HER POV"I want Elli! Elli lang gusto ko.Ayaw ko sayo"
"M-Mr.Lewis.Tinawagan na po namin si Ms.Elli---Ay!"
Narinig ko na parang may nabasag sa loob kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa mapihit ko ang sedura ng pintuan.Agad na bumungad sa akin ang basag na flower vase,baso pati yung bintana nitong clinic ay basag rin.Pambihirang lalaki,inatake nanaman ng pagiging abnormal.Bakit ba ganito siya?
Lumapit ako sa nurse at humingi ng tawad.Umalis yung nurse saglit dahil tatawagin niya daw ang Janitor para linisin ang kalat nitong abnormal na ito.
Lumapit naman ako kay KC na nakatalukbong ng kumot.Hinampas ko ang binti nito pero wala itong imik kaya muli ko itong pinalo ng isang beses.
"Ano ba?!",angil nito at tinanggal ang kumot na tumatabon sa kanya.Pagkakita niya sa akin ay nanlaki ang mata niya at agad na umupo mula sa pagkakahiga.
"Elli!",agad itong yumakap sakin kaya halos matumba ako sa kinatatayuan ko.Dambahin ba naman ako?."Elli!Bad sila,tignan mo Elli oh!",pinakita nito sakin ang braso niya na may bulak.Marahil ay tinurukan ito."Elli,inaway nila ako,masakit Elli",wala akong naging reaksyon sa mga inaakto nito dahil medyo nasanay narin ako sa kanya.Sa dalawang taon naming magkakilala ay ganito na talaga siya.20 years old na siya pero yung utak pang 8 years old.Hay nako.Mapapa-face palm ka nalang talaga.
"Ikaw yung bad!Tignan mo nga yung ginawa mo,nagwala at nagbasag ka lang naman dito",panenermon ko rito.Napanguso naman ito.
"Kasi inaaway nila ako eh",parang batang sabi nito at kahit sanay na ako sa ganyang akto niya ay naiinis parin talaga ako kasi napaka isip-bata niya.Lalo na kapag nagkakasakit siya katulad ngayon..nagwawala at hinahanap ako.Hindi ko rin alam kung bakit ko ito naging bestfriend?Wala siguro ako sa katinuan nung pumayag akong makipagkaibigan sa kanya.Dalawang taon na kaming magkaibigan at masasabi ko na medyo marami na akong alam tungkol sa kanya at marami pang hindi.
"Alam mo ba na ang sarap mong tuktukan nang matauhan ka?Tinurukan ka lang nila ng gamot para gumaling kana agad.Anong sinasabi mo dyang inaaway ka?Ikaw kamo ang nang-away dun sa mga nurse!",singhal ko rito nang magising naman ang katinuan na alam kong imposibleng mangyari dahil ganyan na talaga siya.Abnormal!
"Mas kinakampihan mo pa yung mga nurse kesa sakin?",kunot-noong tanong nito pero mas mapapansin mo ang nagti-teary nitong mga mata.
"Wala akong kinakampihan,ang sinasabi ko lang ay mali yung ginawa mo,hindi mo dapat ginawa yun,hindi ka dapat nagbato ng kung ano ano rito at hindi rin sila bad kasi gusto lang naman nila na gumaling ka eh",sana naman marealize na niya yung kamalian niya.Hindi naman porke sila ang may-ari ng University ay pwede na niyang gawin lahat ng gusto niya.May dapat at hindi dapat na ginagawa.At yung ginawa niya?Hindi tama yun.
Wala itong naging response,nakayuko lamang ito marahil dahil sa mga sinabi ko.Kita ko ang pagkagat nito sa mapupula nitong labi.Sinilip ko ang mukha niya kaya nakita ko kung paano nagsibagsakan ang mga luha nito.
Agad na lumambot ang ekspresyon ko at natatawang niyakap ito.Pagkayakap ko rito ay lumabas ang mumunting hikbi mula sa bibig niya.
"Sorry Elli..Sorry.Ang bad ni KC,ang bad niya",umiiyak na sabi nito kaya napangiti ako.Isa ito sa mga gusto ko sa kanya,kapag narealize niyang siya ang mali ay nagso-sorry ito kaagad.
