CHAPTER 11

1K 31 3
                                    

Ellice Pov

Pagkagising ko ay bumungad agad sa akin ang napakagwapo at nakangising mukha ni KC.

Nginitian ko naman siya.

"Good morning..",nakangiting bati ko.Hay ang ganda naman ng bungad ng umaga ko.

"Good morning Elli..come on let's eat.I cooked some breakfast for the both of us..",sabi nito at hinaplos-haplos pa ang pisngi ko.

Tumango-tango naman ako at tuluyang bumangon sa higaan bago mag-unat ng katawan.

Sanay nanaman ako kapag dito siya natutulog sa apartment ko ay siya rin ang unang magigising at magluluto para sa aming dalawa.

Habang nag-uunat ay napansin kong mariing nakatitig si KC sa akin,tila ino-obserbahan ang ginagawa ko kaya naman kunot noo akong tumingin sa kanya at binigyan siya ng 'bakit?' face.

Ngumiti naman ito at umiling-iling.

Napasaltak nalang ako bago siya hilahin palabas. "Tara na nga..abnormal"

Pinauna ko na siyang maupo sa upuan dahil pumunta pa ako ng lababo para magmumog at maghilamos.Nakakahiya naman,yung kasama ko fresh na fresh at bagong ligo tapos ako amoy higaan.Di bale maliligo naman ako maya-maya.

Pagkatapos maghilamos ay tumabi naman agad ako sa kanya para kumain.

Simpleng fried rice,itlog,hotdog at tapa lang naman ang niluto niya pero sobrang nang nagpasaya sa akin.

Siya lang kasi ang gumagawa nito sa akin.Siya lang ang taong nagluluto ng pagkain para sa akin.Nawalan kasi ng chance ang mga parents ko na magawa ito sa akin kasi sanggol palang ako,namatay na sila.

Napunta naman ako sa pangangalaga ng Tita Abby ko kung saan puro pamamalupit lang ang natanggap ko.Kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon ay tumakas ako sa bahay nila at hinanap ang isa ko pang kamag-anak.

Si Tita Thelma,kapatid siya ni mama at mabait.Hindi niya ako sinasaktan,di tulad ni Tita Abby pero katulad ng iba,iniwan niya rin ako.

Hindi siya namatay gaya nila mama pero umalis siya ng bansa at nag abroad.

Nagpapadala naman siya sa akin paminsan-minsan.Ang sabi ko nga ay huwag na eh pero mapilit talaga si Tita,nakakapagbigay rin siya sa akin ng sulat isang beses kada isang buwan.

Itong apartment na tinitirhan ko ay sa kanya at ako muna ang pansamantalang naninirahan dito.

Nagkaroon ako ng takot na mapalapit sa ibang tao kasi lagi kong iniisip na magsasawa rin sila sa akin at iiwan rin nila ako.Kaya nga wala akong naging kaibigan sa school.

Nakontento na nga lang ako sa pagsulyap-sulyap kay KC eh kasi gusto ko talaga siya noon.

Hindi ko alam..basta nung una ko siyang makita.Napatulala agad ako sa kanya kasi ang angas ng dating niya.Kahit walang kaemosyon-emosyon yung mukha niya nun,para sa akin ang cool niyang tignan.

Simula nun lagi ko na siyang naiisip tapos lagi pa akong sumusulyap sa kanya tuwing kakain ako sa canteen.Yun lang kasi yung time na makikita ko siya eh,hindi kasi kami magkaklase pero minsan nagkakasalubong kami sa hallway pero di naman ako nun pinapansin,ni hindi nga ako binalingan kahit saglit na tingin eh.

Ganun siya ka-snobber!

.
Nung mga panahong walang-wala ako..parang gusto ko nalang ring mawala,gusto ko ng sumunod kayla mama at papa,gusto ko nalang ring mamatay pero nung mga panahong yun..dun ako napansin ni KC at naging magkaibigan pa kami.

Ang saya saya ko nung araw nayun,tinanggal ko lahat ng takot sa dibdib ko at sinubukang makipag-attach sa iba.

Hindi ko naman hinihiling na mapansin niya ako eh,kontento na akong nakatingin lang sa kanya pero heto siya..nasa harapan ko.Sinasandukanako ng sinangag at ulam na inihanda niya.

My Psycho-Childish BestfriendWhere stories live. Discover now