Alas sais palang ng umaga nang magkaroon ng mahabang pila sa labas ng SM North Edsa. Lahat ng mga tao ay sabik na sabik na makita ang librong Love Over Vengeance. Syempre lalong-lalo na ang hinahangan nilang manunulat na si Lucas De Dios.
"I'm sure magiging bestseller na naman 'tong Love Over Vengeance," nagagalak na sabi ng dalagitang si Rain habang mahigpit niyang yakap ang librong I Know Who Killed Me.
"Your 101% right sistah, Rain," sang-ayon ng kaibigan niyang si Nathan. "Ang galing talaga ng Fafa Lucas ko 'no?"
Naiinis niyang binatukan si Nathan dahil sa pag-iilusyon nito. "Mag-aagaw ka talaga bakla ka!"
"Sorry much!" inis ring sagot ni Nathan sabay nguso. “'Di ka na mabiro, Sistah,” angal pa nito sa kanya.
“Sa ‘kin lang si Lucas. Akin lang siya,” giit pa niya.
Napatingin sa kanya ang iba pang babaeng nasa pila dahil sa pag-iilusyon din niya.
“Ilusyunadang palaka ka rin pala eh. Haha!” pang-aasar sa kanya ni Nathan.
Hindi na siya sumagot pa. Nanahimik na lang siya dahil sa pagkapahiya.
“Tama na nga 'yan,“ saway ni Crysca sa kanyang mga kaibigang adik na adik kay Lucas De Dios. Napangiti pa siya dahil para sa kanya ay walang kuwenta ang pag-aaway nga mga ito.
Hindi pa niya nababasa ang kuwentong I Know Who Killed Me dahil ayaw niyang magbasa ng mga kuwentong magpapaalala sa kanyang kasintahang pinatay walong buwan na ang nakakaraan.
"Sigurado 'pag nabasa mo na ang Love Over Vengeance, magugustuhan mo na rin si Mysterious Eyes." Napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya inaasahan ang mga sinabing ito ni Rain.
"Oo nga, Sistah Crysca, kasi love story 'to eh," singit pa ni Nathan.
Umiling na lang siya at muli silang nginitian.
“Speaking of love…” ani Rain kaya pare-pareho silang napatingin sa lalaking unti-unting lumalapit sa kanya.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Hiro?” inis niyang tanong sa lalaking iyon.
Hindi siya sinagot ng dati niyang kasintahang si Hiro bagkus ay nginitian lang siya nito na parang nakakaloko.
Gaya niya ang naiinis din ang kanyang mga kaibigan kay Hiro kaya itinulak ito ni Rain ngunit hindi man lang ito natinag.
“Tigilan mo na nga ang Bessie ko,” giit pa ni Rain.
“Kapag ‘di ka pa umalis, jojombagin na talaga kita!” pagbabanta pa ni Nathan.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yong wala ka ng mapapala sa panliligaw sa ‘kin? Kaya tumigil ka na please!” Sa sobrang panggigil niya ay malakas niyang sinampal ang pisngi ni Hiro.
“Siya pa rin pala ang mahal mo. Nakakaawa ka naman…” anito bago tuluyang umalis sa kanilang harapan.
Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha dahil sa mga sinabi ni Hiro. Oo, mahal na mahal pa rin niya ang kanyang ‘lovey’ kahit na hindi na sila magkakasama pa nito. Sa kabila nito, hinding-hindi magbabago ang kanyang nararamdamang pagmamahal dito.
"Papasok na tayo sa loob kaya ayusin n'yo na ang pila n'yo."
Sabay-sabay na silang umayos sa hanay ng kanilang pila nang marinig nila ang malakas na boses ng coordinator ng acitivity center.GANAP NA alas dyis y media ng umaga nang magsimula ang paglulunsad sa Love Over Vengeance. Sinimulan ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga likhang-sining na gawa ni Crisca Jallorina na malaking bahagi ng librong ito.
"Ang galing mo talaga, Idol," papuri pa sa kanya ni Soju na katabi lang niyang nakaupo sa harap ng entablado.
“Oo nga, Ate CJ,” dagdag pa ni Derick na nakaupo rin sa kanilang hanay.
Hindi na nakasagot pa si Crisca dahil sa nabasa niyang mensahe sa kanyang cellphone mula kay Mr. Sibbaluca. Agad siyang tumayo nang makita niyang kinakawayan na siya nito mula sa gilid ng entablado.
Nagulat siya nang malaman niyang wala pa rin si Lucas sa mall. Hindi rin ito makontak kaya pinakiusapan siya ni Mr. Sibbaluca na kailangan muna niyang magsalita sa harap ng mga tao habang inaayos pa nito ang problema.
Nagtaka ang lahat ng mga tao nang bigla siyang umakyat sa entablado. Sapagkat, inaasahan na nilang magsisimula na ang pagpapakita sa pabalat ng librong Love Over Vengeance.
"Good morning sa inyo. Excited na ba kayong makita ang cover ng Love---?"
"AHHHHHH!"
Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw. Kaya halos lahat ng tao ay napatingin sa taong pinanggalingan nito.
"Si Lucas magpapakamatay." Umiiyak na si Rain habang nagsasalita.
