Panimula

4.5K 93 32
                                    

Ang PLAGIARISM ay ang pag-angkin sa orihinal na gawa ng isang tao, na maaaring kwento, speech at iba pa.

Sa panahon ngayon, malaking isyu ang plagiarism. Sino nga naman ang hindi magagalit kung angkinin ng ibang tao ang isang bagay na pinaghirapan mong gawin. Pinag-alayan mo ng buhay at panahon tapos ay iba ang makikinabang.

Pero paano kung ikaw naman ang maparatangang plagiarist, ano'ng gagawin mo?

Ang ang kaya mong gawin para mapatunayang ikaw ang orihinal na may gawa nito?

Ang kwentong inyong mababasa ay opinyon o obserbasyon ko lang po kung bakit humahantong ang isang tao sa pag-angkin sa gawa ng iba...

----------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Gaya ng iba pang manunulat ( dito sa wattpad o sa ibang site ), naransaan ko na ring ma-plagiarize. Ang kwentong "Huwad na Bulaklak " ay inangkin ng isang FB user at ipinost sa isang page. Binago niya ang pamagat, mga pangalan ng mga tauhan, pero ang kwento ay hango talaga sa aking orihinal na isinulat.

Noong malaman ko ito ay agad kong kinausap ang mga admins ng page. Nagpadala ako ng link kung saan nila mababasa ang orihinal na kwento ng " Huwad na Bulaklak ". Inamin namin nila ang pagkakamaling ginawa nila, dahil sa hindi paghingi ng proof sa plagiarist nito. Kaya agad nilang binura ang nasabing kwento sa page, sa pakiusap ko na rin.

Kaya mula nang mangyari ang insidenteng iyon ay natakot na akong mangyari ito uli. Kaya naman binura ko lahat ng blog account at website kung saan ko ipinost ang mga kwentong ginawa ko. Sa ngayon ay sa Wattpad na lang mababasa ang mga ito. Alam kong kahit dito sa site na 'to ay maaari pa ring maangkin ang mga kwento ko, pero siguro Diyos na lang ang bahala sa kanila. Karma ang magiging kapalit ng kamaliang ginagawa nila.

Kaya mula ng magsulat ako dito sa Wattpad ay hindi ako nagbibigay o gumagawa ng softcopies. Kahit alam kong wala pa sa kalingkingan ng mga sikat na manunulat ang mga akdang ginawa ko, masakit pa ring yung "manakawan" di ba? Kaya mas maganda ng mag-iingat.

©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro

Plagiarist I (Published under LIB Dark)Where stories live. Discover now