Kapitulo VIII - 'Oh My Xerio!'

589 23 4
                                    

PLAGIARIZER: Lucas De Dios
Hindi siya ang totoong taong nasa likod ng pangalang Mysterious Eyes. Inangkin lang niya ang kwentong I Know Who Killed Me gayundin ang ilang pang kwentong isinulat ng taong iyon. ‘Wag kayong magpaloko sa kanya, kahit pa napaniwala niya ang Ink-Visible Quill Publishing House.
Anonymous13

Sa loob ng ilang segundo ay kumalat na ang mensaheng ito sa internet. Kaagad na nagkaroon ng malawakang usapan sa iba't ibang social networking site kung may katotohanang nga ba ang paratang na ito kay Lucas De Dios.
Nang malaman ni Mr. Sibbaluca ang tungkol rito ay agad siyang ipinatawag nito.
"Alam kong nabalitaan mo na ang pagkalat ng mga paninira sa 'yo ni Anonymous13, kaya gusto kong ipaalam sa 'yo na gagawin namin ang lahat upang mahanap ang taong iyon." 
"Maraming salamat po, Sir." Nanatili siyang nakayuko habang kinakausap nito dahil inililihim niya ang pangigigil kay Anonymous13 na unti-unti na namang sumisira sa kanyang pangarap. "Sana mahanap n'yo na po siya agad para matahimik na ang loob ko." Pinilit niyang magpakahinahon habang nakikiusap kay Mr. Sibbaluca kahit pa nangingibabaw na ang galit sa kanyang sistema.
"Ipinapangako ko, Lucas," sinsirong sagot ni Mr. Sibbaluca. "Ipapaalam agad namin sa 'yo kapag nahanap na namin siya. ‘Wag kang mag-alala dahil pananagutan niya ang mga ginagawa niya," paliwanag pa nito.
Nag-angat na siya ng ulo nang marinig ang ipinangako nito. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng dibdib dahil alam niyang marami siyang kakampi sa labang ito.
"Maraming salamat po talaga, Sir Hanz. Sa inyo ko po utang ang katuparan ng pangarap kong maging isang ganap na manunulat."
"Ano ka ba, likas ang talentong taglay mo kaya malayo pa ang mararating mo. Ang mga nangyayari ngayon ay isa lamang sa mga magiging hadlang kaya 'wag na 'wag kang susuko Lucas." Nginitian pa siya ni Mr. Sibbaluca habang ihinalalahad ang kamay nito sa kanya, na agad naman niyang pinaulakan. "'Wag ka ring mag-alala dahil kasama mo ako sa pagharap sa mga ito."
Bahagya rin siyang ngumiti dahil pakiramdaman niya nagkaroon siya ng isang ama sa katauhan ni Mr. Sibbaluca. "'Di ko na po alam kung paano ko kayo mapapasalamatan." 
"Wala 'yon, Lucas dahil parang anak na rin ang turing ko sa ‘yo, sa lahat ng manunulat na bahagi ng pamilyang ito." Mas lalo siyang nakaramdam ng katiwasayan dahil sa yakap nito. 
P’wede ko po kayong tawaging Papa?, aniya sa sarili ngunit hindi na niya naisatinig dahil sa hiya kay Mr. Sibbaluca. Para sa kanya, ito na ang amang kanyang pinapangarap na magkaroon noon pa.
“Kaya kung gusto mo o ng mga kasama mo, p’wede n’yo ‘kong tawaging Papa,” anito na hindi niya akalaing sasabihin nito.
“Maraming salamat po sa lahat, Papa.” Napangiti pa siya nang marinig niya ang mga sinabi nito.
Isang matingkad na ngiti rin ang isinukli ng kanyang ‘ama’.

ILANG araw ang lumipas ngunit hindi pa rin matukoy nina Mr. Sibbaluca kung sino nga ba si Anonymous13. Sapagkat iba't ibang IP Address ang ginagamit nito sa pagpapakalat ng mga mapanirang mensahe tungkol kay Lucas.
Pansamantalang nakakalimutan ni Lucas ang kanyang mga pinagdadaanang problema kapag nakakasama at nakakausap niya ang iba pang nagwagi sa writing contest. Lalo na si Tina na higit niyang nakapalagayan ng loob mula nang magkausap sila sa pamamagitan ng text messages. Sa unang pagkakataon ay masasabi na niyang nagkaroon siya ng mga tunay na kaibigan sa kanilang mga katauhan.

