Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo pang naging bestseller ang I Know Who Killed Me sa iba't ibang bookstore sa bansa. Kaya napagpasyahan ni Mr. De Guzman na muling maglathala ng mga akdang likha ni Luke Montecristo.
Ang kuwentong Love Over Vengeance ang napiling ipasa ni Luke. Agad niyang inaayos ang manuskripto nito gayundin ang ikalawang aklat nitong may pamagat na Eternity. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga ito nang mabasa niya ang isang komento sa I Know Who Killed Me Fan Page.Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Di ba poh sa inyo yung kwentong ETCHORVAKLUSHI???!!! Kase nabasa ko poh yun sa isang website eh. Pero ang alam ko poh eh ibang-iba ang original title nun...
Kaya agad niyang binuksan ang link ng website na sinasabi ng kaibigan niyang si Alyza. Ang www.humorlandia.com.ph/user/anonymous13/etchorvaklushi.
"Ito nga ‘yon," giit niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapatunayan niyang iyon nga ang kanyang orihinal na kuwento. Sa panimula pa lang nito ay mahahalata mo ng iyon ang Huwad na Bulaklak, na isinulat niya noong nakaraang taon.
Ito ay isang kuwentong pantasya tungkol sa pag-ibig ng isang lalaking may pusong babae na si Frodo kay Prinsipe Xerio. Siya ay naging isang ganap na babae, na nagngangalang Diosebel nang malunok niya ang Etchorvaklushi Egg na mula sa pangangalaga ni Hugo, the bat gaymother. Binago lang ang mga pangalan ng ilang mga tauhan, gayundin ang ilang eksena at ilang linya ng pag-uusap ng mga tauhan.
Napabuntung-hininga siya nang makita niya ang pangalan ng taong naglagay nito sa website, si A13. Sigurado siyang ito rin ang taong nagpadala ng email kay Mr. De Guzman tungkol sa paratang sa kanya.
PLINAGIARIZE niya ang kwento mo Luke. - Cez Chiavarone Vongola
Huwad na Bulaklak po talaga ang title nun eh...Ang lupet naman ng plagiarizer na yun! - Ivy Lorraine ReyesSunud-sunod na komento ang nabuo nang makita na rin ng kanyang mga tagahanga ang website na iyon.
Kapal ng mukha ng anonymous_13 na yun ah! Ang lakas ng loob nakawin ang Huwad na Bulaklak mo Luke. - Sydalg Wattpad
PLAGIARIZER KA ANONYMOUS_13!!! - Chelle Buenaventura
Siya ang tunay na PLAGIARIZER, hindi si Kuya Luke!” – Angelika Marie PerezBahagya siyang napangiti nang maisip niyang hindi siya nag-iisa sa labang ito. Maraming tao ang susuporta sa kanya dahil ngayon siya na ang biktima ng plagiarism.
Pero ang ipinagtataka niya ay kung paano nakakuha si Anonymous_13 ng kopya ng Huwad na Bulaklak. Gayong hindi naman siya gumawa at nabigay ng softcopies ng kanyang mga kwento noon sa Wattpad.
"Sabagay sa angas ng technology ngayon, lahat ng gugustuhin mong gawin, p’wedeng-p’wede na kahit pa ikakasama ng ibang tao,” aniya sa sarili.
Sa pagkakataong ito, alam ni Luke na isa lang ang higit na makakatulong sa kanya. Agad niyang tinawagan si Mr. De Guzman upang ipaalam ang nangyari.
"Sige Luke, 'wag kang mag-aalala iti-trace namin ang taong 'yun," pangako sa kanya nito.
"Maraming salamat po, Sir. Sana po ma-delete na 'yung kwentong 'yun sa website," pakiusap niya.
