirt and black shorts. Syempre, gotta cheer for our university! For sure, aabutin kami ng gabi pauwi nyan kaya nagdala na rin ako ng extra jacket. Sa Quezon City pa kasi ang Araneo and for sure, traffic. Weekend e.

"Sofia ano na? Kanina pa kami nandito ni Denise sa AU."

"Malapit na. Nasa gate na nga ako o. Madami lang talagang sasakyan. Nasan na ba kayo?"

Ava told me they're in the snack house beside the coliseum. Sorry naman, di ako naging aware sa time. 3:40 na kasi.

Maya-maya pa nakita ko na ang kalakihan ng Coliseum ng Araneo at naghanap ng parking space. Sheez, hassle! Ang layo! Buti na lang talaga at meron pa rin akong nahanap na parking space.

Pagkalapit ko sa dalawa ay nakapamewang na si Ava. Halatang inip na inip na.

"Kanina pa nagpapapasok sa loob. Ang aga mo Sof ha, sobra." Ava said sarcastically. Sorry na nga e.

"Sorry, ang layo din kasi ng parking space na nahanap ko."

Denise lead the way. Hindi ko naman akalain na sa patron seats pala kami uupo kaya ang lapit lang sa players!

"Wow, I didn't know you're such a big fan, D!" Ava got the same reaction, obviously.

"Actually my cousins are super fans. Former players ng university natin e. Too bad they can't watch the game."

Ava and I just nodded. We also settled on our seats. Wala pa man ang mga players ay ang ingay na ng coliseum.
Parang out of place nga ako dito kasi hindi ko naman alam ang rules ng basketball. I just know na pataasan lang ng score sa pagshoot ng bola. It's also my first time watching a basketball game, live.

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon