Para akong nanonood ng movie habang nagbabasa nito. Galing mo talaga, Lucas!
OMG! Nakakatakot! Nakakaawa 'yung pitong pinatay ng serial killer.
I think they deserved to die, kasi hinayaan din naman nilang mamatay si Vlad.
I KNOW WHO KILLED ME was SO SCARY!
Hindi ako makatulog ng maayos simula nang basahin ko ang IKWKM...Napangiti ang binatilyong si Luke Montecristo nang mabasa niya ang mga komento sa kanyang Facebook fan page tungkol sa libro niyang may pamagat na I Know Who Killed Me.
"Buti nagustuhan n'yo..." bulong pa niya sa kanyang sarili.
Halos magtatatlong araw pa lamang mula nang mailathala ang kanyang libro ngunit marami na ang nakapansin at pumuri rito. Sa katunayan nga, ayon sa may-ari ng Ink-Visible Quill Publishing House, na si Mr. Hanzel De Guzman ay balak na nilang mag-imprenta ng susunod na lathala nito dahil pagiging bestseller nito sa iba't ibang mga bookstore.Luke Montecristo, isa kang MAGNANAKAW! PLAGIARIST! PLAGIARIST!
Kumunot ang kanyang noo nang biglang mag-pop-up o lumitaw sa monitor ang isang notipikasyon tungkol sa isang bagong komento.
"Ang galing mo namang magbintang," nanggigil niyang sabi.Mahiya ka naman! Ginaya mo lang k'wentong ito sa sikat na Wattpad writer na si mysterious_eyes.
Mas lalong uminit ang kanyang ulo nang mabasa niya ang ikalawang komento ng taong iyon.
"Mysterious Eyes? Sino ba siya sa akala mo?!" sigaw niya.
Gusto man niyang sagutin ang mga komento nito ngunit mas pinili na lang niyang manahimik. Hindi niya sasakyan ang paratang ng taong iyon dahil hinding-hindi niya hahayaang unti-unti nitong sirain ang kanyang mga pangarap.
Napabalikwas siya sa pagkakahiga nang marinig niyang may tumatawag sa kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag na iyon mula sa editor-in-chief ng Ink-Visible Quill Publishing House.
"Good morning po, Miss Agatha," pagbati niya rito.
"Good morning din, Hijo."
"Bakit po kayo napatawag? May problema po ba?" pag-usisa niya.
"Gusto kang makausap ni Sir Hanz tungkol sa isang mahalagang bagay," paliwanag nito sa kanya.
Hindi agad siya nakasagot nang marinig niya ang mga sinabi ni Miss Agatha dahil biglang pumasok sa isip niya ang pagpaparatang na isa siyang plagiarist
"P'wede ko po bang malaman kung tungkol saan 'yon?" Inaasam niyang malaman na ang tungkol doon upang maihanda niya ang kanyang sarili.
"Sorry, Luke pero confedential 'yon kaya gusto niyang makausap ka ng personal. Pumunta ka raw dito sa publishing house mamayang hapon," paliwanag muli sa kanya ni Miss Agatha.
Napalunok na lang siyang upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. "Okay po, naiintindihan ko. Pakisabi na lang po kay Sir Hanz na pupunta ako ng alas dos ng hapon," sagot niya sa kabila ng pag-aalala tungkol sa bagay na iyon.
"Okay. Thank you, Hijo. Bye."
Agad niyang ibinaba ang kanyang cellphone matapos niyang marinig ang mga huling sinabi ni Miss Agatha. Muli niyang binalingan ang kanyang laptop, ngunit naisara niya ito agad nang mapansin niyang marami ng mga komento tungkol sa pag-aakusa sa kanya bilang isang plagiarizer.
"Tingnan natin kung sino ang plagiarist," gigil niyang sabi habang nakakuyom ang kanyang kanang kamao. "Hindi ako papayag na masira ang pangarap ko dahil sa mga walang-kwentang paratang n'yo. Mapapatunayan ko ring hindi ako magnanakaw," giit pa niya sa kanyang sarili.HINDI na nawala sa isip ni Luke ang pag-aakusa sa kanya bilang isang plagiarizer. Kaya naman habang nasa biyahe ay naalala niya ang mga pinagdaanan niyang hirap bago naging isang ganap na libro ang kanyang obra maestra.
Halos anim na buwan na ang nakakaraan nang magkaroon ng isang writing contest ang Ink-Visible Quill Publishing House bilang handog sa mga tumatangkilik sa kanila at upang ipagdiwang din ang kanilang ikatlong anibersaryo sa industriya.
Sa libo-libong sumali sa paligsahang iyon, bukod tanging isang akda ang nagwagi sa kategoryang katatakutan. Iyon ang kuwentong I Know Who Killed Me, na isinulat lamang niya sa loob ng mahigit dalawang linggo. Ito ay binubuo lamang ng labintatlong kapitulo, prologo at epilogo.
Isa sa mga pumuri sa kanyang akda ay si Xerun Salmirro na isang sikat na manunulat at isa rin sa mga hurado sa naganap na paligsahan. Isa ito sa mga idolo niya sa larangan ng pagsusulat, kaya mayroon siya ng dalawang sikat na librong isinulat nito ang; My One and Only Angel at Shining Princess.
Mas lalo siyang naging masaya nang araw na mailathala ang kanyang sariling libro nang sulatan pa ni Xerun Salmirro ng mensahe ang unang librong naimprenta ng publishing house.
YOU ARE READING
Plagiarist I (Published under LIB Dark)
Misteri / ThrillerBook I - Plagiarist Duology Naranasan mo na bang ma-plagiarize ang kuwentong pinagpaguran mo'ng isulat? Paano kung ikaw ang paratangan niyang plagiarist, ano'ng gagawin mo? Paano mo mapapatunayang ikaw ang orihinal na may gawa nito, na hindi ka i...