"'Yun ang una naming gagawin iho. Sige makaaasa kang gagawin namin ang lahat," paniniguro nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng katiwasayan dahil sa mga sinabi ni Mr. De Guzman. Dahil dito maayos niyang ipinaalam sa kanyang mga tagasuporta ang magandang balita.'Wag kayong mag-alala gagawin namin ang lahat para mahanap siya. Hayaan n'yo, makakarma rin 'yang Anonymous 13 na ‘yan. Konsensya na niya ang uusig sa kanya...
Kuya Luke, gagawin ko ang best ko para mawala yung k’wento mo sa website na ‘yun. Muli siyang napangiti nang mabasa ang komentong ito ni Eniamreg Acapulco.Thank you talaga, Germaine. Pati na rin sa inyong mga fans ko. Kakayanin ko ang labang ito dahil alam kong susuportahan n'yo ko.
Ngayon ay nakakasiguro na siyang hinding-hindi siya pababayaang maapi ng kanyang mga tagasuporta. Ipaglalaban siya ng mga ito hanggang sa tuluyan ng sumuko si Anonymous_13 sa paggugulo sa kanya.
HINDI naging madali ang paghahanap sa tunay na katauhan sa likod ni Anonymous_13. Pero nakahinga ng maluwag si Luke nang kusang mawala sa Humorlandia website ang kanyang kwento. Alam niyang pansamantala lamang ang pananahimik ni Anonymous_13 kaya itinuon muna niya ang kanyang panahon sa book signing ng kanilang grupo sa iba’t-ibang lugar.
Matapos ang pagbabasa ng isang babaeng estudyante ng unang kabanata ng kwentong I Know Who Killed Me ay isa-isang nagsitayuan ang mga tao upang pumila sa harap ng lamesang kinaroroonan ni Luke.
"Thank you sa pagpunta," magiliw niyang bati sa dalawang dalagitang nauna sa pila.
Habang pinipirmahan niya ang dalawang librong kabibili lamang nila ay matama naman siyang pinagmamasdan ng mga ito.
"Kuya Luke, thank you rin po," bati ng isa sa mga dalagita, "Ako po si Alyza ang number one fan n'yo since Wattpad days n'yo pa,” pagpapakilala nito.
"Talaga, Alyza? Salamat uli sa pagsuporta mo sa'kin hanggang ngayon."
Sabik naman siyang kinukuhanan ng litrato ng isa pang dalagita. "Ang pogi n'yo pala sa personal Kuya Luke," kinikilig pa nitong papuri sa kanya.
"Ang cute pa ng mga mata niya 'di ba, Joy?" usisa pa ni Alyza sa kanyang kaibigan.
"You're right , Aly. Mysterious cute eyes," sagot nito nang maalala ang palayaw niyang Mysterious Eyes.
"Oh tara na, Joy, dami pang nakapila oh," natatawang sagot ni Alyza saka niya hinila si Joy palayo roon, "Bye po, Kuya Luke..." baling naman nito sa kanya bago tuluyang umalis.
"Sige. Salamat uli..."
Isang magkasintahan ang sumunod na humarap sa kanyang mesa. Matapos niyang pirmahan ang librong nabili nila ay bigla siyang hinalikan sa pisngi ng babae.
"Sorry ha, ang cute-cute mo kasi eh," nakangiti pa nitong sabi sa kanya.
Hindi naman niya alam ang isasagot kasi tinitigan siya ng kasintahan nito. Pero nakahinga siya ng maluwag nang magsalita na ito.
"’Dre okay lang 'yon. Crush ka kasi talaga ni Yra," paliwanag nito.
Nagpakuha pa ng larawan ang babae kasama siya bago sila tuluyang umalis.
Gaya ng iba pa niyang mga tagasuporta, nagpahayag din ng paghanga sa kanya ang iba pang pumila sa kanyang pwesto. Ang ilang kakabaihan ay ipinaalala sa kanya ang mga salitang ikinakabit niya sa kanyang username noon sa Wattpad --- Mysterious Eyes. I'm the One behind those mysterious eyes...
