CHAPTER 7

1.2K 35 0
                                    

Ellice Pov

Sabi nila 'Everything's happen for a reason'.Naisip ko na may rason kung bakit maagang nawala ang mga magulang ko at kung bakit mag-isa nalang ako sa buhay ngayon,siguro kaya nangyari yun para makilala ko si KC.

Nung mga panahon na sobrang nahihirapan na ako,yung tipong naisipan ko na tapusin nalang rin yung buhay ko dahil hindi ko na kaya,dumating siya bigla sa buhay ko..inalalayan niya ako,tinulungan,ginabayan..feeling ko nga nung mga panahon nayun ay isa siyang Guardian Angel na pinadala sa lupa para sa akin bonus mo pa na may gusto ako sa kanya noon,NOON yun.

Kaya masaya talaga ako nung maging magkaibigan kami,naalala ko pa noon kung paano kami nagkakilala.

FLASHBACK..

Inutusan ako ni Ma'am na dalhin yung mga bagong libro sa library,halos hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa dami at bigat ng mga ito,sa totoo lang..parusa ko talaga ito dahil late ako ngayon pero hindi ko rin maiwasan na magtampo sa guro namin dahil sa akin lang niya ito ginagawa,yung iba naman kahit late ay wala lang sa kanya pero pagdating sa akin..kung ano anong parusa ang ibibigay.Hindi ko alam kung ganun lang talaga siya o sadyang mainit talaga yung dugo niya sa akin.Mabait naman ako sa klase niya,nakikinig naman ako,nagrerecite,nakakapasa naman ako sa mga quizzes at mga test niya.Hayst so unfair.

Nang makapunta ng library ay agad kong naisalampak ang libro sa sahig kaya naman napagalitan ako ng Librian.

"Miss Andrada.Hindi sa sahig ang lagayan ng mga libro,alam mo naman siguro kung magkano bawat isa ng mga iyan hindi ba?",napayuko nalang ako nang pagalitan ako ng librian.

"Sorry po..",nakayukong paumanhin ko.May lumapit na dalawang lalaki sa pwesto namin at kinuha ang mga libro sa sahig,marahil sila yung taga lagay ng mga libro sa bookshelves.

Dahil late nalang rin naman ako..hindi na ako papasok sa pang-unang klase ko.Magbabasa nalang siguro ako tutal yun rin naman ang isa sa mga habit ko.

Kumuha ako ng ilang libro sa Bookshelf 11.Magaganda kasi ang mga babasahin doon,tungkol sa love story pero sa Sci-fic nakabase yung love story nila kaya kinilig kana..marami ka pang matututunan at malalaman.

Pumunta ako sa pinakadulo nitong library tutal maaga at maliwanag pa naman kaya hindi masyadong madilim at nakakatakot pumunta roon.

Nang makaupo ako sa isa sa mga upuan roon ay agad kong binuklat ang librong 'Huchine'.Love story ng isang human at isang robot,hindi ko pa ito natatapos,sobrang lungkot na ng mga nangyayari kahit nasa kalahati palang ako.Nakakaiyak dahil balak nang iactivate si Rowen,ang human robot na ginawa mismo ng leading lady na si Akesha.Isa siyang scientist at dahil mag-isa nalang siya sa buhay ay gumawa siya ng isang human robot para makasama niya ito ngunit hindi niya inaasahan na mahuhulog pala siya rito.

Natigil ako sa pagbabasa nang makarinig ng kaluskos sa kabilang bahagi ng library,ngayon ko lang napansin na ako nalang pala mag-isa rito.

Nang makarinig muli ng kaluskos ay napagpasyahan kong puntahan kung saan nanggagaling iyon.

Unti-unti akong humakbang papalapit sa lugar na iyon,habang papalapit ako ay may mahina akong boses na naririnig.

"Why did you left?.."

Ano daw?

"How dare you to leave me like this?"

Eh?

"I hate you..I want to kill you..I want to see your blood and I want to taste it,you b*tch.."

Anong sabi niya?See and taste blood?Baliw na ba ang lalaking ito?Oo,lalaki..nalaman ko na lalaki ito dahil sa kanyang boses.

My Psycho-Childish BestfriendWhere stories live. Discover now