Prologo

2.4K 70 19
                                    


Happy Birthday, Bunso! Hindi ko pa tapos 'to ha pero promise ko sa 'yo tatapusin ko 'to dahil ikaw yata ang bida rito. Haha!
S'yempre, hindi lang 'to ang regalo ko...

Muling tumulo ang kanyang mga luha nang mabasa niya ang mensaheng ito mula sa kanyang nakakatandang kapatid. Ito ay nakasulat sa unang pahina ng ilang pirasong papel na kanyang natagpuan sa ilalim ng kanilang kabinet kahapon.
"Miss na miss na kita, Kuya. Sabi mo hindi mo kami iiwan..." aniya sa pagitan ng ilang paghikbi.
Hindi niya akalaing may iniwan pala itong regalo para sa kanyang nalalapit na kaarawan. Subalit hindi nito mapapawi ang kalungkutang bumabalot sa kanyang pagkatao dahil hindi na niya ito makakasama pa sa araw na iyon. Hinding-hindi na...
Isang ideya ang namutawi sa kanyang isipan kaya agad niyang binasa ang lahat ng nakasulat sa mga papel na iyon. Sa hinuha niya ay may kinalaman ang nilalaman niyon sa nangyari sa kanyang kapatid.

Sa edad na labing-anim na taong gulang ay tinatamasa na ni Luke Montecristo ang kasikatan bilang isang manunulat. Sa loob lamang ng ilang linggo ay marami nang bumili ng librong kanyang isinulat---ang I Know Who Killed Me, isang makapanindig balahibong kuwento ng mga taong pinatay ng isang serial killer.
Sa kabila ng kanyang biglaang pagsikat, isang paratang ang ibinato sa kanya ng isang mambabasa. Siya raw ay isang plagiarist sapagkat ang isinulat niya ay hango sa orihinal na kuwento ng isang sikat na manunulat noon sa Wattpad, na si Mysterious Eyes.
Paano kaya niya mapapatunayang malaking pagkakamali lamang ang pagpaparatang nito?
Ano ang kaya niyang gawin upang mapatunayang hindi siya isang plagiarist?
Higit sa lahat, sino ang taong nagparatang sa kanya?

Matapos niyang basahin iyon ay napagtanto niyang isa pala iyong putol na kuwento. Nang marating niya ang pinakahuling bahagi niyon ay nabasa niya ang mga salitang ito...

©Mysterious Eyes

Plagiarist I (Published under LIB Dark)Where stories live. Discover now