Saglit na nangibabaw ang katahimikan dahil sa rebelasyon niyang ito. Kaya agad siyang nilapitan ni Mr. Sibbaluca upang kausapin.
"Totoo ba 'tong sinasabi mo, hija?" tanong nito sa kanya. Hindi na siya nakasagot pa kaya ipinakita na lang niya ang kanyang cellphone.
Nanlaki ang mga mata ni Mr. Sibbaluca nang mabasa nito ang isang mensahe ni Lucas sa pahina ng I Know Who Killed Me.HANDA NA AKONG AMININ ANG MGA KASALANAN KO.
SANA MAPATAWAD N’YO KO. SANA MAINTINDIHAN N’YO ANG GAGAWIN KO…
Hindi ko na kaya pang itago ang katotohanan. Ito lang naisip kong solusyon upang mapagbayaran ang mga kasalanan ko…Hindi na naituloy pa ni Mr. Sibbaluca ang pagbabasa dahil sa pagkakagulo ng mga tao. Nabasa na rin pala nila ang mensaheng ito ni Lucas.
"'Wag kang mag-alala, hindi ito totoo," paliwanag pa nito kay Rain bago ito tuluyang umalis doon.
Mabilis na umakyat si Mr. Sibbaluca sa entablado. "Pakiusap, makinig po kayong lahat sa'kin." Bahagyang tumahimik ang lahat upang mapakinggan siya. "Gusto ko pong malaman n'yo na pawang kasinungalingan lang ang post na iyon sa page. Sigurado akong si Anonymous13 na naman ang may pakana nito. Aalamin namin kung ano man ang motibo niya para gawin ito," pangungumbinsi pa niya sa mga ito.
Nagbulungan ang mga tao dahil halos lahat sila ay napaniwala sa sinabi niya. Pareho-pareho silang galit kay Anonymous13 dahil sa pagpaparatang nito sa kanilang idolo.
“Ang sama talaga ng Anonymous13 na 'yon!” sigaw pa ng ilan sa mga naroon.
Sa kabila nito, hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ni Tina dahil sa pag-aalala kay Lucas. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang telepono nito ngunit hindi niya ito makontak.
"Please Lucas, 'wag na 'wag mong gagawin 'yon. Mahal na mahal pa rin kita," Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon kaya umiyak na siya dahil sa pangangamba.
Gusto niyang malaman ang katotohanan kaya agad siyang tumakbo paalis. Palabas na siya ng mall nang makasalubong niya ang isang binatilyo.
"Nasa huli ang pagsisisi..."
Hindi niya alam kung tama ba ang mga katagang kanyang narinig ngunit sigurado siyang narinig niyang nagsalita ang binatilyong iyon. Hindi na niya pinansin pa ang mga sinabi nito at mabilis siyang sumakay sa isang taxi.
Agad ding sumunod sa kanya sina Soju, Crisca at iba pa dahil alam nilang pipigilan niya ang pagtatangkang pagpapakamatay ni Lucas.HINDI ako ang tunay na Mysterious Eyes...
Muling pinanood ni Lucas ang bidyung ginawa niya ilang minuto na ang nakakalipas. Dito niya isiniwalat ang katotohanang matagal niyang ipinagkait sa isang tao upang makamit ang kanyang pangarap.
"Sorry...ito lang naisip kong kasagutan sa mga problema ko. Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko sa ‘yo. Bilang kabayaran, buhay ko ang magiging kapalit." Iniwan niyang bukas ang kamera ng kanyang laptop, na nakatutok sa isang upuang nasa harap ng kanyang kama."Sana mapatawad n'yo 'ko," aniya bago siya tumayo sa ibabaw ng upuang iyon.
Malaya namang napapanood ng mga taong kasalukuyang bahagi ng isang chatroom ang mga nangyayari sa kanyang kuwarto dahil sa kamerang nakatutok dito mula sa kanyang lumang laptop.
"Mahal na mahal ko po kayo lola...Mama. Patawarin n'yo po ako." Nanginginig niyang isinuot sa kanyang leeg ang makapal na lubid na nakasabit sa harap ng upuang iyon. "Tina, sana hindi magbago ang tingin mo sa 'kin. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko. Mahal na mahal kita..."
Sa huling pagkakataon ay nag-antada siya ng krus at taimtim na nanalangin. "Diyos ko, patawarin N'yo po ako,” aniya habang unti-unti niyang ipinipikit ang kanyang mga mata.
Makalipas ang ilang segundo ay nahigit na ang lubid dahil sa mabigat na puwersang nagmumula sa kanyang nangingisay na katawan."LUCASSS!!!"
Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig pa niya ang sigawan ng mga tao, matapos nilang marahas na buksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Ngunit mas nangingibabaw sa mga sigaw na iyon ang tinig ni Tina na naramdaman niyang agad na yumakap sa kanya. Isang tinig na hindi na niya pagsasawaang marinig…Itutuloy...
YOU ARE READING
Plagiarist I (Published under LIB Dark)
Misterio / SuspensoBook I - Plagiarist Duology Naranasan mo na bang ma-plagiarize ang kuwentong pinagpaguran mo'ng isulat? Paano kung ikaw ang paratangan niyang plagiarist, ano'ng gagawin mo? Paano mo mapapatunayang ikaw ang orihinal na may gawa nito, na hindi ka i...