Her Pov
"Elli..Baby wake up,gising na Elli"
Naalimpungatan ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko pero hindi parin ako nagdilat.Urgh!Inaantok pa ako.Istorbo naman yan oh.
"Elli?Gising na baby.."
Baby mo mukha mo!Sino ba 'to?Sleep wrecker!
Napipilitang idinilat ko nalang yung mata ko.Pagkadilat ko ay agad na bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ng abnormal na si KC.Hay...napakagandang tanawin.Psh,erase!Sinira ng isip bata nayan ang tulog mo!
Naaaburidong tumingin ako sa kanya nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko.
"Inaantok pa ako,panira ka talaga ng tulog eh",medyo paos na sabi ko.Naupo naman ako galing sa pagkakahiga at ganun din ang ginawa niya.Ngayon ay parehas na kaming nakaupo sa kama.
"Hmm.Elli?",wala akong naging response.Kapag bagong gising ako ay wala ako sa wisyo,aburido at tamad magsalita kasi naglo-loading pa ang utak ko.Mga kinse minutos na paglo-loading bago ako bumalik sa katinuan."Elli are you mad?"
"Hindi ako mad,galit lang",walang ganang sabi ko.Napanguso naman ito sa sinabi ko.
"Elli sorry kaya lang naman kita ginising kasi nagugutom na ako eh",kusang kumunot ang noo ko.Parang naiinis ako na ewan dahil sa pagiging isip bata nito.Parang gusto kong kurutin ang nguso nito na tumulis nanaman.
"Nasa akin ba ang pagkain?Edi pumunta ka ng canteen",inis na sabi ko dito.Ewan ko,feeling ko uminit ang ulo ko bigla,sa pagkakaalam ko ay wala naman ako ngayon.If you know what I mean.
Nabitin kasi ako sa pagtulog eh!
"O-okay ako nalang ang pupunta",nakayukong sabi nito.Nagsimula na itong bumaba ng kama habang ako naman ay nakatingin lang rito.
Nakonsensya naman ako dahil sa mga sinabi ko kanina.Gusto lang naman nito kumain pero sininghalan ko pa.Hayst
"Wait lang!Sabay na tayo,nagugutom narin ako",sabi ko.Bumaba rin ako ng kama at pumantay sa kanya."Ano..hmm sorry kanina",iwas-tinging sabi ko.Ewan ko ulit,parang bigla akong nahiya sa kanya.Nang tumingin ako uli sa kanya ay nakangiti na ito ng malaki.Ok!Back to abnormal mode.
"Tara na!",masiglang sabi nito at hinila ako palabas ng clinic.
Psh!
---------
"TEKA nga,ok na ba pakiramdam mo?Dapat pala hindi muna tayo lumabas ng clinic,dapat ako nalang pala yung pinabili mo ng pagkain.Baka mabinat ka!",nag-aalalang angil ko rito.Ngayon ko lang uli naalala na may sakit pala ang isang 'to.
"Hmm wala na ako sakit.Galing na ako",ngusong sabi nito bago muling bumalik sa pagkain.Aish ang tigas talaga ng ulo niya.Napailing nalang ako bago ipagpatuloy ang paglamon.Basta kapag nabinat siya ay huwag niya akong iistorbohin.
Habang kumakain ay nahagip ng mata ko si Eunice,may hawak itong tray na may lamang pagkain at mukhang naghahanap ng bakanteng upuan kasi medyo punuan ngayon ang canteen eh.Si Eunice ang kaklase ko na gustong makipagkaibigan sakin,mga ilang weeks na ang nakalipas matapos niya akong kausapin at masasabi kong mabait naman ito.Siguro,makakasundo namin ito ni KC.
"Eunice!",tawag pansin ko rito.Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin sakin si KC.Napalinga-linga naman ang babae at mukhang hinahanap kung sino ang tumawag sa kanya hanggang sa madako ang mata niya sakin.Nakangiting winagayway ko ang kamay ko sign na inaaya ko siyang maki-share ng table sa amin.Nakangiting naglakad naman ito papunta sa amin.Nasabi ko narin bang napakaganda niya?Haha,kung makikita lang ito ni KC ay siguradong magagandahan siya rito.
YOU ARE READING
My Psycho-Childish Bestfriend
Teen FictionWhat will you do if you've given a chance to have a boy-bestfriend but childish.Ellice Andrada have a bestfriend named Kaicel Angelo Lewis a certified handsome and hot bestfriend but childish she have that always gives her a migraine and even though...