PALIHIM na napangiti si Lucas habang pinagmamasdan si Tina na kumakain ng paborito nitong Chocolate Croisant.
"Ba't wala pa sila? Mag-aalas dos y media na..." Napaharap siya sa kanyang pagkain nang bigla na lang siyang balingan ng tingin nito. 
"'Di pa naman sila masyadong late eh," sagot niya sabay tingin sa kanyang relo. “Nagtext din si Soju, na malapit na daw sila rito,” dagdag pa niya.
“Okay,” sagot ni Tina.
Napagpasyahan ng kanilang grupo na magkita dito sa SM Mall of Asia Starbucks ngayong araw upang mamasyal ngunit silang dalawa pa lang ni Tina ang nakarating. Ngunit ang totoo ay nakausap na niya ang kanyang mga kasama na huwag ng pumunta para magkaroon sila ng espesyal na oras. Agad namang pumayag ang mga ito nang sabihin niya ang kanyang mga plano. Pinayuhan pa siya ni Soju ng mga dapat niyang gawin upang mas lalo siyang magustuhan ni Tina. Botong-boto talaga ito sa kanya para kay Tina.
Nang matapos kumain ay napagpasyahan ni Tina na magbukas ng kanyang laptop upang hindi mainip sa paghihintay sa kanilang mga kaibigan.
"Uy Lucas, tingnan mo 'to oh." Naihinto niya ang pag-inom sa kanyang Iced Hazelnut Macchiato nang marinig niya ang sinabi nito. 
"Ano'ng meron?" Ihinarap ni Tina ang laptop nito sa kanya kaya agad niyang nakita ang isang mensahe sa Facebook page ng Ink-Visible Quill Publishing House. 
"May nag-plagiarize raw sa isang k’wento mo eh. Kaya agad kong pinuntahan ang website na 'yun," sagot nito at ipinakita pa sa kanya ang nasabing website.
Matama niyang binasa ang kuwentong may pamagat na Oh My Xerio! sa W5 (We Write What We Want). Ilang talata pa lamang ang kanyang nababasa ngunit napatunayan agad niyang ito nga ang kuwentong kanyang pagmamay-ari.
"Ito nga ang Huwad na Bulaklak," pagpapatunay niya.
"Ang kapal ng mukha ng taong 'yan ah," inis na sabi ni Tina habang matama pang sinusuri ang kwentong iyon. "Eh kahapon lang pala 'to pinost eh. Sigurado akong si Anonymous 13 na naman ang may pakana nito. Nagtatago lang siya sa pangalang DarkAngel13," paniniguro nito.
"Gagawin talaga niya ang lahat para mapabagsak ako," giit niya habang nakakuyom ang kanyang kanang kamao. “Ano ba’ng mapapala niya sa panggugulo sa ‘kin?” dagdag pa niya.
"'Wag kang mag-alala, ipaglalaban naming mga fans mo ang k’wentong 'to. Gegyerahin namin siya para i-delete niya 'to," natatawang sagot sa kanya ni Tina sabay sara ng laptop nito.
"Salamat ha." Napangiti siya dahil sa kayang gawin nito para sa kanya. Ano pa kayang posibleng gawin ni Tina para sa kanya? "Kayo talaga ang mga kakampi ko."
"S’yempre ikaw pa. Kapag ako nagawan din ng ganito, 'di ba tutulungan mo rin ako?" balik-tanong nito sa kanya.
"Oo naman. Gagawin ko ang lahat para...." Napahinto siya sa pagsasalita nang mapatitig si Tina sa kanyang mga mata. Kaya huminga muna siya ng malalim upang makapagpatuloy, "Gagawin ko ang lahat kasi espesyal ka sa buhay ko, Tina," sinsero niyang sagot.
Hindi agad nakapagsalita si Tina ngunit sigurado siyang nararamdaman nitong may malalim na pinaghuhugutan ang binitawan niyang mga salita.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kapwa sila napayuko habang naghihintayan sa sasabihin ng bawat isa. Nabasag lamang iyon nang marinig ni Tina ang pagtunog ng kanyang cellphone.
"Sorry ha, kailangan ko ng umuwi." Agad niyang napansin ang kalungkutang nangibabaw sa mukha ni Tina matapos nitong basahin ang natanggap nitong mensahe.
"Bakit? Ano’ng nangyari?" 
"Si Kuya Xander kasi isinugod sa ospital." Nangilid agad ang luha ni Tina kaya naisip niyang napakasensitibo ng pangyayaring iyon. “Kailangan ko ng umuwi, Lucas,” pamamaalam na nito sa kanya.
Agad silang umalis ng Starbucks at nagmamadaling naglakad papunta sa terminal ng bus patungong Imus, Cavite.
"'Wag kang mag-alala magiging okay rin siya." Pilit pa niyang pinakalma si Tina bago ito tuluyang sumakay ng bus. "Mag-text ka ha kapag nakarating ka---."  Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ng mahigpit nito.
"Maraming salamat sa 'yo, Lucas. Sige aalis na 'ko. Ingat ka pauwi ha," sagot nito matapos bumitaw sa kanyang mga bisig.
"Ingat ka rin." 
Nanatili siyang nakatayo sa harap ng terminal habang unti-unting lumalayo ang bus. 
"'Wag kang mag-alala, Tina kapag nahanap ko na si Anonymous 13... Sasabihin ko sa 'yo ang lahat ng mga kasalanang nagawa ko."
Nang tuluyan ng makaalis ang bus na lulan si Tina ay tumawid na siya sa kabilang kalye. Saglit siyang nagtago sa isang maliit na eskinita roon. Matapos makapagpalit ng damit ay agad siyang pumasok sa isang maliit na establisyimentong ilang hakbang lamang mula roon.