"Hush now.Sshh basta sa susunod huwag mo na uulitin yun",sabi ko.Ramdam ko na tumango-tango naman ito sa sinabi ko.Isa pa pala sa gusto ko sa kanya kahit ganyan siya ay nakikinig siya palagi sa akin.
"Sorry Elli..Huwag kana magalit,ayaw ni KC na nagagalit yung Elli niya",napangiti naman ako sa sinabi nito.Tumigil na ito sa pag-iyak ngunit nandun parin ang mumunti nitong hikbi.
"Hmm,hindi naman ako galit",mahinahong sabi ko rito bago haplos-haplusin ang buhok nitong malambot."Ang init mo parin.Higa kana",agad naman itong sumunod sa sinabi ko.Bumitaw ito sakin mula sa pagkakayakap bago humiga.Inayos ko naman ang kumot nito.
Habang inaayos ang kumot nito ay nabigla ako nang hawakan nito ang kamay ko.Napatingin naman ako sa kanya,nakatingin ito sakin ng mataman kaya medyo napalunok ako.A-anong tingin yan?
"B-bakit?",..ako nautal?
Pero mas nagulat ako kasi hinalikan nito ang kamay ko na nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam.Tila may kung anong kumikiliti sa tiyan ko.Ano yun?
"Huwag ka umalis,dito kalang.Huwag mo ako iwan",yun lang pala yung sasabihin niya.May paghalik pa sa kamay na nalalaman.
"Oo hindi ako aalis,dito lang ako matulog kana",sabi ko.Dinampian ko pa ito ng halik sa noo para i-asure na hindi talaga ako aalis.
"Huwag ka alis ah?",naninigurado paring sabi nito.Tumango-tango naman ako."Halika dito..",tinapik tapik nito ang tabi niya sign na pinapahiga niya ako sa kanyang tabi ngunit inilingan ko ito.
"Hindi na,matulog kana diyan"
"Ayaw!Gusto tabi!",mapilit na sabi nito pero umiling muli ako.Mamaya niyan mahawaan niya pa ako ng lagnat edi dalawa na kaming may sakit?Huwag na!
"Hindi pwede,Isa KC",mapagbantang sabi ko rito pero ang abnormal ay mapilit.Ang gusto niya dapat ang masusunod.Psh brat!
"Ayaw ayaw ayaw!Gusto ko tabihan mo ako kasi pag natulog na ako aalis kana",nagsimula nanamang tumulo ang luha nito kaya wala na akong nagawa kundi tumabi sa kanya.Pagkahiga ko palang ay agad na ako nitong niyakap.
"Huwag mo akong yakapin!Ang init mo!",angil ko rito.Pag ako talaga nahawa naku!
"Ihh yaw ko.Gusto ko yakap",balewalang sabi nito kaya hinayaan ko nalang dahil ang gusto nya...ang masusunod psh.
Ang dahilan kaya ayokong humiga at tumabi sa kanya ay dahil alam kong makakatulog ako at malalagpasan ko ang mga subject namin.Katulad nalang ngayon inaantok nanaman ako.Ito kasi si KC eh.
*yawn*
Bago ako lamunin ng dilim ay yumakap muna ako pabalik sa kanya.Naramdaman ko na mas lalo pang humigpit ang yakap nito at kahit patulog na ang diwa ko ay ramdam ko ang paulit-ulit nitong paghalik sa noo at pisngi ko.
.
"Akin kalang.Walang makakaagaw sa'yo.If I need to act like a f*cking stupid childish infront of you,I will do My Elli,just for you.Para lang hindi ka matakot sakin...para lang hindi mo ako iwan.You are only mine Baby,only mine".
YOU ARE READING
My Psycho-Childish Bestfriend
Novela JuvenilWhat will you do if you've given a chance to have a boy-bestfriend but childish.Ellice Andrada have a bestfriend named Kaicel Angelo Lewis a certified handsome and hot bestfriend but childish she have that always gives her a migraine and even though...