Kapitulo V - I Know Who Killed Me

872 30 16
                                    

Dahan-dahang iminulat ng binatilyong si Lucas ang kanyang mga mata nang maulinigan niya ang isang musika. Na nasisiguro niyang mula sa kanyang telepono kaya naisip niyang bumangon na para hanapin ito.
"Ano'ng nangyayari???" Ngunit hindi na niya nagawa pang makakilos sa kadahilanang hindi niya mawari. Pakiramdam niya ay mistulang may mga taling nakagapos sa kanyang buong katawan.
Pinilit niyang makawala ngunit mas lalo lang iyong humihigpit. "Ano ba 'to---" Hindi na rin niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa pagbusal ng isang kamay sa kanyang bibig.
'Sino ka?! Pakawalan mo 'ko!' Ito ang mga salitang nais niyang isatinig ngunit hindi niya magawa kaya iginiya na lang niya ang kanyang mga ngipin upang makagat ang kamay nito.
Muli na naman niyang narinig ang pagtunog ang kanyang telepono kasabay nito ang biglang paglukob ng kadiliman sa kanyang kapaligiran.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Pansamantalang itinigil ng binatilyong si Lucas ang kanyang pagtitipa nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone.
"Good morning, Lucas." Isang malumanay na boses ng isang babae ang unang nagsalita sa kabilang linya.
"Good morning din po, Miss Angela," magalang niyang sagot.
"Okay, Hijo. Pinatawag ako ni Sir Hanz para sabihing kailangan mong pumunta rito sa office sa lalong madaling panahon. May importang bagay siyang sasabihin sa 'yo."
Ilang beses siyang napalunok dahil sa mga sinabi ni Miss Angela, ang editor-in-chief ng Ink-Visible Quill Publishing House. Hindi rin siyang agad nakapagsalita dahil sa sobrang pagtataka.
"Hello, Lucas nandyan---"
"Sige pupunta po ako mamayang hapon," bigla niyang sagot bago pa matapos ang sasabihin nito.
"Okay. Available si Sir Hanz mamayang two o'clock ng hapon."
"Thank you po, Miss A."
"Hihintayin ka namin, Lucas. Bye."
Hindi na niya naituloy ang kanyang pagtitipa dahil sa pamumutawi sa kanyang isipan ng mga importanteng bagay na posibleng sabihin ng kanyang publisher na si Mr. Hanzel Sibbaluca.
"Siguradong may kinalaman 'yon sa I Know Who Killed Me..." aniya sa sarili habang nakatitig sa kanyang laptop.
Limang buwan na ang nakakaraan nang mapabilang ang akda niyang may pamagat na I Know Who Killed Me sa mga nagwaging kuwento sa paligsahan sa pagsulat na isinagawa ng Ink-Visible Quill Publishing House. Bilang pagdiriwang ng kanilang ikatlong taon sa industriya, ang pangunahing premyo sa paligsahan iyon ay ang mailathala bilang isang ganap na aklat ang mga akdang nanalo. Kabilang na ang sampung libong piso at isang pagsasanay sa pagsulat na ituturo ng sikat na manunulat ng bansa na si Mr. Dindo Mutia Mingo, na kilala sa sagisag na pangalang OgnimAitumOdnid.
Nang araw na inanunsyo ng Ink-Visible Quill Publishing House ang mga nanalo sa pamamagitan ng isang email ay halos hindi siya nakatulog sa sobrang kasabikan na mahawakan ang unang kopya ng kanyang libro. Hindi siya makapaniwalang sa edad niyang labing-anim na taong gulang ay matutupad na ang pangarap niyang maging isang ganap na manunulat.
Tatlong buwan o higit pa ang kailangang igugol bago mailathala ang kanyang libro, kaya naman ibinuhos niya ang kanyang atensyon sa pagsasanay sa pagsusulat. Kung saan napalawig ang kanyang kaalaman dahil sa angking husay ng manunulat na si OgnimAitumOdnid.
Ngayong halos isang linggo na lang ang nalalabi sa kanyang paghihintay ay hindi niya maiwasang kabahan sa importanteng sasabihin ni Mr. Sibbaluca.

MAAGANG umalis si Lucas sa kanilang bahay dahil sa pananabik niyang makausap si Mr. Sibbaluca. Hindi na rin siya nakapagpaalam pa sa kanyang Lola Matilda sapagkat kasalukuyan itong natutulog. Kaya naghabilin na lang siya sa kanilang katulong na sabihin dito na babalik siya kaagad.
Habang lulan ng MRT ay inaliw niya ang kanyang sarili sa biyahe sa pamamagitan ng pagtingin sa mga komento ng iba't ibang tao sa Facebook page ng Ink-Visible Quill Publishing House.
"Sana magkita-kita kami ng personal ng mga writers na nanalo. Lalo na si Cristina..."
Bahagya pa siyang napangiti nang muli niyang tingnan ang isang larawan kung saan nakalagay ang kompletong listahan ng mga nanalong akda.

Ink-Visible Quill Publishing House
3rd Annual Writing Contest Winners

*Forlorn Madness - Crisca Jallorina
*Is It Wrong To Love You? - Cristina De Leon
*Apollon's Secret - Christian John Ceresola Bueza
*School Trip - Soju
*Turning Pirates - Cez Chiavarone Vongola
*Red Moon - Azulan / Levy De Vega
*Soulmates Forever - Miguelito
*As I Lay Dying - Larcan
*Twin Magical Accessories - Derick Sarabia
*Become an Angel No. 5254 - Germaine Acapulco
*Notus Certanus - Yoomee
*Heaven - Mervin Canta
*I Know Who Killed Me - Lucas De Dios

Plagiarist I (Published under LIB Dark)Where stories live. Discover now