Ang ilan pa ay nagbigay sa kanya ng mga fan-arts na mula sa mga larawang inilagay niya sa kanya public Facebook account. Ang account na iyon ay agad niyang ginawa noong maging bahagi siya sa writing contest ng Ink-Visible Quill."KUMUSTA ka na?"
Nagulat si Luke nang muli niyang makita ang babaeng naging bahagi rin ng paligsahang sinalihan niya noon. Siya si Celestina de Leon o Tina na pumukaw sa kanyang atensyon sa una pa lamang nilang pagkikita nito.
"Okay naman ako," matipid niyang sagot dahil sa pananaig ng kanyang hiya kay Tina.
Habang sinusulatan niya ng mensahe ang libro ni Tina ay hindi niya maiwasang mamula dahil tinabihan pa siya nito. Palihim pa niyang sinusulyapan ang maamong mukha nito kaya mas lalo niyang hinangaan ang angking kagandahan nito.
"Thank you sa message mo ha," magiliw na sabi ni Tina na talagang umalingawngaw sa kanyang mga tainga. "Mukhang pangarap na lang na magkaroon ako ng published works," pabiro pa nitong sabi na nahalata agad niyang may pinaghuhugutan.
"Magaling ka Tina, kaya alam kong matutupad mo 'yang pangarap mo," pagpapalakas-loob niyang sagot.
Naisip pa niyang maaari niyang ilapit ang mga gawa ni Tina kay Mr. De Guzman. Tiyak magugustuhan ng kanyang publisher ang mga akda nito gaya ng Is It Wrong to Love You?, Eternal Love, The Rules of Heart, Strange Love, Queen of Erotica at marami pang iba. Sigurado rin siyang walang kahit anong kuwentong likha ni Tina ang hindi maisasali sa mga posibleng mailathala dahil magaling itong manunulat.
"Tina..." Hindi na niya nasabi pa ang mga naisip niya dahil bigla siyang hinawakan nito sa kamay.
"Salamat sa mga sinabi mo, Luke. Sige mauuna na 'ko..."
Hindi pa rin siya nakapagsalita pa habang unti-unting lumalakad palayo si Tina. Kinawayan pa siya nito bago tuluyang umalis. Pero mas lalo siyang napasaya ng mga ngiting nasilayan niya sa maamo nitong mukha. Sigurado siyang nabasa na nito ang huling bahagi ng isinulat niyang maikling mensahe.Eto ang cp# ko: 09258216883. Call or text me...
“Sana makita kitang muli…”
Makalipas pa ang ilang minuto ay mas lalo pang dumami ang mga taong dumating para pagpapirma ng kanyang libro. Habang pumipirma ay napukaw ang kanyang atensyon sa kakaibang tingin ng isang binatilyong nasa hulihan ng pila. Sa palagay niya ay parang may gusto itong sabihin sa kanya. Kaya bahagya siyang ngumiti at tumayo para palapitin ito pero hindi ito natinag sa pagkakatitig sa kanya.
Napabaling ang kanyang atensyon sa mga taong nasa unahan ng pila kaya nang muli niyang sulyapan ang nasabing binatilyo ay wala na ito roon. Namutawi ang pagtataka sa kanyang isipan dahil sa naging presensiya nito. Alam niyang nakita na niya ang binatilyong iyon kaya pilit niyang inalala ang mukha nito.
“Ano kayang gusto niyang sabihin sa ‘kin?” tanong niya sa sarili. Kumunot ang kanyang noo nang mapagtanto niya ang isang hinala, “Hindi kaya siya si Anonymous_13?”Itutuloy...
YOU ARE READING
Plagiarist I (Published under LIB Dark)
Tajemnica / ThrillerBook I - Plagiarist Duology Naranasan mo na bang ma-plagiarize ang kuwentong pinagpaguran mo'ng isulat? Paano kung ikaw ang paratangan niyang plagiarist, ano'ng gagawin mo? Paano mo mapapatunayang ikaw ang orihinal na may gawa nito, na hindi ka i...