NAPANGISI si Lucas nang makita niya ang napakaraming negatibong komento sa kuwentong Oh My Xerio!
"Sige lang paulanan n'yo ng comments ang account na 'to pero ‘di n'yo ’ko makikilala," giit niya.
Hindi nga naman malalaman ng kanyang mga tagasuporta ang totoong taong nasa likod ni DarkAngel13 dahil siya ang nasa likod nito. Siya mismo ang nag-plagiarize sa kanyang sariling kuwento upang makakuha ng simpatya sa kanyang mga tagasuporta. Napatunayan na niya ito kanina dahil sa naging reaksyon ni Tina nang malaman nitong siya na ay biktima ng plagiarism.
Desperado na siya kaya siya nagpapanggap bilang si Anonymous13. Ito ang tanging naisip niyang paraan upang mapigilan ang unti-unting pagguho ng kanyang pangarap.
"Hindi ka nila paniniwalaan kapag sinabi mo'ng hindi ikaw si DarkAngel13," aniya na parang kaharap lang niya si Anonymous13.
Ito na ang simula ng kanyang pakikipaglaban kaya gagawin niyang lahat upang malaman kung sino ba talaga ang taong gustong magsawak ng kanyang pangarap.
"Sisiguraduhin ko'ng magsisisi ka sa ginagawa mo." 
Ito na ba ang alas mo laban sa 'kin? Hahahahaha!
Gigil niyang pinindot ang 'enter' nang makita na niya ang pinahihintay niyang mensahe.
"'Wag kang mag-alala dahil nagsisimula pa lang laban." Sa kabila ng kanyang panggigigil ay pinigilan niyang sagutin ang mensaheng iyon ni Anonymous13 dahil baka makahalata ang kanyang mga tagasuporta.
Sisirain ko ang pangarap mo Lucas De Dios!
Bagkus ay lalo pa niyang pinasama ang tingin ng tao kay Anonymous13 sa patuloy na paglalagay ng mga mapanirang komento.
Papatunayan ko sa kanilang lahat na isa kang plagiarizer!
Hindi na sinagot pa ni Anonymous13 ang kanyang mga mensahe kaya mas lalo siyang natuwa sa pagsakay nito sa kanyang mga plano. Alam niyang hinahayaan lang siya nitong gawin ang gusto niya para sa huli mas madali nitong masisira ang kanyang pangalan ngunit hinding-hindi niya hayayaang magtagumpay ito.
Hindi rin siya natatakot na mahuli ni Mr. Sibbaluca dahil kapag nagpapanggap siya bilang si Anonymous13 ay sa iba'tibang computer shop sa iba't-ibang lugar siya nag-o-online. 
Lingid sa kaalaman ni Lucas, naroon din sa establisyimentong iyon si Anonymous13. Halos magkatapat lamang ang kanilang mga upuan kaya kitang-kita niya ang lahat ng ginagawa ni Lucas.
Nakakaawa ka, Lucas. Desperado ka na talagang linisin ang pangalan mo, aniya sa sarili habang nakatitig sa repleksyon ni Lucas mula sa monitor ng nirerentahan niyang computer. Kahit ano’ng gawin mo, hinding-hindi mo ‘ko mahuhuli. Sisiguraduhin kong masisira ko ang buhay mo, giit pa niya.
Walang kaalam-alam si Lucas na ilang beses na silang nagkatagpo. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili na harapin si Lucas upang maipagpatuloy niya ang pagpapatunay na isang itong plagiarizer.
Agad na tumayo si Lucas nang marinig niya ang pag-alarma ng computer na kanyang ginamit. Lumapit siya sa tagapagbantay upang magbayad ng sapat na halaga. Nasa labas na siya ng establisyimentong iyon nang mapansin niyang sinundan siya ng tingin ng mga taong naroroon. Kabilang sa mga ito ang taong katapat ng upuan niya kanina, na napansin niyang ilang beses siyang nilingon. Siguro naman ay hindi siya nakilala ng mga tao roon. Kung makilala man siya ay hindi naman nila malalaman ang kanyang malaking sikreto.
Nang makasakay na siya ng taxi ay agad niyang hinubad ang kanyang suot na bonnet at itim na jacket. Hindi na niya inalis ang kanyang shade upang hindi pa rin makilala ng drayber nito.
Gamit ang kanyang cellphone ay muli niyang binuksan ang kanyang Facebook account. Napahalakhak siya nang makita niya ang napakaraming mensahe mula sa kanyang mga tagasuporta.

Ang kapal ng mukha ng Anonymous13 na ‘yun. I-bully natin siya! HAHAHA! – Elle Strange
‘Wag kang susuko Lucas. Mabubunyag din ang katotohanan. – Joy Ivashkov Coronel
Ipaglalaban ka namin, Mysterious Eyes! – Emmanuel Song
Bro, gusto mo bang burahin na natin siya sa mundo? Papatira natin siya kay Helena. Haha! – Emmanuel Priel

Kung sino ka man Anonymous13, alam kong pareho lang tayo ng paraan ng pagtatago pero sisiguraduhin kong mahuhuli kita, pangako pa niya sa kanyang sarili. 

Itutuloy...

Plagiarist I (Published under LIB Dark)Where stories live. Discover now