CHAPTER 14

1.1K 35 0
                                    

Ellice Pov

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.Naghahanap ako ng emosyon na pwede kong maramdaman pero wala akong mahanap.Naghahalo-halo ang emosyon ko na halos hindi ko na maintindihan kung ano ito.

Napatingin ako sa direksyon ni KC at napasinghap ako nang makitang nakatingin rin ito sa akin ng mariin na para bang kapag inaalis niya ang tingin sa akin ay mawawala ako.

Kasalukuyan siyang ginagamot ng nurse ngayon,nilalagyan ng bandage ang kanang bahagi ng leeg niya.Napasugod rin dito sa school clinic ang mama niya at ilan sa mga kapatid niya.Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nila kay KC dahil hanggang sa akin ay umaabot iyon.

Kanina pa ako tinatanong ng mama niya kung anong nangyari pero wala akong maisagot,hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat kong sabihin.

"Ate Ellice,ano ba talaga ang nangyari?",napatingin ako kay Kendra nang siya naman ang magtanong sa akin ngunit katulad kanina ay hindi ako nakapagsalita.Si Denver ang laging nagsasalita para sa akin.

"Kendra,huwag muna na natin siyang tanungin.She's too occupied right now..",sagot ni Denver,napatingin naman sa akin si Kendra at napatango-tango.

Napatingin uli ako kay KC.

Masasabi kong kalmado na ito ngayon,tahimik lang ito at mariing nakatitig sa akin.Ganun din ako sa kanya..

KC..

Kapag naaalala ko kung paano niya itinutok ang kutsilyo na'yun sa leeg niya,nanghihinaako,natatakot ako at parang gusto ko nanamang umiyak.

Hindi ko akalain na aabot sa puntong ganun..hindi pa nga ako nakakaget-over tungkol sa pagpatay niya kay Carie tapos ngayon dumagdag pa na gusto na niyang patayin ang sarili niya.Dahil kanino?..dahil sakin.

Dahil sa'kin kaya niya pinatay si Carie..

At dahil ulit sa akin kung bakit gusto niyang patayin ang sarili niya.

Kasalanan ko ito,kasalanan ko lahat.

Wala akong magandang naidudulot.

Nagkaganito si KC dahil sa akin,nagawa niyang pumatay dahil lang nasasaktan ako.Pinatay ang taong nakasakit sa akin at ngayon..gusto niya ring patayin ang sarili niya dahil alam niyang nasaktan niya ako.

KC,ano bang nangyari sa iyo?Bakit nagkaganyan ka?O baka naman..ganyan ka talaga.Talaga bang marami pa akong hindi alam sa'yo?Ano ka ba talaga? At..

Sino ka ba talaga?

"Elli.."

Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang malamyos na pagtawag nito sa aking pangalan.Nag-aalalang nakatingin ito sa akin.

"Don't cry please..",napahawak ako sa pisngi ako dahil sa sinabi niya...at tama nga siya,umiiyak nga ako.Umiiyak nanaman ako..nang hindi ko namamalayan.

Bigla akong napatayo sa sofa nang makitang gusto nitong bumaba mula sa hospital bed kaya mabilis ko ng pinunasan ang luha ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.

"Shh huwag kang malikot diyan,mahiga kalang.Okay lang ako,hindi na ako iiyak..",sabi ko rito.Agad naman itong sumunod sa sinabi ko,nahiga lang siya ngunit nanatili ang tingin nito sa akin.Nagsusumamo ang mga mata nito habang nakatanaw sa akin ngunit pinanatili ko ang distansya namin sa isa't-isa.

"Elli come here please..",sabi niya habang nakatingin sa akin."Come near me.I want to hug you..",nagsusumamo nitong sabi.Paano ko pa magagawa ang sinasabi kong 'space' na kailangan ko kung ganito siya? 

Napabuntong hininga nalang ako at unti-unting lumapit sa kanya.Hindi ko nanaman siya matiis.

Nang makalapit ako sa gilid niya ay siyang ring pagbangon nito mula sa pagkakahiga,agad nitong hinawakan ang mukha ko,napapikit naman ako dahil doon.Akala ko kung ano nang gagawin niya..hahalikan lang pala ako sa noo..ng paulit-ulit.

My Psycho-Childish BestfriendWhere stories live. Discover now